MHCP Faithbook Craze

MHCP Faithbook Craze a page led by the Youth Council of Mary Help of Christians Parish

40 Araw ng Panalangin, Paghuhubog, at Pagkalinga. 🕯️✨Isang maligayang pagbati sa ating mga novicio/a sa matagumpay nilan...
05/04/2026

40 Araw ng Panalangin, Paghuhubog, at Pagkalinga. 🕯️✨
Isang maligayang pagbati sa ating mga novicio/a sa matagumpay nilang pagtatapos ng kanilang 40-day formation! Nawa'y ang mga aral at karanasang ito ang magsilbing sandigan nila sa kanilang patuloy na pagtugon sa tawag ng Panginoon. Ipagpatuloy natin ang pananalangin para sa kanilang bokasyon.

Misa ng Huling Hapunan || April 2, 2026
02/04/2026

Misa ng Huling Hapunan || April 2, 2026

MIYERKULES SANTO || Banal na Misa at Prusisyon
01/04/2026

MIYERKULES SANTO || Banal na Misa at Prusisyon

Istasyon Heneral || March 29, 2026
29/03/2026

Istasyon Heneral || March 29, 2026

Linggo ng Palaspas || March 29, 2026
29/03/2026

Linggo ng Palaspas || March 29, 2026

LENTEN RECOLLECTION || đź’śđź’śKabataan at Pamilya:  Kalakbay sa Paghuhubog at Pagmimisyon sa Simbahan sa Halimbawa ng Banal n...
14/03/2026

LENTEN RECOLLECTION || đź’śđź’ś

Kabataan at Pamilya: Kalakbay sa Paghuhubog at Pagmimisyon sa Simbahan sa Halimbawa ng Banal na Mag-anak

Muli ating mapagnilayan ang mahalagang papel ng kabataan at pamilya sa ating pananampalataya. Ang pamilya ang unang paaralan ng pagmamahal, paggalang, at pananampalataya. Tulad ng ipakita sa atin kung paano mamuhay nang may pagtitiwala sa Diyos, pagmamahalan, at pagkakaisa sa loob ng pamilya.

Bilang kabataan, mahalagang maunawaan natin na tayo ay hindi lamang bahagi ng pamilya kundi bahagi rin ng misyon ng Simbahan. Sa pamamagitan ng ating mga mabubuting gawa, paggalang sa ating mga magulang, at pagtulong sa kapwa, nagiging instrumento tayo ng pagmamahal ng Diyos sa iba. Ang halimbawa ng Banal na Mag-anak ay paalala na kahit sa simpleng pamumuhay, maaaring maging banal at makabuluhan ang ating buhay kung ito ay iniaalay natin sa Diyos.

Sa panahon ng Kuwaresma, inaanyayahan tayong magnilay, magbago, at lalong mapalapit sa Diyos. Ang recollection na ito ay nagsilbing gabay upang mas mapagtibay ang ating relasyon sa ating pamilya, sa ating kapwa, at higit sa lahat sa Diyos.

Lubos din kaming nagpapasalamat sa ating tagapagsalita na si Bro. Chester Velasco sa kanyang makabuluhan at inspiradong pagbabahagi. Sa pamamagitan ng kanyang mga salita at karanasan, mas naunawaan namin ang kahalagahan ng pagiging kabataan na may pananampalataya at ang mahalagang papel ng pamilya sa paghubog ng ating pagkatao.

Nawa’y patuloy naming maisabuhay ang mga aral na aming natutunan at maging liwanag kami sa aming pamilya, paaralan, at komunidad.

Maraming salamat po at nawa’y patuloy tayong gabayan ng Diyos sa ating paglalakbay sa pananampalataya.

"ALALAHANIN ANG MGA KABABALAGHAN NA GINAWA NG PANGINOON "“Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power, ginugunita natin a...
25/02/2026

"ALALAHANIN ANG MGA KABABALAGHAN NA GINAWA NG PANGINOON "

“Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power, ginugunita natin ang tapang at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Ang demokrasya ay hindi lamang kalayaang magsalita at pumili, kundi isang biyayang ipinaglaban at inialay ng maraming buhay para sa kinabukasan ng bayan. Nawa’y patuloy nating pahalagahan ang tinamong kalayaan—sa pamamagitan ng responsableng pakikilahok, pagrespeto sa karapatan ng bawat isa, at paninindigan sa katotohanan. Ang diwa ng EDSA ay paalala na kapag nagkakaisa ang mamamayan, ang pagbabago ay posible.”

✝️ UNANG ISTASYON NGAYONG UNANG LINGGO NG KWARESMA✝️Kasama ang mga novicio, novicia, at mga apostles 🙏Sa pagsisimula ng ...
22/02/2026

✝️ UNANG ISTASYON NGAYONG UNANG LINGGO NG KWARESMA✝️
Kasama ang mga novicio, novicia, at mga apostles 🙏

Sa pagsisimula ng ating paglalakbay ngayong Kwaresma, muli nating ginugunita ang paghihirap ng Panginoon sa pamamagitan ng Stations of the Cross. Ang unang istasyon ay paalala sa atin na ang pagtanggap sa kalooban ng Diyos, kahit ito’y may kaakibat na sakripisyo, ay tanda ng tunay na pagsunod at pagmamahal.

Bilang mga novicio at novicia, tayo ay hinuhubog hindi lamang sa kaalaman kundi higit sa lahat sa kababaang-loob at katatagan ng pananampalataya. Kasama ang mga apostles, nawa’y maging buhay na saksi tayo ng pag-asa, disiplina, at paglilingkod sa ating pamayanan.

Sa bawat hakbang ng krus, nawa’y matutunan nating ialay ang ating mga pagsubok, magpatawad nang taos-puso, at patuloy na magtiwala sa plano ng Diyos.💜💜

🌿 Ngayong Unang Linggo ng Kuwaresma, taimtim naming ipinagkakatiwala sa Diyos ang aming mga Novicio at Novicia. Nawa’y p...
22/02/2026

🌿 Ngayong Unang Linggo ng Kuwaresma, taimtim naming ipinagkakatiwala sa Diyos ang aming mga Novicio at Novicia. Nawa’y patuloy silang patatagin sa kanilang bokasyon, hubugin sa kababaang loob, at akayin sa landas ng ganap na pagtatalaga. ✝️

FEBRUARY 17 || TuesdayAng pagbubuling ay hindi lamang tradisyon, kundi isang makabuluhang paghahanda sa panahon ng Kuwar...
18/02/2026

FEBRUARY 17 || Tuesday

Ang pagbubuling ay hindi lamang tradisyon, kundi isang makabuluhang paghahanda sa panahon ng Kuwaresma. Ang mga palaspas na dating tanda ng tagumpay at papuri ay sinusunog upang maging abo—paalala na “Mula sa abo tayo nagmula at sa abo rin babalik.”
Sa bawat usok na umaakyat, nawa’y kasama ring umangat ang ating panalangin at pagnanais na magsimula muli.

BARANGAY MAINIT ||Ang bawat simpleng awit na inulit-ulit ay naging daan upang mas mailapit namin ang aming puso sa Kanya...
15/02/2026

BARANGAY MAINIT ||

Ang bawat simpleng awit na inulit-ulit ay naging daan upang mas mailapit namin ang aming puso sa Kanya. Sa bawat sandali ng katahimikan, natutunan naming makinig—hindi lamang sa musika, kundi sa tinig ng Diyos na nagsasalita sa kaibuturan ng aming pagkatao.

Ang Taizé Prayer ay nagsilbing paalala na sa kabila ng ingay at abala ng mundo, may kapayapaang matatagpuan sa pananahimik at pagtitiwala sa Panginoon. Ito ay naging pagkakataon para sa bawat kabataan na mag-alay ng pasasalamat, mga kahilingan, at mga personal na panalangin.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at sa pangunguna ng PYC OFFICERS at dedikasyon upang maisakatuparan ang makabuluhang gawaing ito. Nawa’y ang kapayapaang aming naranasan ay patuloy naming madala sa aming pamilya, komunidad, at sa aming pang-araw-araw na pamumuhay.

“The Lord gives strength to His people; the Lord blesses His people with peace.” – Psalm 29:11
🙏✨

GENERAL MEETING NG KABATAAN ||Ang general meeting ng kabataan ay hindi lamang simpleng pagtitipon. Ito ay panahon ng pak...
15/02/2026

GENERAL MEETING NG KABATAAN ||

Ang general meeting ng kabataan ay hindi lamang simpleng pagtitipon. Ito ay panahon ng pakikinig, pagbabahagi ng ideya, at pagpapatibay ng ating samahan. Bilang kabataan, mahalaga ang ating boses, ang ating partisipasyon, at ang ating pagkakaisa. Sa bawat plano at gawain, dala natin ang isang layunin—ang maglingkod nang may puso at pananampalataya. 💛🙏

Address

Balimbing, Boac
Marinduque
4900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MHCP Faithbook Craze posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share