ST. ROQUE Chapel

ST. ROQUE Chapel OFFICIAL FACEBOOK PAGE

“UNOM (6) NA BATAN-ON SAN BARANGAY, SACRISTAN NA!”San nakaligad na Hulyo 4,2026-Ika Katorse (XIV) na Domingo san Ordinar...
10/07/2026

“UNOM (6) NA BATAN-ON SAN BARANGAY, SACRISTAN NA!”

San nakaligad na Hulyo 4,2026-Ika Katorse (XIV) na Domingo san Ordinaryo na Panahon, unom na bata san atun Barangay an nag boluntad san inda mga sadiri na maging bag-o na sacristan san kapilya. Ini na unom nag agi san whole day Annual Fomation san nakaligad na Mayo 16,2026 sa Parokya, na kun diin usad ini sa dapat atendiran bago an rito San installation.

Ini na mga bag-o na Sacristan amu sinda:
•Abelle P. Catamora
•Mac Arthur P. Mendoza
•Daniel Jeff D. Briones
•Kiesha Alexa G. Antang
•Lendsy Arthea P. Mendoza
•Athena Hera A. Capellan

Nagapasalamat an Pastoral Council sa mga ginikanan sani na kabataan na nagtugot kag nag bulig agud maisakatuparan ini na handom san kabataan na mag serbi sa Kapilya ni San Roque san atun Barangay.

"Isang Taon Pang Biyaya, Isang Buhay Pang Paglilingkod"Sa ngalan ng Barangay Pastoral Council at ng lahat ng Ministries,...
10/07/2026

"Isang Taon Pang Biyaya, Isang Buhay Pang Paglilingkod"

Sa ngalan ng Barangay Pastoral Council at ng lahat ng Ministries,
taos-puso po naming binabati ang aming Parish Priest Rev. Fr. Rey Rivera!

Maraming salamat sa inyong mapagmahal na puso, tapat na paglilingkod, at walang sawang paggabay sa aming parokya. Kayo po ay naging ilaw at inspirasyon sa aming pananampalataya, na patuloy na umaakay sa amin upang higit na mapalapit sa Diyos at magmahalan bilang isang pamayanan.

Dalangin namin na patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at kagalakan sa inyong bokasyon. Nawa'y suklian Niya nang masagana ang lahat ng inyong sakripisyo at kabutihang-loob, at patuloy kayong gabayan ng Mahal na Birheng Maria sa bawat hakbang ng inyong misyon.

Maraming salamat po, Father, sa pagiging aming pastol, ama, at kaagapay sa pananampalataya.

Kumpleto na ang ating Monthly Family Sponsors para sa Hulyo 2026! 🙏💙 “Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kan...
03/07/2026

Kumpleto na ang ating Monthly Family Sponsors para sa Hulyo 2026! 🙏💙

“Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kanyang puso, hindi mabigat sa loob o napipilitan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay nang may kagalakan.”
— 2 Corinto 9:7

Lubos ang aming pasasalamat sa mga pamilya na nagpaabot ng kanilang suporta at naging Monthly Family Sponsors ngayong buwan ng Hulyo 2026. Ang inyong pagmamalasakit at bukas-palad na pagtugon ay malaking tulong sa patuloy na pagsasagawa ng mga gawain at pangangailangan ng ating simbahan.

📢 Paalala: Ang listahang ito ay hindi lamang para sa mga Marintocano na may kaarawan o may mahahalagang pagdiriwang sa buwan ng Hulyo. Ito ay bukas para sa sinumang nagnanais na maging karagdagang sponsor bilang pasasalamat sa mga natamong biyaya, pagdiriwang ng espesyal na okasyon, pag-aalay ng intensyon, o simpleng pagbabahagi ng kanilang pagpapala sa ating pamayanan ng pananampalataya.

Maaring mag message sa official FB Page, o magpalista kay Ginang Joana B. Celo (Chairman-Service Committee).

Ikaw-12 Na Domingo Sa Ordinaryong Panahon at Araw ng mga Ama“Turuan mo ang bata sa daang dapat niyang lakaran, at hangga...
21/06/2026

Ikaw-12 Na Domingo Sa Ordinaryong Panahon at Araw ng mga Ama

“Turuan mo ang bata sa daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa kanyang pagtanda ay hindi niya ito lilimutin.”
— Kawikaan 22:6

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Father’s Day, isang espesyal na pagbabasbas ang isinagawa para sa mga ama matapos ang Banal na Misa. Pinangunahan ng pari ang pagbabasbas bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga ama bilang haligi ng pamilya at gabay sa pananampalataya.

Nawa’y patuloy silang pagpalain ng Panginoon ng kalakasan, karunungan, at mabuting kalusugan sa kanilang paglilingkod sa kanilang pamilya at komunidad.

Maligayang Araw ng mga Ama sa lahat ng Tatay at Lolo! 💙🙏

Marintocano’s adi na an listahan san mga tawo na boluntad na maging mass sponsor sa kada Misa natun kada Domingo! Ini na...
13/06/2026

Marintocano’s adi na an listahan san mga tawo na boluntad na maging mass sponsor sa kada Misa natun kada Domingo!

Ini na listahan,para pala sa bulan san Hunyo kag Hulyo 2026.

Sa mga gusto na maging Mass Sponsor, hanapon la an Chairman san Service Committe Sister Joana B. Celo or magpalista sa atun mga Lectors and Commentators!

An Barangay Pastoral Council san Kapilya ni San Roque,naga paabot san daku-daku na pasasalamat sa iyo na tanan!

Diyos an Mabalos!

🕊️ “Pagbuhos ng Espiritu Santo: Biyaya ng Pagkakaisa at Pananampalataya” 🕊️Ipinagdiwang ng mga mananampalataya ang Lingg...
02/06/2026

🕊️ “Pagbuhos ng Espiritu Santo: Biyaya ng Pagkakaisa at Pananampalataya” 🕊️

Ipinagdiwang ng mga mananampalataya ang Linggo ng Pentekostes sa St. Roque Chapel sa pamamagitan ng isang makabuluhang Banal na Misa bilang paggunita sa pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostol na pinangunahan ni Rev. Fr. Rey S. Rivera. Sa pagdiriwang na ito, muling pinaalalahanan ang lahat tungkol sa mahalagang papel ng Espiritu Santo bilang gabay, lakas, at inspirasyon sa patuloy na pamumuhay bilang tapat na mga Kristiyano. Binigyang-diin din sa pagninilay ang pagtawag sa bawat isa na maging instrumento ng pagmamahal, kapayapaan, at pagpapatawad sa kanilang kapwa.

Maligayang Kaarawan sa ating Banal na Simbahan!

🙏🕊️ “Halina, Espiritu Santo, punuin Mo ang puso ng Iyong mga mananampalataya.” 🕊️

“Biyaya ng Pananampalataya: Imahe ng Divine Mercy, Handog ng Pamilyang Danao sa Kapilya ng St. Roque”Lubos na nagpapasal...
02/06/2026

“Biyaya ng Pananampalataya: Imahe ng Divine Mercy, Handog ng Pamilyang Danao sa Kapilya ng St. Roque”

Lubos na nagpapasalamat ang St. Roque Pastoral Council sa Proshot and Craft sa pangunguna ni Ms. Chin Rañola Danao at kanyang pamilya, sa kanilang mapagkawang-gawang handog na imahe ng Divine Mercy para sa kapilya.

Ang nasabing donasyon ay malaking biyaya para sa pamayanan sapagkat magsisilbi itong inspirasyon at gabay sa pananampalataya ng mga mananampalataya. Ipinapaabot ang taos-pusong pasasalamat sa kabutihang-loob ng pamilya Danao at dalangin na patuloy silang pagpalain ng Panginoon sa kanilang kabutihan at paglilingkod sa Simbahan.

Diyos an Mabalos!

With a grateful heart, we offer this Divine Mercy image to our Chapel here in Marintoc (St. Roque Chapel). May it inspire faith, hope, and trust in God's endless mercy. ✝️❤️

Mayo 5, 2026 | Ika-Lima na Araw ng Santa Cruzan ✨Patuloy ang masigla at makulay na pagdiriwang ng Santa Cruzan sa Brgy. ...
06/05/2026

Mayo 5, 2026 | Ika-Lima na Araw ng Santa Cruzan ✨

Patuloy ang masigla at makulay na pagdiriwang ng Santa Cruzan sa Brgy. Marintoc, Mobo, Masbate sa ikaapat na araw nito. Pinangunahan at itinaguyod ni Kagawad Joyce Ann P. De Mesa ang selebrasyon bilang pangunahing sponsor.

Ang Santa Cruzan ay sumasalamin sa lalim ng pananampalataya at debosyon ng komunidad, habang binibigyang-halaga ang paggunita sa pagkakatagpo ng Mahal na Krus ni Reyna Elena. Sa bawat pagdiriwang, lalong napapalalim ang pagkakaisa ng mamamayan at napapanatili ang ating makulay na kultura at tradisyon.

Ika-limang araw na puno ng biyaya, pananampalataya, at pagkakaisa. 💐

Mayo 4, 2026 | Ikatlong Araw ng Santa Cruzan ✨Patuloy ang makulay at makahulugang pagdiriwang ng Santa Cruzan sa Brgy. M...
04/05/2026

Mayo 4, 2026 | Ikatlong Araw ng Santa Cruzan ✨

Patuloy ang makulay at makahulugang pagdiriwang ng Santa Cruzan sa Brgy. Marintoc, Mobo, Masbate sa ikatlong araw nito. Pinangunahan at itinaguyod ni Kagawad Arturo Mendoza ang selebrasyon bilang pangunahing sponsor.

Ang Santa Cruzan ay patunay ng matibay na pananampalataya at debosyon ng komunidad, kasabay ng paggunita sa pagkakatagpo ng Mahal na Krus ni Reyna Elena. Sa bawat araw ng selebrasyon, lalong napagtitibay ang pagkakaisa ng mamamayan at ang pagpapahalaga sa ating mayamang kultura at tradisyon.

Hapun na puno ng pananampalataya, pagkakaisa, at makukulay na pagdiriwang.

Address

Marintoc

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ST. ROQUE Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share