07/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, isang debosyon na nag-aanyaya sa atin na magnilay sa buhay, pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Sa pamamagitan ng bawat butil ng Rosaryo, tayo ay inaakay ni Maria na higit na makilala, mahalin, at sundan ang kanyang Anak.
Ayon sa tradisyon, ipinagkaloob ni Mahal na Birheng Maria ang Santo Rosaryo kay Santo Domingo de Guzmรกn noong 1212 bilang tulong sa kanyang panalangin at paglaban sa maling aral. Noong 1571, hinikayat ni Papa Pio V ang mga Kristiyano na magkaisa sa pagdarasal ng Santo Rosaryo para sa tagumpay ng Banal na Liga laban sa mga Ottoman. Matapos ang tagumpay sa Labanan sa Lepanto noong Oktubre 7, itinatag ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Tagumpay, na kalaunan ay naging Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo. Maging sa mga pagpapakita sa Lourdes at Fatima, patuloy na hinihikayat ni Maria ang araw-araw na pagdarasal ng rosaryo.
Sa Ebanghelyo, makikita natin ang halimbawa ni Maria na buong kababaang-loob na nagtiwala sa Diyos: โNarito ang alipin ng Panginoon; mangyari nawa sa akin ayon sa iyong salita.โ Ang kanyang pananampalataya ay nagtuturo sa atin na magtiwala sa kalooban ng Diyos, kahit hindi natin nauunawaan ang Kanyang mga plano at panahon.
Hinahamon tayo ng Mahal na Birhen na matutong huminto sa gitna ng mabilis na takbo ng buhay, tumingala sa Diyos, at magtiwala sa Kanyang panahon. Nawaโy maging bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay ang pagdarasal ng Santo Rosaryo, hindi lamang bilang debosyon, kundi bilang daan upang mas mapalapit tayo kay Kristo at maging matatag sa bawat hamon ng buhay.
๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
O Kabanal-banalang Birheng Maria, Reyna ng Santo Rosaryo at Ina ng Awa, lumalapit kami sa iyo nang may buong pagmamahal at pagtitiwala sa iyong maka-inang awa.
Ipanalangin mo kami at ipagkaloob ang mga biyayang aming kailangan upang manatiling tapat sa Diyos at maisabuhay ang mensahe ng pag-ibig at pag-asa.
Nawaโy dinggin ng Panginoon ang aming mga kahilingan, kung ito ay para sa Kanyang higit na kaluwalhatian at sa ikabubuti ng aming mga kaluluwa.
Amen.
Mahal na Birheng Maria ng Rosario,
ipanalangin mo kami.