03/09/2025
“Enter his gates with thanksgiving and his courts with praise; give thanks to him and praise his name.”
—Psalm 100:4 (NIV)
Ang taong marunong magpasalamat ay masarap kasama! Sa mundo, may mga taong palaging nagrereklamo at laging may reklamo sa buhay, pero may mga taong masaya, positibo, at laging nagpapasalamat. Siyempre, mas gugustuhin natin kasama ang mga taong masaya at puno ng pasasalamat, di ba?
Kapag tayo’y laging nagpapasalamat, mas nagiging malinaw sa atin kung gaano kabuti ang Diyos. Habang lumalalim ang relasyon natin sa Kanya, mas nagiging aware tayo sa lahat ng ginawa Niya para sa atin, at mas nagiging natural na maging thankful tayo.
Kung hindi tayo marunong magpasalamat sa maliit na bagay na ibinigay ng Diyos, paano Niya pa tayo pagkakatiwalaan ng mas malaki? Ang pusong mapagpasalamat ay nagpap**ita kay Lord na kaya nating pangalagaan ang Kanyang mga pagpapala.
Kaya kung nakakaramdam ka ng kawalan ng gana o reklamo, huminto ka at magpasalamat sa Diyos sa mga bagay na meron ka ngayon. Kahit maliit lang, pasalamatan Siya. Magugulat ka kung paano Niya gagantimpalaan ang pusong marunong magpasalamat!
Challenge: Tumingin ka sa paligid mo ngayon.
Ano ang pwede mong ipagpasalamat?
Isang kaibigan?
Isang pagkain?
Isang panalangin na sinagot Niya?
Walang maliit na bagay pagdating sa pasasalamat sa Diyos! 🙌✨