26/09/2026
🎊 12th FOUNDING ANNIVERSARY CELEBRATION 🎊
Isang malaking kagalakan at pagpapala ang muling pagtitipon ng buong pamilya, mga kapatid, at mga kaibigan ng Deca IEMELIF Mission para sa ating ika-12 taong pagkakatatag!
Sa loob ng mahigit isang dekada, patuloy nating nasaksihan ang katapatan, biyaya, at paggabay ng Panginoon sa ating iglesya. Sa taong ito, buong puso nating ipagdiriwang ang ating anibersaryo na may temang:
⛪ "SALIGAN: Pinagtibay ni Cristo — Misyon na Tapat, Matatag, at Mananatili"
📖 Efeso 2:20; 4:11-12
Kaya naman, bukas ang aming mga puso na anyayahan ang lahat na dumalo at makibahagi sa gawaing ito ng pagpupuri, pasasalamat, at muling pagtatalaga ng ating buhay sa Panginoong Hesukristo. Sabay-sabay tayong lumingon sa Kanyang katapatan at magpatuloy sa paglago!
Kita-kita po tayo!
📍 St. Rose Basketball Court, Deca Homes, Brgy. Loma de Gato, Marilao, Bulacan
🗓️ September 27, 2026 (Linggo)
🕒 Oras: 3:00 PM
Pagpalain tayong lahat ng ating Dakilang Diyos!