29/08/2026
๐๐๐๐๐๐ผ๐: โLingkod ng Dambana, Lingkod sa Kapwaโ An Outreach Program for the kids and residents of Sitio Cutad
Naging matagumpay ang isinagawang programang pantulong ng mga Lingkod ng Dambana para sa mga kabataan at residente ng Sitio Cutad, Mariveles, Bataan ngayong ika-29 ng Agosto.
Sa kabila ng masamang panahon, buong puso pa ring ipinagpatuloy ng mga Lingkod ng Dambana, kasama ang Social Action Ministry ng ating parokya at mga magulang ng mga Lingkod ng Dambana, ang isinagawang outreach program. Nakibahagi rin sa programa ang ating butihing Rektor at Kura Paroko, Reb. Pde. Regin Lagante Tenorio
Idinaos ang programa sa Kapilya ni San Andres, kung saan ipinagdiwang ang Banal na Misa para sa Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon. Matapos nito ay isinagawa ang isang munting programa na inihanda ng mga Lingkod ng Dambana para sa mga kabataan at residente ng komunidad.
Taos-pusong nagpapasalamat ang buong ministeryo sa lahat ng mga parokyanong nagpaabot ng kanilang mga donasyon, suporta, at panalangin para sa tagumpay ng gawaing ito. Lubos din ang aming pasasalamat sa Social Action Ministry, sa pangunguna ni Tito Norberto Demesa sa mga magulang ng mga Lingkod ng Dambana, sa pamumuno ni Tita Victoria Pangilinan, at higit sa lahat, kay Reb. Pde. Regin Lagante Tenorio sa kanyang pagpapaunlak na maisagawa ang programang ito, gayundin sa kanyang pakikiisa sa pagdiriwang ng Banal na Misa at pakikisama sa munting salu-salo at kasiyahan ng lahat ng nakiisa sa nasabing programa.
Nawaโy hindi rito magtapos ang aming hangaring maging instrumento ng pagmamahal ni Kristo sa ating kapwa. Nawaโy patuloy tayong maging mga lingkod hindi lamang sa dambana, kundi maging sa ating kapwa, lalo na sa mga nangangailangan ng tulong, pag-asa, at malasakit.
Muli, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagpaabot ng kanilang tulong, suporta, at panalangin. Ang inyong kabutihan ay naging bahagi ng pagdadala ng saya at pagmamahal ni Kristo sa komunidad ng Sitio Cutad.
Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Diyos!
Amen! ๐