Our Lady of Fatima Parish Heritage Homes, Marilao, Bulacan

Our Lady of Fatima Parish Heritage Homes, Marilao, Bulacan Diocese of Malolos
Vicariate of Meycauayan
Our Lady of Fatima Parish Pagpapalaganap at Pagsasabuhay ng mga Aral ng Mabuting Balita.
2.

MISSION

Bilang sambayanan ng Diyos, sa patnubay ng Banal na Espiritu Santo ay itinatalaga namin ang aming sarili sa:

1. Pagpapalalim ng Pang-unawa sa kahalagahan ng mga Sakramento.
3. Pagpapatatag ng bawat miyembro ng Pamilya.
4. Paghubog sa mga Kabataan upang mapukaw ang kanilang Kamalayan at Malinang ang kanilang Kakayahan.
5. Pagtataguyod ng mga maliliit na Sambayanang Kristiyano (B.E.C.) sa pamamagitan ng Sama-samang Panalangin at Gawaing Pangsimbahan.
6. Pagtulong sa mga Mahihirap at mga Nangangailangan.
7. Pagpapalaganap ng Debosyon sa Mahal na Birheng Maria. VISION

Kami, ang mananampalataya ng Mahal na Birhen ng Fatima ay naglalayong bumuo ng isang pamayanan na nakaugat sa malalim na relasyon sa Diyos, binibigkis ng paggalang, pagkakaisa at pagmamahalan ayon sa Aral ng Mabuting Balita. Nakasentro sa Banal na Eukaristiya. Sa tulong at panalangin ng Mahal na Birheng Maria tungo sa ganap na pagpapanibago bilang Sambayanan ng Diyos.

πŒπ€π‹πˆπ†π€π˜π€ππ† ππ€π†ππ€π“πˆ! πŸ™πŸ»Isang mapagpalang pagbati sa ating unang Kura Paroko, RDO. PADRE GIL CAJURAO, sa kanyang ika-34 na...
27/08/2026

πŒπ€π‹πˆπ†π€π˜π€ππ† ππ€π†ππ€π“πˆ! πŸ™πŸ»

Isang mapagpalang pagbati sa ating unang Kura Paroko, RDO. PADRE GIL CAJURAO, sa kanyang ika-34 na Anibersaryo ng Pagkapari!

Sa biyaya ng Diyos, nawa’y patuloy kayong maging mabuting pastol at gabay ng Kanyang bayan, na may pusong laging handang maglingkod at magmahal.

π’œπ’Ή π“‚π“Šπ“π“‰π‘œπ“ˆ π’Άπ“ƒπ“ƒπ‘œπ“ˆ, 𝒫𝒢𝒹𝓇𝑒 𝒒𝒾𝓁! πŸ’™

MAGNILAY | APAT ANG NAKATURO SA'YO, ISA LANG SA KANYA.Bago ka magturo ng pagkakamali ng iba, tingnan mo muna ang sarili ...
26/08/2026

MAGNILAY | APAT ANG NAKATURO SA'YO, ISA LANG SA KANYA.

Bago ka magturo ng pagkakamali ng iba, tingnan mo muna ang sarili mong kamay.

Kapag itinuro mo ang isang tao gamit ang isang daliri, isa lang ang nakaturo sa kanya; pero apat ang nakabalik sa'yo. Isang simpleng paalala na bago tayo manghusga, mas marami tayong dapat suriin sa ating sarili.

Madalas tayong mabilis makakita ng mali sa kapwa, pero bulag sa sarili nating kahinaan. Madali ang magbigay ng opinyon, magtsismis, at mag-condemn, pero mahirap aminin ang sarili nating pagkukulang.

Hindi ibig sabihin nito na huwag nang itama ang mali. Bilang mga Kristiyano, tinatawag tayong magsabi ng katotohanan. Pero ang katotohanan ay dapat laging may kasamang kababaang-loob, pag-ibig, at awaβ€”hindi pagmamataas o pagpapahiya.

Bago ka magturo, magtanong ka muna:

Naayos ko na ba ang sarili kong pagkakamali?
Pareho ko bang sinusukat ang sarili ko at ang kapwa?
Ang sasabihin ko ba ay para makatulong o para makapanakit?

Sabi ni Jesus, β€œFirst remove the wooden beam from your eye; then you will see clearly to remove the splinter from your brother’s eye.” (Matthew 7:5)

Bago ka manghusga, magpakumbaba. Bago ka magturo, tumingin muna sa salamin. Dahil kung may isang daliring nakaturo sa iba, may apat na nagpapaalala na tayong lahat ay nangangailangan din ng biyaya ng Diyos.

APAT ANG NAKATURO SA'YO, ISA LANG SA KANYA.

20/08/2026

ππ€π†ππ€π“πˆ 𝐒𝐀 πˆπŠπ€-πŸ• π“π€πŽππ† π‚π€ππŽππˆπ‚π€π‹ πˆππ’π“π€π‹π‹π€π“πˆπŽπ π€πππˆπ•π„π‘π’π€π‘π˜, ππˆπ’π‡πŽπ πƒπ„πππˆπ’

Ngayong araw, buong kagalakang ipinagdiriwang ng Sambayanan ng Diyos sa Diyosesis ng Malolos ang ika-7 anibersaryo ng Canonical Installation ni Lub. Kgg. Dennis C. Villarojo, D.D., bilang ika-limang Obispo ng Diyosesis ng Malolos.

Sa pitong taon ng kanyang pagpapastol, patuloy niyang ginagabayan ang sambayanan sa pananampalataya, pag-asa, at paglilingkod, habang sama-samang isinusulong ang misyon ng Simbahan sa Diyosesis ng Malolos.

Patuloy nating ipanalangin ang kanyang paglilingkod bilang pastol ng ating Diyosesis, upang patuloy siyang pagkalooban ng Panginoon ng karunungan, lakas, at biyaya sa kanyang banal na tungkulin.

=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

20/08/2026
Buong pakikiisa sa panalangin at pakikiramay, ang Sangguniang Pastoral ng Parokya at ang sambayanan ng Our Lady of Fatim...
19/08/2026

Buong pakikiisa sa panalangin at pakikiramay, ang Sangguniang Pastoral ng Parokya at ang sambayanan ng Our Lady of Fatima Parish - Heritage Homes ay nakikidalamhati sa pagpanaw ni Bro. Estelito Ochangco.

Sa loob ng maraming taon, buong puso niyang inialay ang kanyang panahon, kakayahan, at pananampalataya sa tapat na paglilingkod sa Simbahan at sa ating parokya.

Nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa biyaya ng kanyang buhay at sa mabuting halimbawa ng kanyang paglilingkod, at nawa’y tanggapin siya sa Kanyang walang hanggang kaharian. πŸ•ŠοΈ

16/08/2026

Address

Metrogate 2 Phase 1 Heritage Homes, Loma De Gato
Marilao
3019

Opening Hours

Tuesday 8:30am - 11:30am
1pm - 4pm
Wednesday 8:30am - 11:30am
1pm - 4pm
Thursday 8:30am - 11:30am
1pm - 4pm
Friday 8:30am - 11:30am
1pm - 4pm
Saturday 8:30am - 11:30am
Sunday 8:30am - 11:30am

Telephone

+639260739580

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of Fatima Parish Heritage Homes, Marilao, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share