23/05/2026
Ngayong umaga, sa huling araw ng Flores de Maria sa purok Pagasa, naging makabuluhan at masaya ang pagtitipon ng mga bata. Sa mga nagdaang araw, sila ay natuto ng mga aral tungkol sa pananampalataya, nagbahaginan ng kanilang mga karanasan, at sama-samang nanalangin bilang isang komunidad na nagmamahal at nagtitiwala sa Diyos at sa Mahal na Birheng Maria.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mga masisipag at mapagmalasakit na volunteers na buong tiyagang nagturo, gumabay, at naglaan ng kanilang oras at kakayahan para sa mga bata. Dahil sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa paglilingkod, naging matagumpay at makahulugan ang ating pagdiriwang ng Flores de Maria.
Lubos din po ang aming pasasalamat kay Gng. Angie Egango Valenzuela sa kanyang buong pusong suporta sa programa. Ang kanyang kabutihang-loob at pakikiisa ay malaking tulong upang maging maayos at matagumpay ang ating mga gawain para sa mga bata at sa komunidad.
Nawa’y patuloy na pagpalain ng Panginoon ang lahat ng nagbahagi ng kanilang panahon, talento, at biyaya para sa gawaing ito. Maraming salamat po sa inyong lahat, at nawa’y manatili sa ating mga puso ang mga aral at pagpapahalagang ating natutuhan sa Flores de Maria. Mabuhay ang ating sama-samang paglilingkod para sa Diyos at kay Maria! 🌹🙏🏻
🙏🌹