05/06/2026
Tuklasin ang mga aral ng Panginoong Jesucristo sa MCGI Mass Indoctrination | June 8, 2026 7 PM PHT
Samahan ninyo po kami sa pagbubukas ng panibagong sesyon ng Mass Indoctrination sa darating na Lunes, ika-8 ng Hunyo 2026, alas-7 ng gabi (Philippine Standard Time).
Sa loob ng 14 na araw, kung loloobin ng Panginoon, tuklasin po natin ang tunay na aral ng Banal na Kasulatan tungkol sa pagiging kapatid kay Cristo sa pamamagitan ng pag-unawa at pagsunod sa kalooban ng Dios. Matuto po tayo mula sa mga turo na ipinag-utos ng ating Panginoong Jesucristo na ituro.
Ang mga sesyon ay gaganapin tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas-7 ng gabi. Maaari po ninyong panoorin ang mga sesyon sa official MCGI social media accounts o sa pagbisita sa pinakamalapit na MCGI Coordinating Center.
Para sa pagpapatala ng inyong attendance at sa iba pa naming maaaring maipaglingkod, makipag-ugnayan lamang po sa MCGI servant sa pinakamalapit na lokal.
Para po sa mga nagnanais magsadya sa MCGI Mariveles Chapter, ito po ay matatagpuan sa #2585-A Porto Del Sol, Barangay Balon Anito, Mariveles Bataan. (Likod ng Margie's Place Resort).
Huwag po nating palalampasin ang pagkakataong ito upang lumalim ang ating kaalaman sa salita ng Dios at lumakas ang ating pananampalataya.
Salamat po sa Dios!