27/09/2021
ako at ikaw na lang muna Lord,
turuan mo ang puso ko na ikaw ang unahin. ikaw ang una kong pag-ibig. Hindi ako maghahanap ng pag-ibig sa tao dahil sayo pa lang buo na ako.
ako at ikaw na lang muna Lord,
ang pag-ibig mo ang kailangan ko. ikaw ang unang umibig sa akin. ang nagturong magmahal. sayo kailanman hindi ako mabibigo.
ako at ikaw na lang muna Lord,
tayong dalawa na lang muna.
sayo maglilingkod na muna ako ng buo.
sayo ang buhay at puso ko.
ako at ikaw na lang muna Lord,
subalit kung sakaling magmamahal ako. doon sa taong mahal ka. at Hindi ako ilalayo sayo.
pero sa ngayon,
ako at ikaw na lang muna Lord! β₯οΈ