31/05/2026
PAGTATAPOS NG SIMBA-ARALAN SA PAROKYA
Bilang pagtatapos ng ating buwan ng Simba-Aralan 2026, buong pusong nagpapasalamat ang Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Panginoon sa mga biyayang ipinagkaloob sa lahat ng mga batang naging bahagi ng gawaing ito ng pananampalataya at paghubog.
Noong ika-30 ng Mayo 2026, matagumpay na isinagawa ang pagtatapos ng Cluster 2 sa Bisita ng Sto. Cristo de Lambakin at Cluster 3 sa Bisita ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario. Ngayong ika-31 ng Mayo 2026 naman ay ginanap ang pagtatapos ng Cluster 1 sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima at Cluster 4 sa Bisita ni San Jose Manggagawa sa Villa Grande.
Sa pagtatapos ng isang buwang paglalakbay ng pananampalataya, nawaβy manatiling buhay sa puso ng bawat bata ang mga aral tungkol sa Diyos, pag-ibig, paglilingkod, at pakikipagkapwa na kanilang natutunan sa Simba-Aralan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga Katekista, P***A, mga kabataan mula sa Parish Commission on Youth at Commission on Social Communications na naglaan ng kanilang panahon, talento, at pagmamahal upang maihatid ang Salita ng Diyos sa mga bata. Gayundin, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga naghandog ng pagkain at iba pang biyaya sa buong buwan ng Simba-Aralan.
Higit sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa patnubay at paggabay ng ating kura paroko, Valentino T. Banag, Jr., at ng ating katuwang na pari, Alvin S. De Leon, na naging inspirasyon at gabay sa matagumpay na pagsasakatuparan ng gawaing ito.
"Turuan mo ang bata sa daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa pagtanda niya ay hindi niya ito lilimutin." (Kawikaan 22:6)