St Michael the Archangel Parish Marilao, Bulacan

St Michael the Archangel Parish Marilao, Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from St Michael the Archangel Parish Marilao, Bulacan, Catholic Church, San Miguel Street, Poblacion, Marilao.

ππˆπ’π“π€ππ† ππ€π˜π€π πŸπŸŽπŸπŸ” | ππŽππ„ππ€π‘π˜πŽ 𝐒𝐀 πŠπ€π‘π€ππ†π€π‹π€π 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 πŒπˆπ†π”π„π‹ 𝐀𝐑𝐂𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 𝐃𝐄 πŒπ€π‘πˆπ‹π€πŽNgayong ikalawang araw ng Nobenaryo para s...
30/04/2026

ππˆπ’π“π€ππ† ππ€π˜π€π πŸπŸŽπŸπŸ” | ππŽππ„ππ€π‘π˜πŽ 𝐒𝐀 πŠπ€π‘π€ππ†π€π‹π€π 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 πŒπˆπ†π”π„π‹ 𝐀𝐑𝐂𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 𝐃𝐄 πŒπ€π‘πˆπ‹π€πŽ

Ngayong ikalawang araw ng Nobenaryo para sa karangalan ng ating patron San Miguel Arcangel de Marilao, pinangunahan ng Sto. Cristo SPPC ng Ibayo at San Martin de Porres SPPC ng St. Martin Subdvision ang Rosario Cantada, at ang Extra Ordinary Ministers of the Holy Communion, Adoracion Nocturna Filipina, Ministry of Lectors and Commentators naman ang nanguna sa pagdarasal ng nobena at pagninilay.

Kasunod nito ay ang pag-aalay ng kandila kasama ang Sangguniang Baranggay ng Ibayo at pagprusisyon sa mga imahen ng Sto. Cristo at San Martin de Porres, ang mga patron ng mga SPPC na nakatalaga sa ikalawang araw ng Nobenaryo.

Pinangunahan naman ni Rdo. Mons. Dioscoro Layug, panauhing pari, ang Banal na Misa matapos ang maikling prusisyon.

β€œSan Miguel, kami'y masdan at sa Diyos ipagdasal."

San Miguel Arcangel de Marilao, ipagtanggol mo kami.

Viva San Miguel Arkanghel ng Marilao!

30/04/2026

ππˆπ’π“π€ππ† ππ€π˜π€π πŸπŸŽπŸπŸ” | π‹πˆπ•π„: πŒπˆπ’π€ ππŽππ„ππ€π‘π˜πŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 πŒπˆπ†π”π„π‹ 𝐀𝐑𝐂𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 𝐃𝐄 πŒπ€π‘πˆπ‹π€πŽ

Ikalawang Araw ng Misa Nobenaryo para sa pagdiriwang ng Pistang Bayan at Ika-230 Taong Kapistahan ng ating magiting na patron, San Miguel Arcangel de Marilao.

Ika-30 ng Abril 2026
Ika-4:20 ng Hapon

β€œSan Miguel, kami'y masdan at sa Diyos ipagdasal."

San Miguel Arcangel de Marilao, ipagtanggol mo kami.

Viva San Miguel Arkanghel ng Marilao!

NOBENA SA KARANGALAN NG PATRON NG BAYAN NG MARILAO: SAN MIGUEL ARKANGHEL | IKALAWANG ARAWNarito ang mga panalangin patun...
30/04/2026

NOBENA SA KARANGALAN NG PATRON NG BAYAN NG MARILAO: SAN MIGUEL ARKANGHEL | IKALAWANG ARAW

Narito ang mga panalangin patungkol sa ikalawang araw ng nobenaryo para sa karangalan ni San Miguel Arkhanghel, patron ng bayan ng Marilao.

Pinuno: † Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

Pinuno: Yugto ng Pagsisisi (Luluhod ang lahat)
O Diyos namin* ikinalulumbay namin ng buong puso* ang pagkalapastangan namin sa Iyo* at pinagsisisihan namin ang dilang pagkakasala namin* sapagkat natatakot kami* na mawala sa amin ang Langit at magdusa sa impyerno* ngunit higit sa lahat* sapagkat nilapastangan ka namin na aming Diyos* na napakabuti at dapat ibigin ng lalo sa lahat.* Nagtitika kaming matibay* sa tulong ng iyong grasya* na mag kumpisal ng mga kasalanan namin* magpakasakit at magbagong-buhay*

Namamanata kaming matibay* na magpapakababa* mamuhay ng malinis* magtiis nang anumang Hirap* na siya naming ilalaban sa tukso at hibo ng demonyo* ng laman at ng mundo* Sa abot ng aming makakaya ibabantog namin ang iyong kaluwalhatian* at ipagmamalasakit namin * ang kaligtasan ng mga kaluluwa.*

Magpupunyagi kami na ipahayag* ang mga mahal na aral Mo,* imulat sa Pananampalataya ang tao * at sa banal na pagkatakot sa Iyo, * pairalin ang wagas na kabanalan sa sarili at sa iba* at lipulin ang masasamang asal at bisyo* na labag sa Puso Mo.* Upang matupad ang banal na panatang ito ng aming buhay* Ikaw ang inaasahan namin* O Diyos na maawain* na kami’y tutulungan ng Iyong mahal na grasya,* alang-alang man lamang sa mga karapatan* ng aming Panginoong Jesukristong Anak Mo,* sa mga sakit ng Mahal na Birheng Maria na aming Ina * at sa pamamagitan ni San Jose * at ng lahat ng mga anghel at mga Banal. *

Bayan: Siya Nawa

PANALANGIN SA IKALAWANG ARAW

O Diyos at Panginoon ng mga Kerubin * na maningning na Espiritu ng Ikalawang Koro * na pinuspos ng lubhang matayog na karunungan! * Iniaalay namin sa Iyo * ang mga karapatan * ng marurunong na Espiritung ito * at ng maluwalhating si San Miguel Arkanghel, * Puno ng marurunong sa langit, * G**o at Ilaw na lubhang makinang * na nagtuturo at umaakay * sa lalong marurunong sa lupa. * Nagsusumamo kami sa Iyo * na kami ay liwanagan ng iyong mahal na grasya * upang makilala ka namin nang lalo * at sintahin Ka naming lahat dito sa lupa * at magpasawalang hanggan sa langit. * magkasala sa Iyo.*

Bayan: Siya Nawa

Pinuno: Sa kapurihan ng Siyam na Koro ng mga Espiritu sa Langit, dasalin natin ang siyam na Ama Namin, siyam na Aba Ginoong Maria at siyam na Luwalhati.

(Pagkatapos ng siyam na Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Pinuno: Sandaling tumigil at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa ating Patron San Miguel Arkanghel sa Pagsisiyam na ito.

PANALANGIN PANG WAKAS SA ARAW-ARAW
Pinuno: O Lubhang Maluwalhating Patron San Miguel Arkanghel* marilag na Prinsipe ng mga Hukbo sa Langit,* Bayaning kinatatakutan* ng masasamang espiritu * at ng buong impiyerno,* Dakilang Kapitan* at Mahal na Arkanghel* na pinuspos ni Hesukristo ng mabisang grasya,* at pinagkalooban ng tanging karangalan at kapangyarihan! * Iadya Mo kami * sa tanang panganib at sakuna * at igawad Mo sa amin ang ningas ng loob * sa pagsinta sa Diyos* upang kami ay magsikap araw-araw * sa tapat na paglilingkod sa Kanya * at gayundin naman * ang tanging biyaya * na ninanasa namin at hinihingi sa pagsisiyam na ito.

Bayan: Siya Nawa.

DALIT SA KAPURIHAN NI SAN MIGUEL ARKANGHEL
Pinuno : Sa Langit na Kaharian, / Si Hesus ay aming kamtan.

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.

Pinuno: Nasupil Mo at natalo,/ Si Lucifer na naging lilo;/ Gusto’y maging DIyos sa trono/ Ang palalong naging d’yablo;/ Ibinulid Mo ang loko/ Sa apoy ng impyerno.

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal

Pinuno: Hanggang sa pangakong lupa/ Naging saklolo Kang lubha/ Ng Hebreong bayang mutya/ Na sa Ehipto nagmula;/ Binusog Mo silang pawa/ Nitong manang mahiwaga

Pinuno: Nananalangin at nanglumo/ Ang pagkatao ni Kristo;/ Dugo’y pawis na sumago/ Sa hapis na nanagano;/ Naging aliw Ka’t kons’welo/ Sa lumbay na walang tuto.

Pinuno: Sa Langit man at sa lupa/ Ikaw nga ang itinakda;/ Pinagawa ng himala/ Ng katwiran at ng awa;/ Ang Diyos ang nagtadhana/ Sa kinapal Niyang madla.

Pinuno: Ang Simbahang Inang sinta/ Sa panganib ay iadya;/ Ang maraming mga sekta/ Sa Kanya po’y bumabaka;/ Sa lakas mo, Patrong sinta,/ Ipagtanggol ang Iglesya;

Pinuno: Tulungan Mo’t h’wag lisanin/ Ang sa Roma’y Papa namin/ Ang pastol ng bayan namin,/ Sana’y Iyong pagpalain;/ Ang lahat ng Pari namin

Pinuno: Sa kidlat man at sigwada,/ Gutom, salot, pagbabaka;/ Sa lindol man at parusa/ Ng langit sa nagkasala,/ Kami’y iligtas tuwina/ At samahang para-para.

Pinuno: Hingin mo po gabi’t araw/ Kay Hesus na aming Mahal,/ Sa grasya at kabanalan,/ Manatili kaming tunay;/ Sa tulong mo, Patrong hirang/ Nasa nami’y makakamtam.

Pinuno: Sa Langit na Kaharian, Si Hesus ay aming kamtan.

Pinuno: Aawitin ko ang Iyong kapurihan, Sa harap ng mga anghel, Panginoon Kong Diyos.

Bayan: Ikaw ay sasambahin ko sa Iyong mahal na templo at ang mahal na ngalan Mo Ay sasambitin ko.

Pinuno: Ipanalangin Mo kami, maluwalhating Arcangel San Miguel

Bayan: Nang makamtan namin ang mga Pangako ni Hesukristo.

TAYO’Y MANALANGIN
O Diyos na walang hanggan at Makapangyarihan * na sa Iyong malaking awa sa mga sumasampalataya sa Iyo, * ginawa Mong Pintakasi ng buong sangkatauhan * ang Mapalad na si San Miguel Arkanghel de Marilao,* maluwalhating Prinsipe ng Santa Iglesia! * Ipagkaloob Mo * na kami ay maging dapat na tulungan * at laging iadya sa dilang kaaway * ng kanyang mabisang saklolo * At sa panahon ng pagpanaw sa buhay na ito, * Kanyang tanggapin, ihain at samahan * ang mga kaluluwa namin * at iharap na maligaya sa Iyong dakilang Kamahalan * alang-alang sa Panginoon naming Hesukristo na Anak Mong sumasaiyo, * Diyos na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at Kaisa ng Espiritu Santo * magpasawalang hanggan. * Siya Nawa.

Pinuno: Patungkol sa mga naghihingalo at sa mga kaluluwa sa Purgatoryo

Lahat: Aba po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa.... at matamis na Birhen.

Pinuno: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.

Bayan: Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo ating Panginoon.

Pinuno: † Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

PAALAM KAY SAN MIGUEL
(Himig: Sakramentong Mahal)

O Pintakasing San Miguel,
Paalam na kami:
Ang bendisyon mo at aliw,
Aming babaunin,
Aming babaunin,

Paalam na Patrong Mahal,
Kami’y patnubayan
Pag-uwi sa aming bahay,
Kami’y iyong tingnan,
Kami’y iyong tingnan.

Mahal na Pintakasi,
Tulungan mo Kami:
Patnubayan mo at pagkasi,
Ang ipagwawagi,
Ang ipagwawagi.

O, Pintakasing San Miguel,
Paalam na kami:
Ang bendisyon mo at aliw,
Aming babaunin,
Aming babaunin.

San Miguel Arkanghel, ipagtanggol mo kami!

================

𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 π’π€ππ€πƒπŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 πŠπ€π˜ πŒπ€π‘πˆπ€ | Malugod na inaanyayahan ang lahat na dumalo sa buwanang Unang Sabadong Debosyon sa Mahal n...
30/04/2026

𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 π’π€ππ€πƒπŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 πŠπ€π˜ πŒπ€π‘πˆπ€ | Malugod na inaanyayahan ang lahat na dumalo sa buwanang Unang Sabadong Debosyon sa Mahal na Birheng Maria sa kanyang taguring Madre de la Divina Gracia na gaganapin sa ika-2 ng Mayo 2026.

Magsasagawa ng isang prusisyon sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria sa ganap na ika-5:00 ng madaling araw na susundan ng Banal na Misa sa ganap na ika-6:00 ng umaga.

Dalhin po natin ang ating mga kandila at mga rosaryo upang hilingin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina ang patuloy na paghahari ng kabutihan at kapayapaan sa daigdig.

Ave Maria Purisima, sin pecado concebida.

ππˆπ’π“π€ππ† ππ€π˜π€π πŸπŸŽπŸπŸ” | ππŽππ„ππ€π‘π˜πŽ 𝐒𝐀 πŠπ€π‘π€ππ†π€π‹π€π 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 πŒπˆπ†π”π„π‹ 𝐀𝐑𝐂𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 𝐃𝐄 πŒπ€π‘πˆπ‹π€πŽNgayong unang araw ng nobenaryo para sa ka...
29/04/2026

ππˆπ’π“π€ππ† ππ€π˜π€π πŸπŸŽπŸπŸ” | ππŽππ„ππ€π‘π˜πŽ 𝐒𝐀 πŠπ€π‘π€ππ†π€π‹π€π 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 πŒπˆπ†π”π„π‹ 𝐀𝐑𝐂𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 𝐃𝐄 πŒπ€π‘πˆπ‹π€πŽ

Ngayong unang araw ng nobenaryo para sa karangalan ng ating patron San Miguel Arcangel de Marilao, pinangunahan ng Mahal na SeΓ±or ng Nagbalon SPPC at Mahal na Puso ni Hesus at ni Maria SPPC ang Rosario Cantada, at ang Ministry of Altar Servers, Parish Renewal Experiences(PREX), Commission on Family and Life and Marriage Encounter Community naman ang nanguna sa pagdarasal ng nobena at pagninilay.

Kasunod nito ay ang pag-aalay ng kandila kasama ang Sangguniang Baranggay ng Nagbalon at pagprusisyon ng imahen ng Mahal na SeΓ±or at Mahal na Puso ni Hesus at ni Maria, ang mga patron ng mga SPPC na nakatalaga sa unang araw ng nobenaryo.

Pinangunahan naman ni Rdo. P. Aaron Mark Jose, bikaryo paroko, ang Banal na Misa matapos ang maikling prusisyon.

β€œSan Miguel, kami'y masdan at sa Diyos ipagdasal."

San Miguel Arcangel de Marilao, ipagtanggol mo kami.

Viva San Miguel Arkanghel ng Marilao!

NOBENA SA KARANGALAN NG PATRON NG BAYAN NG MARILAO: SAN MIGUEL ARKANGHEL | UNANG ARAWNarito ang mga panalangin patungkol...
29/04/2026

NOBENA SA KARANGALAN NG PATRON NG BAYAN NG MARILAO: SAN MIGUEL ARKANGHEL | UNANG ARAW

Narito ang mga panalangin patungkol sa unang araw ng nobenaryo para sa karangalan ni San Miguel Arkhanghel, patron ng bayan ng Marilao.

Pinuno: † Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

Pinuno: Yugto ng Pagsisisi (Luluhod ang lahat)
O Diyos namin* ikinalulumbay namin ng buong puso* ang pagkalapastangan namin sa Iyo* at pinagsisisihan namin ang dilang pagkakasala namin* sapagkat natatakot kami* na mawala sa amin ang Langit at magdusa sa impyerno* ngunit higit sa lahat* sapagkat nilapastangan ka namin na aming Diyos* na napakabuti at dapat ibigin ng lalo sa lahat.* Nagtitika kaming matibay* sa tulong ng iyong grasya* na mag kumpisal ng mga kasalanan namin* magpakasakit at magbagong-buhay*

Namamanata kaming matibay* na magpapakababa* mamuhay ng malinis* magtiis nang anumang Hirap* na siya naming ilalaban sa tukso at hibo ng demonyo* ng laman at ng mundo* Sa abot ng aming makakaya ibabantog namin ang iyong kaluwalhatian* at ipagmamalasakit namin * ang kaligtasan ng mga kaluluwa.*

Magpupunyagi kami na ipahayag* ang mga mahal na aral Mo,* imulat sa Pananampalataya ang tao * at sa banal na pagkatakot sa Iyo, * pairalin ang wagas na kabanalan sa sarili at sa iba* at lipulin ang masasamang asal at bisyo* na labag sa Puso Mo.* Upang matupad ang banal na panatang ito ng aming buhay* Ikaw ang inaasahan namin* O Diyos na maawain* na kami’y tutulungan ng Iyong mahal na grasya,* alang-alang man lamang sa mga karapatan* ng aming Panginoong Jesukristong Anak Mo,* sa mga sakit ng Mahal na Birheng Maria na aming Ina * at sa pamamagitan ni San Jose * at ng lahat ng mga anghel at mga Banal. *

Bayan: Siya Nawa

PANALANGIN SA UNANG ARAW

O Diyos at Panginoon ng mga Serapin* na maniningning na Espiritu ng Unang Koro * na palaging nag-aalab * sa apoy ng dalisay na pag-ibig sa Iyo. * Iniaalay naming sa iyo * ang mga karapatan * ng maapoy na pagsinta* ng mga Espiritung ito * at ng masintahing si San Miguel Arkanghel * na totoong iniirog Mo. * Sapagkat Ikaw lamang ang Diyos at Panginoon * na dapat ibigin ng lalo sa lahat. * Nang buong puso, * buong kaluluwa, * buong isip at lakas. * Pagpipilitan namin * o nanaisin man lamang * na Ikaw ay ibigin ng lahat * at huwag kaming magkasala sa Iyo.*

Bayan: Siya Nawa

Pinuno: Sa kapurihan ng Siyam na Koro ng mga Espiritu sa Langit, dasalin natin ang siyam na Ama Namin, siyam na Aba Ginoong Maria at siyam na Luwalhati.

(Pagkatapos ng siyam na Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Pinuno: Sandaling tumigil at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa ating Patron San Miguel Arkanghel sa Pagsisiyam na ito.

PANALANGIN PANG WAKAS SA ARAW-ARAW
Pinuno: O Lubhang Maluwalhating Patron San Miguel Arkanghel* marilag na Prinsipe ng mga Hukbo sa Langit,* Bayaning kinatatakutan* ng masasamang espiritu * at ng buong impiyerno,* Dakilang Kapitan* at Mahal na Arkanghel* na pinuspos ni Hesukristo ng mabisang grasya,* at pinagkalooban ng tanging karangalan at kapangyarihan! * Iadya Mo kami * sa tanang panganib at sakuna * at igawad Mo sa amin ang ningas ng loob * sa pagsinta sa Diyos* upang kami ay magsikap araw-araw * sa tapat na paglilingkod sa Kanya * at gayundin naman * ang tanging biyaya * na ninanasa namin at hinihingi sa pagsisiyam na ito.

Bayan: Siya Nawa.

DALIT SA KAPURIHAN NI SAN MIGUEL ARKANGHEL
Pinuno : Sa Langit na Kaharian, / Si Hesus ay aming kamtan.

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.

Pinuno: Nasupil Mo at natalo,/ Si Lucifer na naging lilo;/ Gusto’y maging DIyos sa trono/ Ang palalong naging d’yablo;/ Ibinulid Mo ang loko/ Sa apoy ng impyerno.

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal

Pinuno: Hanggang sa pangakong lupa/ Naging saklolo Kang lubha/ Ng Hebreong bayang mutya/ Na sa Ehipto nagmula;/ Binusog Mo silang pawa/ Nitong manang mahiwaga

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.

Pinuno: Nananalangin at nanglumo/ Ang pagkatao ni Kristo;/ Dugo’y pawis na sumago/ Sa hapis na nanagano;/ Naging aliw Ka’t kons’welo/ Sa lumbay na walang tuto.

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.

Pinuno: Sa Langit man at sa lupa/ Ikaw nga ang itinakda;/ Pinagawa ng himala/ Ng katwiran at ng awa;/ Ang Diyos ang nagtadhana/ Sa kinapal Niyang madla.

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.

Pinuno: Ang Simbahang Inang sinta/ Sa panganib ay iadya;/ Ang maraming mga sekta/ Sa Kanya po’y bumabaka;/ Sa lakas mo, Patrong sinta,/ Ipagtanggol ang Iglesya;

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.

Pinuno: Tulungan Mo’t h’wag lisanin/ Ang sa Roma’y Papa namin/ Ang pastol ng bayan namin,/ Sana’y Iyong pagpalain;/ Ang lahat ng Pari namin

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.

Pinuno: Sa kidlat man at sigwada,/ Gutom, salot, pagbabaka;/ Sa lindol man at parusa/ Ng langit sa nagkasala,/ Kami’y iligtas tuwina/ At samahang para-para.

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.

Pinuno: Hingin mo po gabi’t araw/ Kay Hesus na aming Mahal,/ Sa grasya at kabanalan,/ Manatili kaming tunay;/ Sa tulong mo, Patrong hirang/ Nasa nami’y makakamtam.

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.

Pinuno: Sa Langit na Kaharian, Si Hesus ay aming kamtan.

Bayan: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.

Pinuno: Aawitin ko ang Iyong kapurihan, Sa harap ng mga anghel, Panginoon Kong Diyos.

Bayan: Ikaw ay sasambahin ko sa Iyong mahal na templo at ang mahal na ngalan Mo Ay sasambitin ko.

Pinuno: Ipanalangin Mo kami, maluwalhating Arcangel San Miguel

Bayan: Nang makamtan namin ang mga Pangako ni Hesukristo.

TAYO’Y MANALANGIN
O Diyos na walang hanggan at Makapangyarihan * na sa Iyong malaking awa sa mga sumasampalataya sa Iyo, * ginawa Mong Pintakasi ng buong sangkatauhan * ang Mapalad na si San Miguel Arkanghel de Marilao,* maluwalhating Prinsipe ng Santa Iglesia! * Ipagkaloob Mo * na kami ay maging dapat na tulungan * at laging iadya sa dilang kaaway * ng kanyang mabisang saklolo * At sa panahon ng pagpanaw sa buhay na ito, * Kanyang tanggapin, ihain at samahan * ang mga kaluluwa namin * at iharap na maligaya sa Iyong dakilang Kamahalan * alang-alang sa Panginoon naming Hesukristo na Anak Mong sumasaiyo, * Diyos na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at Kaisa ng Espiritu Santo * magpasawalang hanggan. * Siya Nawa.

Pinuno: Patungkol sa mga naghihingalo at sa mga kaluluwa sa Purgatoryo

Lahat: Aba po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa.... at matamis na Birhen.

Pinuno: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.

Bayan: Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo ating Panginoon.

Pinuno: † Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

PAALAM KAY SAN MIGUEL
(Himig: Sakramentong Mahal)

O Pintakasing San Miguel,
Paalam na kami:
Ang bendisyon mo at aliw,
Aming babaunin,
Aming babaunin,

Paalam na Patrong Mahal,
Kami’y patnubayan
Pag-uwi sa aming bahay,
Kami’y iyong tingnan,
Kami’y iyong tingnan.

Mahal na Pintakasi,
Tulungan mo Kami:
Patnubayan mo at pagkasi,
Ang ipagwawagi,
Ang ipagwawagi.

O, Pintakasing San Miguel,
Paalam na kami:
Ang bendisyon mo at aliw,
Aming babaunin,
Aming babaunin.

================

29/04/2026

ππˆπ’π“π€ππ† ππ€π˜π€π πŸπŸŽπŸπŸ” | π‹πˆπ•π„: πŒπˆπ’π€ ππŽππ„ππ€π‘π˜πŽ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 πŒπˆπ†π”π„π‹ 𝐀𝐑𝐂𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 𝐃𝐄 πŒπ€π‘πˆπ‹π€πŽ

Unang Araw ng Misa Nobenaryo para sa pagdiriwang ng Pistang Bayan at Ika-230 Taong Kapistahan ng ating magiting na patron, San Miguel Arcangel de Marilao.

Ika-29 ng Abril 2026
Ika-4:20 ng Hapon

β€œSan Miguel, kami'y masdan at sa Diyos ipagdasal."

San Miguel Arcangel de Marilao, ipagtanggol mo kami.

Viva San Miguel Arkanghel ng Marilao!

ππˆπ’π“π€ππ† ππ€π˜π€π πŸπŸŽπŸπŸ” | πŽπ…π…πˆπ‚πˆπ€π‹ 𝐃𝐏 𝐁𝐋𝐀𝐒𝐓 π…π‘π€πŒπ„Halina't magdiwang at makiisa buong sambayanan ng Diyos ng bayan ng Marilao,...
28/04/2026

ππˆπ’π“π€ππ† ππ€π˜π€π πŸπŸŽπŸπŸ” | πŽπ…π…πˆπ‚πˆπ€π‹ 𝐃𝐏 𝐁𝐋𝐀𝐒𝐓 π…π‘π€πŒπ„

Halina't magdiwang at makiisa buong sambayanan ng Diyos ng bayan ng Marilao, sa ating pagdiriwang ng ika-230 Taong Kapistahan ng ating magiting na patron, San Miguel Arcangel de Marilao.

Gamitin ang Official DP Frame para sa Pistang Bayan 2026. Ang link para sa DP frame ay nasa comment section ng post na ito.

"San Miguel kami'y masdan at sa Diyos ipagdasal."

San Miguel Arcangel de Marilao, ipagtanggol mo kami.

Viva San Miguel Arkanghel de Marilao!

π’πˆπŒππ€-𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 π‹π€π”ππ‚π‡πˆππ† | π‹πˆππ†π†πŽ 𝐍𝐆 πŒπ€ππ”π“πˆππ† ππ€π’π“πŽπ‹ πŸπŸŽπŸπŸ”Isinagawa ngayong araw, Abril 26, 2026, ang paglulunsad ng Simba-...
26/04/2026

π’πˆπŒππ€-𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 π‹π€π”ππ‚π‡πˆππ† | π‹πˆππ†π†πŽ 𝐍𝐆 πŒπ€ππ”π“πˆππ† ππ€π’π“πŽπ‹ πŸπŸŽπŸπŸ”

Isinagawa ngayong araw, Abril 26, 2026, ang paglulunsad ng Simba-Aralan sa ating Parokya. Kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Mabuting Pastol, nagsagawa ng pagbabasbas sa mga dedikadong katekista at boluntaryong magsisipagturo sa Bisita ng Santo Domingo de Guzman ng Villa Consuelo, Abangan Sur na pinangunahan ng ating panauhing pari, Rdo. P. Jose Adriand Emmanuel Layug.

Sa Banal na Misa, hinikayat ni Fr. Layug na ipagdasal na maragdagan pa ang mga pastol na lingkod ng Simbahan at ng Diyos tulad ng mga magsisispaglingkod sa ating mga kabataan.

Ang Simba-Aralan ay isang espesyal na programa ng katesismo na inilunsad ng Diyosesis ng Malolos. Layunin nitong mas mapalapit ang mga kabataan sa Diyos at sa Simbahan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga aral ng pananampalatayang Katoliko.

Nawa’y maging daan ang gawaing ito upang mas mapalalim ang kaalaman at pagmamahal ng mga kabataan sa Diyos at sa Kanyang Simbahan. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nanalangin para sa tagumpay ng misyong ito

π’πˆπŒππ€-𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 π‹π€π”ππ‚π‡πˆππ† | π‹πˆππ†π†πŽ 𝐍𝐆 πŒπ€ππ”π“πˆππ† ππ€π’π“πŽπ‹ πŸπŸŽπŸπŸ”Isinagawa ngayong araw, Abril 26, 2026, ang paglulunsad ng Simba-...
26/04/2026

π’πˆπŒππ€-𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 π‹π€π”ππ‚π‡πˆππ† | π‹πˆππ†π†πŽ 𝐍𝐆 πŒπ€ππ”π“πˆππ† ππ€π’π“πŽπ‹ πŸπŸŽπŸπŸ”

Isinagawa ngayong araw, Abril 26, 2026, ang paglulunsad ng Simba-Aralan sa ating Parokya. Kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Mabuting Pastol, isinagawa ang pagbabasbas sa mga dedikadong katekista at boluntaryong magsisipagturo na pinangunahan ng ating panauhing pari, Rdo. Mons. Dioscoro Layug.

Sa Banal na Misa, binigyang-diin ang kahalagahan ng paggabay sa mga tupa ng Panginoon, lalo na ang mga kabataan.

Ang Simba-Aralan ay isang espesyal na programa ng katesismo na inilunsad ng Diyosesis ng Malolos. Layunin nitong mas mapalapit ang mga kabataan sa Diyos at sa Simbahan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga aral ng pananampalatayang Katoliko.

Nawa’y maging daan ang gawaing ito upang mas mapalalim ang kaalaman at pagmamahal ng mga kabataan sa Diyos at sa Kanyang Simbahan. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nanalangin para sa tagumpay ng misyong ito!

26/04/2026

π‹πˆπ•π„ | 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 πŒπˆπ’π€
πˆπŠπ€π€ππ€π“ 𝐍𝐀 π‹πˆππ†π†πŽ 𝐍𝐆 ππ€π’πŠπŽ 𝐍𝐆 ππ€π†πŠπ€ππ”π‡π€π˜ 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐔𝐋𝐔𝐍𝐒𝐀𝐃 𝐍𝐆 ππ‘πŽπ†π‘π€πŒπ€ππ† π’πˆπŒππ€-𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍 𝐒𝐀 π€π“πˆππ† ππ€π‘πŽπŠπ˜π€
LINGGO NG MABUTING PASTOL
PANDAIGDIG NA ARAW NG PANANALANGIN PARA SA BANAL NA BOKASYON
PAGLULUNSAD NG PROGRAMAG SIMBA-ARALAN SA MGA PAROKYA NG DIYOSESIS
"Pinakikinggan ng mga tupa ang tinig ng Pastol" (Juan 10:3)
Ang Kristiyanong nakikilahok para magbago ang lipunan ay kailangang making sa tinig ng Mabuting Pastol
Ika-26 ng Abril 2026
Ika-6:00 ng Gabi
Punong Tagapagdiwang: Reb. Mons. Dioscoro Layug, panauhing pari.

ππˆπ’π“π€ 𝐒𝐀 𝐒𝐏𝐏𝐂 | 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 πŠπ‘π”π’ 𝐍𝐆 𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐔𝐑Masdan ang mga larawang kuha sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Banal na Krus n...
26/04/2026

ππˆπ’π“π€ 𝐒𝐀 𝐒𝐏𝐏𝐂 | 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 πŠπ‘π”π’ 𝐍𝐆 𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐔𝐑

Masdan ang mga larawang kuha sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Banal na Krus ng Abangan Sur ngayong ika-26 ng Abril, 2026.

Sinimulan ito ng pagdiriwang ng Banal na Misa sa pangunguna ni Reb. P. Ronald Ortega, kura paroko. Matapos nito ay nagkaroon ng salinan ng hermandad para sa susunod na kapistahan.

Mahal na SeΓ±or Sto. Cristo na nakabayubay sa Banal na Krus, maawa Ka sa amin.

Address

San Miguel Street, Poblacion
Marilao
3019

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St Michael the Archangel Parish Marilao, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St Michael the Archangel Parish Marilao, Bulacan:

Share