04/11/2025
Be open to your leaders. Hindi nila intention to power trip, but to help 😊
“Pati LOVELIFE kailangang pakielaman ni Leader?”
The answer is YES. 🔥
Parang dati lang, kami yung kinakausap ng leaders namin, noong papasok pa lang kami sa relasyon, pero ngayon, kami naman ang nag-gguide sa mga disciples namin na nandito na rin sa season na ito. 🙌🏻🤍
“KJ” o “Pakielamera” ‘man sa paningin ng iba, but to tell you the truth, every disciple needs a leader.
Oh, “Pakialaman” in a good way ha. Understand the content first & its MAIN POINT. 🤗
Hindi lang sa usapang spiritual, financial, mental, physical, emotional, pero sa usapang “lovelife” rin.
Madalas, akala ng iba na hindi mag-ssupport ang isang spiritual leader sa lovelife nila.
Akala nila against agad, akala nila paghihiwalayin agad, o magagalit agad si leader pag dating sa usapang puso.
Sabi nga sa isang post, “Si Leader, hindi ka pinagbabawalan o pinaghihigpitan, PINAG-IINGATAN ka lang.” Bakit? Kasi ayaw naming mapahamak, malayo, mawala, at umalis kayo kay Kristo. In fact, we are here to support and guide you. We know that you are His daughter/son, kaya ayaw naming sa kung kani-kanino lang kayo mapupunta.
“One of” the things to consider to know if he/she is the right one for you (God sent) is everyone around you rejoices, most especially your Spiritual Leaders dahil pinapadaan “rin” ni Lord through them yung confirmation if tamang timing, tamang tao, at nasa tamang season ka na para pumasok sa pakikipag-relasyon.
Kaya maraming tao ang napapahamak kasi walang nag-gguide sa kanila. Ang masakit, maraming Kristyano rin ang nawala kay Lord dahil lang sa na-inlove sila.
Huwag sanang humantong sa, ”Noong kinilig, hindi na nakinig.” ❌ 🤦♀️
Kaya dear disciples, ’wag kayong matakot sa leaders niyo. ’Wag niyong itago, ’wag niyong pagsinungalingan mga leaders niyo. As a sign of respect, maging open rin kayo maging sa usapan na ito. Hinding-hindi kayo ipapahamak ni leader niyo, they “also” know what’s the BEST for you!
Maaaring na-correct na kayo ni leader, pero dahil ‘yun sa mahal kayo! Kung nakikita na ni leader na pwede mong ikapamahak, he/she will correct you. Pray for a heart na ready mag-accept ng corrections para maitama ka. Tandaan, leaders are also vessels from the Lord. It’s up to you kung susunod ka o hindi. We are loving God, and we are loving people. Kino-correct at nirerebuke ka with His love kasi mahal ka!
HINDI nag-mamanipulate ang isang leader/Pastor. ‘Wag lahatin! We pray that you will see the beauty of correction & rebuke. Hindi porket nasaktan kayo, i-lalahat niyo na.
Kaya salute rin kami sa mga disciples na hindi nahihiyang mag-open kay Leader about sa lovelife. Habang maaga pa lang, be open so your leaders can also guide & support you sa lovelife mo! ❤️
“Plans fail for lack of counsel, but with many advisers they succeed.” - Proverbs 15:22 🤍
“Without wise leadership, a nation falls; there is safety in having many advisers.” - Proverbs 11:14 🤍
©️(reposted from She's Blessed)