Mother of Mercy Quasi-Parish

Mother of Mercy Quasi-Parish This is the Official Page of the Mother of Mercy Quasi-Parish (est. Fr. Edward Pecson

July 1, 2019) Located at Loma de Gato, Marilao, Bulacan, 3019 Philippines

Priest in-charge: Rev.

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฒ | ๐—œ๐—ž๐—”๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa pagdiriwang natin ng Ikadalawampung Linggo sa Karaniw...
17/08/2026

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿญ๐Ÿฒ | ๐—œ๐—ž๐—”๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa pagdiriwang natin ng Ikadalawampung Linggo sa Karaniwang Panahon, pinaaalalahanan tayo ng Salita ng Diyos na ang pagsunod kay Kristo ay nangangailangan ng matibay na pananampalataya, tapang, at pusong handang manatiling tapat sa Kanya sa kabila ng mga pagsubok.

Hindi laging madali ang landas ng pagiging alagad ni Kristo. May mga pagkakataong kailangan nating piliing manindigan sa ating pananampalataya at isabuhay ang Kanyang mga aral, kahit nangangahulugan ito ng pagharap sa mga hamon at hindi pagkakaunawaan.

Nawa'y sa bawat araw, piliin nating manatiling malapit sa Panginoon at maging matatag sa ating pagtugon sa Kanyang tawag. Sa gitna ng anumang pagsubok, nawa'y huwag tayong mawalan ng tiwala sapagkat ang Diyos ay patuloy na gumagabay at hindi kailanman nang-iiwan sa mga pusong tunay na nananalig sa Kanya. ๐Ÿ™

Panginoon, patatagin Mo ang aming pananampalataya upang lagi kaming maging tapat sa Iyong kalooban.



(c): Echo Mariae โ€“ Mother of Mercy Quasi-Parish Commission on Social Communication

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐€๐Š๐˜๐€๐“ ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐“ ๐๐† ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa pagdiriwang ng Dakilang Kap...
17/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐€๐Š๐˜๐€๐“ ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐“ ๐๐† ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria, sama-sama nating pinagnilayan ang dakilang biyaya ng Diyos na ipinakita kay Mariaโ€”ang babaeng buong kababaang-loob na tumugon sa Kanyang kalooban at nanatiling tapat hanggang wakas.

Sa araw ring ito, isinagawa ang Pagtatalaga ng Ministry of Altar Servers ng Inihahandang Parokya ng Ina ng Awa, kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Tarcisio, ang patron ng mga tagapaglingkod sa altar. Nawa'y maging huwaran nila si San Tarcisio sa pagiging matapat, matapang, at buong pusong naglilingkod sa Panginoon, lalo na sa paglilingkod sa Banal na Misa.

Sa ating mga bagong talagang Altar Servers, nawa'y ang inyong paglilingkod ay maging daan upang higit ninyong makilala, mahalin, at paglingkuran si Kristo. Nawa'y lagi ninyong taglayin ang pusong handang maglingkod, hindi para sa sarili, kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos at ikabubuti ng Kanyang Sambayanan.

Mahal na Ina ng Awa, ipanalangin mo kami.
San Tarcisio, ipanalangin mo ang aming mga Altar Servers. ๐Ÿ™

#๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐ง๐š๐Œ๐ข๐ฌ๐š

(c): Echo Mariae โ€“ Mother of Mercy Quasi-Parish Commission on Social Communication

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐€๐Š๐˜๐€๐“ ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐“ ๐๐† ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin an...
15/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐ƒ๐€๐Š๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐†-๐€๐€๐Š๐˜๐€๐“ ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐“ ๐๐† ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€

Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria, isang dakilang katotohanan ng pananampalatayang Katoliko na pormal na ipinahayag bilang dogma ni Papa Pio XII noong 1950. Ipinahahayag nito na matapos ang kanyang buhay sa lupa, si Maria ay iniakyat sa kaluwalhatian ng langit, katawan at kaluluwa.

Ang Pag-aakyat sa Langit kay Maria ay tanda ng kanyang natatanging pakikiisa sa buhay, kamatayan, at kaluwalhatian ng kanyang Anak na si Hesus. Bilang mapagkumbabang lingkod ng Diyos, ipinakita niya ang ganap na pagtitiwala at pagsunod sa kalooban ng Panginoon, hanggang sa siya ay makabahagi sa Kanyang kaluwalhatian.

Sa kanyang kaluwalhatian, patuloy na ipinahahayag ni Maria ang kadakilaan ng Panginoon. Tulad ng kanyang awit na Magnificat, inaanyayahan niya tayong kilalanin ang kabutihan ng Diyos, magtiwala sa Kanyang awa, at maging tagapagdala ng pag-asa at katarungan sa mga nangangailangan.

Nawaโ€™y tularan natin ang kababaang-loob, pananampalataya, at buong pusong pagtitiwala ni Maria. Sa kanyang halimbawa, nawaโ€™y manatili tayong tapat sa Diyos at patuloy na umasa sa pangakong buhay na walang hanggan.

๐•ป๐–†๐–“๐–†๐–‘๐–†๐–“๐–Œ๐–Ž๐–“:

Ama naming makapangyarihan, ang kalinis-linisang Mahal na Birheng Ina ng Anak mong mahal ay Iyong iniakyat taglay ang kaluluwa at katawan sa kalangitan. Sa pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan pagindapatin mong kami'y makasalo sa kaluwalhatian ng Birheng Ina naming mahal sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.
Mahal na Birheng Maria,
ipanalangin mo kami.




๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐“๐€๐‘๐‚๐ˆ๐’๐ˆ๐ŽNgayong araw ay ginugunita natin si San Tarcisio, isang batang sakristan at martir...
15/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐“๐€๐‘๐‚๐ˆ๐’๐ˆ๐Ž

Ngayong araw ay ginugunita natin si San Tarcisio, isang batang sakristan at martir na naging huwaran ng katapangan, pananampalataya, at malalim na pagmamahal sa Banal na Eukaristiya.

Sa murang edad, ipinagkatiwala sa kanya ang pagdadala ng Banal na Eukaristiya sa mga Kristiyanong nakakulong at naghihintay ng kamatayan. Sa kabila ng panganib, buong tapang niyang pinangalagaan ang Banal na Sakramento at nanatiling tapat sa kanyang pananampalataya hanggang sa kanyang kamatayan.

Ang kanyang buhay ay paalala na walang edad ang pagiging banal. Sa murang puso ay maaaring umusbong ang matatag na pananampalataya at tunay na pagmamahal kay Kristo. Nawaโ€™y tularan natin ang kanyang tapang sa paninindigan sa ating pananampalataya at ang kanyang paggalang sa Banal na Eukaristiya.

๐•ป๐–†๐–“๐–†๐–‘๐–†๐–“๐–Œ๐–Ž๐–“:

O Kabanal-banalang San Tarcisio, martir at masugid na umiibig sa Banal na Eukaristiya, ipanalangin mo kami upang magkaroon ng matatag na pananampalataya at tapang sa pagtatanggol sa ating pinaniniwalaan.
Tulungan mo kaming pahalagahan, tanggapin nang may pagmamahal at paggalang ang Banal na Sakramento, at tularan ang iyong katapatan at pag-ibig kay Kristo.
Ipamagitan mo kami sa Panginoon upang makamit namin ang mga biyayang aming kailangan at manatiling tapat sa Kanya sa buong buhay.

Amen.
San Tarcisio,
ipanalangin mo kami.




15/08/2026

โฐ ๐Ÿญ ๐——๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—˜๐—™๐—ง โ€” ๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—ง ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฅ๐—จ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ๐—ฆ! ๐Ÿƒโ€โ™€๏ธ

The countdown is on! Tomorrow, August 16, 2026 (Sunday) at exactly 8:00 PM marks the FINAL DEADLINE of our extended registration.

Havenโ€™t registered yet but still want to be part of ๐—ฅ๐˜‚๐—ป ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜†: ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ด ๐Ÿญ โ€“ ๐—ฆ๐˜๐—ฒ๐—ฝ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜? This is your sign!

Gather your family and friends, choose your distance, and take those steps with us for faith, hope, and a meaningful cause.

๐Ÿ“… September 5, 2026 | Saturday
๐Ÿ“ Alegria Lifestyle Residences - Loma de Gato, Marilao, Bulacann

10KMโ€“ Php 900
5KM โ€“ Php 700
3KM โ€“ Php 550
1KM Pet Run โ€“ Php 650

๐Ÿ“ฒ REGISTER NOW:
https://forms.gle/5gFe92pSVvu1Mkjm9

Registration closes TOMORROW at 8:00 PM. Don't miss your chance!

Run for Faith. Run for Hope. Run for a Cause. ๐ŸŒธ

๐‘บ๐’Š๐’‘๐’Š ๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ฏ๐’๐’Ž๐’Š๐’๐’š๐’‚  | ๐‘จ๐’–๐’ˆ๐’–๐’”๐’• ๐ŸŽ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”"At balang araw, sa dulo ng mga unos at bagyo na ito, makikilala natin Siya sapag...
13/08/2026

๐‘บ๐’Š๐’‘๐’Š ๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ฏ๐’๐’Ž๐’Š๐’๐’š๐’‚ | ๐‘จ๐’–๐’ˆ๐’–๐’”๐’• ๐ŸŽ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

"At balang araw, sa dulo ng mga unos at bagyo na ito, makikilala natin Siya sapagkat aakayin tayo, tutulungan tayo ng Panginoon na makauwi, makabalik sa pampang, sapagkat doon sa pampang naroroon ang naghihintay sa atin, ang pag-asa na dala ni Kristo sa ating buhay.โ€œ

- Rdo. P. Edward C. Pecson

๐™•๐™๐™ˆ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™” ๐™ˆ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ผ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ’ƒHalinaโ€™t makisaya, gumalaw, at magpapawis para sa isang makabuluhang layunin! Sama-sama natin...
12/08/2026

๐™•๐™๐™ˆ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™” ๐™ˆ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ผ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ’ƒ
Halinaโ€™t makisaya, gumalaw, at magpapawis para sa isang makabuluhang layunin! Sama-sama nating gawing mas masaya at makabuluhan ang ating umaga sa pamamagitan ng ๐—ญ๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ.
๐Ÿ“… Saturday | September 12, 2026 | 5:00 AM
๐Ÿ“ Manggahan to Alegria Residences
Registration:
โ€ข Group โ€“ โ‚ฑ2,000
โ€ข Solo Joiners โ€“ โ‚ฑ100
PRIZES
๐Ÿฅ‡ 1st Prize โ€“ โ‚ฑ7,000
๐Ÿฅˆ 2nd Prize โ€“ โ‚ฑ4,000
๐Ÿฅ‰ 3rd Prize โ€“ โ‚ฑ3,000
Kaya ano pang hinihintay mo? Isama ang pamilya, barkada, at buong grupo! Mag-zumba tayo, magsaya, at sama-sama nating ialay ang ating enerhiya para kay Inang Maria.
๐™๐™–๐™ง๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™•๐™ช๐™ข๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™–!

๐™•๐™๐™ˆ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™” ๐™ˆ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ผ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ’ƒ

Halinaโ€™t makisaya, gumalaw, at magpapawis para sa isang makabuluhang layunin! Sama-sama nating gawing mas masaya at makabuluhan ang ating umaga sa pamamagitan ng ๐—ญ๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ.

๐Ÿ“… Saturday | September 12, 2026 | 5:00 AM
๐Ÿ“ Manggahan to Alegria Residences

Registration:
โ€ข Group โ€“ โ‚ฑ2,000
โ€ข Solo Joiners โ€“ โ‚ฑ100

PRIZES
๐Ÿฅ‡ 1st Prize โ€“ โ‚ฑ7,000
๐Ÿฅˆ 2nd Prize โ€“ โ‚ฑ4,000
๐Ÿฅ‰ 3rd Prize โ€“ โ‚ฑ3,000

Kaya ano pang hinihintay mo? Isama ang pamilya, barkada, at buong grupo! Mag-zumba tayo, magsaya, at sama-sama nating ialay ang ating enerhiya para kay Inang Maria.

๐™๐™–๐™ง๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™•๐™ช๐™ข๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™–!

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿต | ๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—”๐—  ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa pagdiriwang natin ng Ikalabinsiyam na Linggo sa Kara...
11/08/2026

๐—”๐—š๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—ข ๐Ÿต | ๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ฌ๐—”๐—  ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—›๐—ข๐—ก

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa pagdiriwang natin ng Ikalabinsiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon, muli tayong tinipon ng Panginoon bilang isang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya at pag-asa.

Sa bawat pagdiriwang ng Banal na Misa, inaanyayahan tayong maging handa sa pagtugon sa tawag ng Diyos at mamuhay nang may matatag na pananampalataya. Nawa'y hindi lamang manatili sa loob ng simbahan ang ating pananampalataya, kundi maging gabay din sa ating pakikitungo, paglilingkod, at pagmamahal sa ating kapwa.

Bilang bahagi ng ating pagdiriwang, isinagawa rin ang pagtatalaga sa mga kasapi ng Ministry of Greeters and Collectors na buong pusong tutugon sa kanilang tungkulin sa ating pamayanan. Nawa'y maging daan ang kanilang paglilingkod upang higit na maipadama ang pagtanggap, pagkakaisa, at pagmamahal ng ating Simbahan.

Patuloy nawa tayong maging mga alagad na handang makinig, maglingkod, at tumugon sa tawag ng Panginoon. ๐Ÿค



(c): Echo Mariae โ€“ Mother of Mercy Quasi-Parish Commission on Social Communication

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ | ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐๐“๐€ ๐‚๐‹๐€๐‘๐€ ๐๐† ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐ˆNgayong araw ay ginugunita natin si Santa Clara ng Assisi, patron ng mga ...
11/08/2026

๐€๐†๐Ž๐’๐“๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ | ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐๐“๐€ ๐‚๐‹๐€๐‘๐€ ๐๐† ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐ˆ

Ngayong araw ay ginugunita natin si Santa Clara ng Assisi, patron ng mga may sakit sa mata at huwaran ng kababaang-loob, panalangin, at ganap na pagtitiwala sa Diyos. Mula sa isang marangal na pamilya, pinili niyang talikuran ang marangyang buhay upang buong-pusong ialay ang kanyang sarili kay Kristo.

Malaki ang naging impluwensya sa kanya ni San Francisco ng Assisi. Noong Marso 18, 1212, tinanggap ni San Francisco ang kanyang mga panata at dito nagsimula ang ikalawang Orden ni San Francisco, na nakilala bilang Poor Clares. Sa San Damiano, naging abbess si Santa Clara at buong katatagang ipinaglaban ang kanilang pamumuhay sa ganap na kahirapan at pagtitiwala sa Diyos.

Para kay Santa Clara, ang panalangin ay hindi lamang personal na debosyon kundi isang paraan ng paglilingkod sa Simbahan at sa buong pamayanan. Sa gitna ng panganib, nanatili siyang matatag sa pananalangin at pagtitiwala sa Banal na Eukaristiya. Dahil dito, iniuugnay sa kanyang panalangin ang dalawang pagkakataong naligtas ang Assisi mula sa mga sumasalakay.

Nawaโ€™y tularan natin si Santa Clara sa kanyang katatagan, kababaang-loob, at pagmamahal kay Kristo. Sa gitna ng ating mga pagsubok, nawaโ€™y maging sandigan din natin ang panalangin at matatag na pagtitiwala sa Diyos.

๐•ป๐–†๐–“๐–†๐–‘๐–†๐–“๐–Œ๐–Ž๐–“:

O Diyos na mapagmahal, pinasasalamatan Ka namin sa buhay at halimbawa ni Santa Clara ng Assisi. Sa kanyang pamamagitan, turuan Mo kaming magmahal sa Iyo nang buong puso at magtiwala sa Iyong kalooban.

Bigyan Mo kami ng pusong mapagpakumbaba, matatag sa pananampalataya, at handang mamuhay ayon sa Iyong mga aral. Nawa'y manatili kaming malapit kay Kristo sa panalangin at sa Banal na Eukaristiya.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen.
Santa Clara ng Assisi,
ipanalangin mo kami.




08/08/2026

AGOSTO 9 | IKALABINSIYAM NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

Address

Marilao
3019

Opening Hours

Wednesday 8:30am - 5pm
Thursday 8:30am - 5pm
Friday 8:30am - 5pm
Saturday 8:30am - 5pm
Sunday 8:30am - 5pm

Telephone

+639683005733

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mother of Mercy Quasi-Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Mother of Mercy Quasi-Parish:

Shortcuts

Share