11/08/2026
๐ฅ๐๐๐๐ฃ ๐ฉ๐๐๐๐ข | ๐ฉ๐๐๐๐ฅ๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฌ ๐ฃ๐๐ฅ๐ง ๐ฎ
๐ง๐๐๐ก๐๐ก | Muling balikan ang mga makabuluhang sandali ng Vicarial Youth Day (VYD) Part 2 na ginanap noong Hulyo 25, 2026 sa St. Martin of Tours Parish and Diocesan Shrine of Mahal na P**n ng Krus sa Wawa.
Bitbit ang temang โ๐๐ข๐ง๐ฆ๐จ๐ถ๐ข๐ณ๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ: ๐๐ฐ๐ค๐ถ๐ด๐ช๐ฏ๐จ ๐ฐ๐ฏ ๐๐, ๐๐ช๐จ๐ช๐ต๐ข๐ญ ๐๐ญ๐ข๐ต๐ง๐ฐ๐ณ๐ฎ๐ด, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ค๐ค๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ต๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ช๐ต๐บ ๐๐ฎ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ ๐ฐ๐ถ๐ต๐ฉ ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ด,โ naging makabuluhang pagkakataon ang pagtitipong ito para sa mga kabataang lider mula sa iba't ibang parokya ng Bikarya ni San Martin de Tours โ Bocaue upang matuto, magbahagi ng kaalaman, at higit na maunawaan ang kanilang tungkulin bilang responsableng kabataan sa makabagong panahon.
Sa bawat talakayan, pagbabahaginan, at mga gawaing isinagawa, nabigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging mapanuri at responsable sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at iba't ibang digital platform. Higit sa lahat, pinaalalahanan ang bawat kabataang lider na ang makabagong teknolohiya ay dapat gamitin nang may karunungan, integridad, at pananagutan, lalo na sa kanilang paglilingkod sa Simbahan at sa kapwa.
Ang VYD Part 2 ay hindi lamang naging isang seminar, kundi isang pagkakataon upang higit na mapalalim ang pagkakaisa at samahan ng mga kabataan sa loob ng bikarya. Sa sama-samang pagkatuto, nawa'y mas maging handa ang bawat isa na gampanan ang kanilang tungkulin bilang mga kabataang lider na may malasakit, paninindigan, at pusong handang maglingkod.
Taos-puso naming pinasasalamatan ang lahat ng Parish Youth Coordinating Councils (PYCC), mga susunod na kabataang lider, mga panauhing tagapagsalita, mga tagapaglingkod, at lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Vicarial Youth Day Part 2. Ang inyong pakikiisa at suporta ang nagbigay-buhay sa isang araw na puno ng pagkatuto, pagkakaisa, at paglilingkod.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang mga natutunan at naranasan natin sa VYD Part 2 upang patuloy tayong maging mga kabataang lider na gumagamit ng teknolohiya para sa kabutihan, naglilingkod nang may pananagutan, at namumuno nang may pananampalataya.
Hanggang sa muli, mga kabataan ng Bikarya ni San Martin de Tours!๐งก๐งก
Abangan ang susunod na yugto ng ating paglalakbay...
No copyright infringement intended. Music used in this video belongs to its rightful owner/s.