Saint Padre Pio Sub-Parish - SPPC Dolmar

Directions

Saint Padre Pio Sub-Parish - SPPC Dolmar The Offcial page of Saint Padre Pio Sub-Parish (SPPC Dolmar) Located at Golden Hills Subd. Loma De Gato, Marilao, Bulacan. Priest-in-charge: Rev. Fr.

Edward C. Pecson

๐Ÿฎ๐Ÿณ ๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ | ๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‰๐˜ช๐˜ณ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ธ๐˜ข, ๐˜ด๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ญ๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜š๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜—๐˜ข๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜—๐˜ช๐˜ฐ ...
28/09/2026

๐Ÿฎ๐Ÿณ ๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ | ๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

โ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‰๐˜ช๐˜ณ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ธ๐˜ข, ๐˜ด๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ญ๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜š๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜—๐˜ข๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜—๐˜ช๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ฆ๐˜ต๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ค๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข.โ€

๐— ๐—”๐—ฆ๐——๐—”๐—ก | Mga kuhang larawan mula sa ginanap na Ikatlong Linggo ng Dalaw sa Nayon 2026 noong Setyembre 27, 2026 , kung saan buong galak at pananampalataya nating tinanggap ang pagdalaw ng imahen ng Mahal na Birheng Maria, ang Ina ng Awa, sa Kapilya ni Sto. Padre Pio ng Pietrelcina.

Ang pagdalaw na ito ay isang mahalagang bahagi ng ating paghahanda para sa nalalapit na Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria, ang Ina ng Awa. Sa pamayanang kanyang dinadalaw, nawaโ€™y patuloy nating maramdaman ang mapagmahal na paggabay ng ating Mahal na Ina at higit tayong mapalapit sa kanyang Anak na si Hesukristo.

Nawaโ€™y ang pagkakataong ito ay maging daan upang muling mapatibay ang ating pananampalataya, mapalalim ang ating pananalangin, at mapalakas ang pagkakaisa ng bawat pamilya at ng buong pamayanang patuloy na kumakapit sa awa at pagmamahal ng Diyos.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi at tumulong upang maging maayos at makabuluhan ang pagdalaw na ito. Maraming salamat po sa ating mga lingkod, tagapaglingkod sa kapilya, mga deboto, mga pamilya, at sa lahat ng mananampalatayang nakiisa sa pagtanggap at pagsama sa Mahal na Birheng Maria, ang Ina ng Awa.

Mahal na Birheng Maria, Ina ng Awa, patuloy mo kaming akayin patungo sa iyong Anak na si Hesus. Ipanalangin mo kami at ang aming mga pamilya.

Ina ng Awa, kami ay iyong lingapin.
Mahal na Birheng Maria, ipanalangin mo kami!

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿณ | ๐—œ๐—ž๐—”๐—ง๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”, ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—”๐—ช๐—”๐“๐ข๐ ๐ง๐š๐ง | Kahapon, ika-27 ng Sety...
28/09/2026

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿณ | ๐—œ๐—ž๐—”๐—ง๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—›๐—˜๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—”, ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ก๐—” ๐—ก๐—š ๐—”๐—ช๐—”

๐“๐ข๐ ๐ง๐š๐ง | Kahapon, ika-27 ng Setyembre, ipinagpatuloy ang ikatlong linggo ng Dalaw Patron ng Mahal na Birheng Maria, Ang Ina ng Awa, bilang bahagi ng ating paghahanda sa nalalapit na kapistahan.

Mula sa SPPC Marilao GreenForbes โ€“ St. Jude Thaddeus, sama-samang naglakbay ang mga deboto at lingkod patungo sa SPPC Dolmar โ€“ Saint Padre Pio Sub-Parish, upang ihatid at ipagkatiwala ang Mahal na Birhen sa panibagong pamayanan.

Naging pagkakataon ang pagdalaw na ito upang magkaisa sa panalangin, magpasalamat, at patuloy na palalimin ang ating debosyon sa Mahal na Ina. Sa kanyang pagdating sa panibagong pamayanan, nawaโ€™y maging daan ang kanyang presensya upang higit nating madama ang pagmamahal, awa, at paggabay ng Diyos.

Nawaโ€™y sa bawat tahanan at pamayanang kanyang dinadalaw ay mag-iwan ang Mahal na Birhen ng pag-asa, kapayapaan, at pagkakaisa. Sa kanyang paggabay, nawaโ€™y lalo tayong mapalapit sa kanyang Anak na si Hesukristo at maging matatag sa ating pananampalataya.

Patuloy nating samahan ang Mahal na Ina sa kanyang paglalakbay at makiisa sa mga susunod na linggo ng Dalaw Patron habang sama-sama nating ipinaghahanda ang dakilang pagdiriwang ng kanyang kapistahan.

๐—ฉ๐—œ๐—ฉ๐—” ๐—Ÿ๐—” ๐—ฉ๐—œ๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ก!

Ina ng Awa, ipanalangin mo kami!

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—œ๐—ž๐—”๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ'๐—ง ๐—”๐—ก๐—œ๐—  ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก๐— ๐—”๐—ฆ๐——๐—”๐—ก | Mga larawang kuha mula sa banal na misa noong...
26/09/2026

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—œ๐—ž๐—”๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ'๐—ง ๐—”๐—ก๐—œ๐—  ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก

๐— ๐—”๐—ฆ๐——๐—”๐—ก | Mga larawang kuha mula sa banal na misa noong Setyembre 26, 2026, sa pagdiriwang ng Ikaladalawampu't Anim na Linggo sa Karaniwang Panahon at Linggo ng mga Naglalayag sa Dagat at mga Migrante. Pinangunahan ito ni Rdo. P. Edward C. Pecson, ang ating Paring Tagapangasiwa.

Sa Mabuting Balita, itinuturo ni Jesus ang kagalakan ng Diyos sa pagsisisi ng mga makasalanan at pagbabalik-loob nila sa Ama, kaysa mga taong turing sa sarili ay matuwid at hindi tumutugon sa tawag ng pagbabagong-buhay.

Ipinapaalala sa atin ni Jesus na ang Diyos ay hindi naghihintay upang tayo ay parusahan, kundi patuloy na naghihintay sa ating pagbabalik. Kapag ang isang taong naligaw ng landas ay nagsisi at muling lumapit sa Diyos, nagkakaroon ng kagalakan sa langit. Ipinakikita nito ang lalim ng awa at pagmamahal ng Ama na handang tumanggap sa sinumang taos-pusong nagbabalik-loob.

Paalala rin ito sa atin na ang pagiging malapit sa Diyos ay hindi dahilan upang ituring natin ang ating sarili na higit na mabuti kaysa sa iba. Sa halip, dapat tayong maging maunawain at mapagkumbaba, sapagkat tayong lahat ay nangangailangan ng awa, kapatawaran, at patuloy na pagbabagong-buhay.

Nawaโ€™y matuto tayong magsisi sa ating mga pagkukulang at huwag matakot na bumalik sa piling ng Panginoon. At kapag may kapatid tayong nagbabalik-loob, nawaโ€™y tanggapin natin siya nang may pagmamahal at kagalakan, tulad ng pagtanggap ng Diyos sa bawat isa sa atin.

๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฆ๐—ฃ๐—ฃ๐—– ๐—ฆ๐—ง๐—ข. ๐—ฃ๐—”๐——๐—ฅ๐—˜ ๐—ฃ๐—œ๐—ข (๐——๐—ข๐—Ÿ๐— ๐—”๐—ฅ) | ๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿณ โ€“ ๐—ข๐—ž๐—ง๐—จ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฏโ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‰๐˜ช๐˜ณ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข, ๐˜ข๐˜ฏ...
25/09/2026

๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—ฆ๐—ฃ๐—ฃ๐—– ๐—ฆ๐—ง๐—ข. ๐—ฃ๐—”๐——๐—ฅ๐—˜ ๐—ฃ๐—œ๐—ข (๐——๐—ข๐—Ÿ๐— ๐—”๐—ฅ) | ๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿณ โ€“ ๐—ข๐—ž๐—ง๐—จ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฏ

โ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‰๐˜ช๐˜ณ๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ข, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ˆ๐˜ธ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜’๐˜ข๐˜ฑ๐˜ช๐˜ญ๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜š๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜—๐˜ข๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜—๐˜ช๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ฆ๐˜ต๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ค๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข.โ€

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Dalaw sa Nayon 2026, bilang paghahanda sa nalalapit na Kapistahan ng ating Mahal na Ina, ang Ina ng Awa.

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿณ
- ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿด โ€“ ๐—ข๐—ž๐—ง๐—จ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฏ
- ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ก๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ | ๐Ÿฐ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ก.๐—›.

๐—ข๐—ž๐—ง๐—จ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฏ
- ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐˜€๐—ฎ | ๐Ÿด:๐Ÿญ๐Ÿฑ ๐—ก.๐—š.

๐—ข๐—ž๐—ง๐—จ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฐ
- ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐—ฟ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ

Halinaโ€™t makiisa sa pananalangin at sama-samang salubungin ang ating Mahal na Ina. Nawaโ€™y ang kanyang pagdalaw sa ating pamayanan ay maging daan upang higit tayong mapalapit sa Diyos at maranasan ang Kanyang awa at pagmamahal.

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฏ | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—œ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—˜๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—–๐—œ๐—ก๐—”๐“๐ข๐ ๐ง๐š๐ง | Buong galak na ipinagdiwang noong ika-23 ng Setyembre ang Ka...
25/09/2026

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฏ | ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—œ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—˜๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—–๐—œ๐—ก๐—”

๐“๐ข๐ ๐ง๐š๐ง | Buong galak na ipinagdiwang noong ika-23 ng Setyembre ang Kapistahan ni San Pio ng Pietrelcina sa SPPC Dolmar โ€“ Sto. Padre Pio Chapel, bilang paggunita sa buhay at banal na halimbawa ng minamahal na santo.

Sa pamamagitan ng Banal na Misa, nagtipon ang mga mananampalataya upang sama-samang manalangin, magpasalamat, at humingi ng patnubay at pagpapala sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin ni San Padre Pio.

Matapos ang Banal na Misa, isinagawa ang prusisyon ng imahen ni San Padre Pio sa paligid ng pamayanan. Sama-samang nakiisa ang mga deboto sa panalangin at pag-awit bilang pagpapahayag ng kanilang pananampalataya at debosyon sa banal na patron.

Sa kanyang buhay, itinuro ni San Padre Pio ang kahalagahan ng pananalangin, pagtitiis, pagpapakumbaba, at lubos na pagtitiwala sa Diyos. Nawa'y magsilbi siyang inspirasyon sa bawat isa na manatiling matatag sa pananampalataya at maging tapat sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Nawa'y sa pagdiriwang na ito ay higit nating mapalalim ang ating pananampalataya at matularan ang halimbawa ni San Padre Pioโ€”isang buhay na inialay sa Diyos, sa panalangin, sakripisyo, at paglilingkod.

San Padre Pio ng Pietrelcina, ipanalangin mo kami!



(c): Echo Mariae โ€“ Mother of Mercy Quasi-Parish Commission on Social Communication

๐—ฅ๐—”๐—™๐—™๐—Ÿ๐—˜ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—” ๐—–๐—”๐—จ๐—ฆ๐—˜ | ๐—ฅ๐—”๐—™๐—™๐—Ÿ๐—˜ ๐——๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ช๐—œ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—ฆ|| ๐— ๐—”๐—๐—ข๐—ฅ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—˜๐—ฆ๐—š๐—ฅ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—˜ | ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—– ๐—•๐—œ๐—ž๐—˜โ€ข 0084 โ€” GEMMA UY๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—˜ | ๐—ช๐—”๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ก๐—š ๐— ...
24/09/2026

๐—ฅ๐—”๐—™๐—™๐—Ÿ๐—˜ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—” ๐—–๐—”๐—จ๐—ฆ๐—˜ | ๐—ฅ๐—”๐—™๐—™๐—Ÿ๐—˜ ๐——๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ช๐—œ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—ฆ

|| ๐— ๐—”๐—๐—ข๐—ฅ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—˜๐—ฆ

๐—š๐—ฅ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—˜ | ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—– ๐—•๐—œ๐—ž๐—˜
โ€ข 0084 โ€” GEMMA UY

๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—˜ | ๐—ช๐—”๐—ฆ๐—›๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—–๐—›๐—œ๐—ก๐—˜
โ€ข 0675 โ€” DARYL SARABOSING

๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—˜ | ๐—•๐—Ÿ๐—จ๐—˜๐—ง๐—ข๐—ข๐—ง๐—› ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—”๐—ž๐—˜๐—ฅ
โ€ข 1201 โ€” ALEX DULAY

|| ๐—–๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—ข๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ญ๐—˜๐—ฆ

1. 0799 - THELMA SARABOSING
2. 0677 - SHEENA MARIE SAAVEDRA
3. 0905 - MARICEL GADO
4. 0245 - JOCELYN MELINAS
5. 0381 - JEAN CONCEPCION
6. 0596 - CHONA TOLENTINO
7. 0074 - APHIE NEPOMUCENO
8. 0727 - HELEN TIU
9. 0579 - NANCY DE GUZMAN
10. 0296 - LYN BACERO
11. 0216 - ROMMEL DEL ROSARIO
12. 0127 - EARL EZPARAZ
13. 0762 - LILY FACTOR
14. 0027 - EVELYN LATOZA
15. 0491 - EDZEL PIANO
16. 0208 - MA. EAMA KASHA
17. 0353 - MARILYN ALCARAZ
18. 0865 - VANGIE BROSAS
19. 0257 - JANETTE ROL
20. 0927 - WINNIE TACTICA

Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa, bumili ng mga tiket, nagbigay ng tulong, at naging bahagi ng ating Raffle for a Cause.

Ang lahat ng pondong nalikom ay direktang ilalaan sa pagpapatayo ng Kapilya ni Santo Padre Pio. Sa pamamagitan ng inyong kabutihang-loob at patuloy na suporta, sama-sama nating naitatayo ang isang tahanan ng panalangin para sa ating komunidad.

Maraming, maraming salamat po sa inyong pagmamahal, pagkakaisa, at suporta sa proyektong ito. Tunay na malaking tulong ang bawat ambag upang maisakatuparan ang ating hangarin para sa ating kapilya.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal at suklian ang inyong kabutihang-loob.

โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข. ๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ช๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜•๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ.โ€
- ๐˜š๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜—๐˜ข๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜—๐˜ช๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ฆ๐˜ต๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ค๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข

Sto. Padre Pio ng Pietrelcina, ipanalangin mo kami!

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฏ | ๐—ฅ๐—”๐—™๐—™๐—Ÿ๐—˜ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—” ๐—–๐—”๐—จ๐—ฆ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ๐— ๐—”๐—ฆ๐——๐—”๐—ก | Mga kuhang larawan mula sa isinagawang Raffle for a Causeโ€”Raffle Draw noo...
24/09/2026

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฏ | ๐—ฅ๐—”๐—™๐—™๐—Ÿ๐—˜ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—” ๐—–๐—”๐—จ๐—ฆ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

๐— ๐—”๐—ฆ๐——๐—”๐—ก | Mga kuhang larawan mula sa isinagawang Raffle for a Causeโ€”Raffle Draw noong Setyembre 23, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Sto. Padre Pio ng Pietrelcina sa Kapilya ni Santo Padre Pio, Golden Hills Subdivision, Loma de Gato, Marilao, Bulacan.

Isinagawa ang Raffle for a Cause bilang bahagi ng ating pagtutulungan para sa mga pangangailangan at proyekto ng ating kapilya. Higit pa sa pagkakataong manalo ng mga papremyo, ang gawaing ito ay naging daan upang maipakita ang pagkakaisa, malasakit, at pagiging bukas-palad ng ating pamayanan.

Lubos at taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng ating sponsors, donors, at mga indibidwal at pamilyang nagpaabot ng kanilang tulong at suporta para sa gawaing ito. Malaking bahagi ng tagumpay ng raffle na ito ang inyong kabutihang-loob at kahandaang makibahagi sa ating layunin. Sa bawat papremyong inyong ipinagkaloob at bawat tulong na inyong ibinahagi, nakatulong kayo sa patuloy na pagsasakatuparan ng mga proyekto at pangangailangan ng ating kapilya.

Maraming salamat din sa lahat ng bumili at sumuporta ng mga tiket, sa mga tumulong sa paghahanda at pagsasagawa ng raffle, at sa lahat ng nakiisa sa ating gawain. Ang inyong suporta ay isang magandang halimbawa ng pagkakaisa sa pananampalataya at paglilingkod sa ating pamayanan.

Binabati rin namin ang lahat ng mga naging mapalad na nagwagi sa Raffle for a Cause! Nawaโ€™y maging pagpapala sa bawat isa ang inyong mga natanggap.

Maraming salamat sa lahat ng ating sponsors, donors, supporters, at sa buong pamayanang patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa ating mga gawain!

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฏ | ๐—ฃ๐—ฅ๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—ง๐—ข. ๐—ฃ๐—”๐——๐—ฅ๐—˜ ๐—ฃ๐—œ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—˜๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—–๐—œ๐—ก๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ๐— ๐—”๐—ฆ๐——๐—”๐—ก | Mga kuhang larawan mula sa isi...
24/09/2026

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฏ | ๐—ฃ๐—ฅ๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—ง๐—ข. ๐—ฃ๐—”๐——๐—ฅ๐—˜ ๐—ฃ๐—œ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—˜๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—–๐—œ๐—ก๐—” ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

๐— ๐—”๐—ฆ๐——๐—”๐—ก | Mga kuhang larawan mula sa isinagawang prusisyon bilang bahagi ng maringal na pagdiriwang ng Kapistahan ni Sto. Padre Pio ng Pietrelcina noong Setyembre 23, 2026.

Sa pamamagitan ng prusisyon, sama-sama nating ipinahayag ang ating pananampalataya at debosyon kay Sto. Padre Pio habang inililibot ang kanyang banal na imahen sa ating pamayanan. Sa bawat hakbang at panalangin, naging pagkakataon ito upang sama-sama nating ialay sa Panginoon ang ating mga hangarin, pasasalamat, at mga panalangin para sa ating mga pamilya at sa buong pamayanan.

Ang prusisyong ito ay naging isang makabuluhang pagtatapos ng ating pagdiriwang, na pinagbuklod ang mga mananampalataya sa iisang pananampalataya at pag-asa. Nawaโ€™y patuloy nating isabuhay ang mga aral at halimbawa ni Sto. Padre Pio, lalo na ang kanyang matatag na pananalig, pagtitiis, pananalangin, at lubos na pagtitiwala sa Diyos.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa, naglingkod, naglaan ng oras, at naging bahagi ng matagumpay na prusisyong ito. Nawaโ€™y pagpalain at patuloy na gabayan ng Diyos ang bawat isa.

โ€œ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข. ๐˜ž๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ช๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜•๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ.โ€
- ๐˜š๐˜ต๐˜ฐ. ๐˜—๐˜ข๐˜ฅ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜—๐˜ช๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ฆ๐˜ต๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ค๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข

Sto. Padre Pio ng Pietrelcina, ipanalangin mo kami!

Address

Blk 10 Lot 19 Sampaguita Street Phase 1 Golden Hills Subd. Loma De Gato
Marilao
3019

Opening Hours

7pm - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Padre Pio Sub-Parish - SPPC Dolmar posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share