05/10/2026
PAANYAYA | GENERAL ASSEMBLY 2026
“Magsalita po kayo, Panginoon, sapagkat nakikinig ang inyong lingkod"
— 1 Samuel 3:10
Sa darating na October 18, 2026, sama-sama tayong titipon para sa General Assembly ng Parish Commission on Youth (PCY) sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima.
Bilang mga kabataan, patuloy tayong tinatawag ng Panginoon na makilala Siya, lumalim sa pananampalataya, at maging instrumento ng Kanyang pagmamahal sa ating kapwa at sa ating parokya.
Ang General Assembly na ito ay hindi lamang isang pagtitipon, kundi isang pagkakataon upang magkaisa bilang magkakapatid sa pananampalataya, makilala ang isa’t isa, tuklasin ang ating mga kaloob, at sama-samang tumugon sa tawag ng Diyos sa paglilingkod.
Sa bawat ngiti, kwentuhan, panalangin, at paglilingkod, nawa’y mas makilala natin ang Panginoon at mas mapalapit tayo sa Kanya. Sama-sama nating buuin ang isang komunidad ng kabataang may pananampalataya, pusong naglilingkod, at buhay na nakasentro kay Kristo.
Halina’t magsama-sama.
Halina’t tumugon sa tawag ng Diyos.
Halina’t maging PCY!
📆 October 18, 2026
📍 3rd Floor Social Hall
⏰ 11:00 AM–4:00 PM