24/08/2026
KAPISTAHAN SA SIMBAHAN | SAN BARTOLOME APOSTOL
Sa bawat yapak ng isang apostol ay nakaukit ang kuwento ng isang pusong tumugon sa tawag ni Kristo. Ngayong ika-24 ng Agosto, buong galang at debosyon nating ginugunita si San Bartolome Apostol. Siya ay isang saksi ng pananampalataya, isang lingkod ng Mabuting Balita, at isang buhay na naging salamin ng katapatan sa Diyos.
Sa kaniyang buhay, ipinapaalala sa atin na ang pananampalataya ay hindi lamang tinatanggap sa puso, kundi isinasabuhay sa bawat hakbang. Ang kaniyang tapang sa pagsunod at katapatan sa misyon ay nagsisilbing tanglaw sa mga pusong patuloy na naghahanap ng landas patungo kay Kristo.
Nawa’y sa paggunita sa kabanalan ni San Bartolome, matuto rin tayo nawang tumugon sa tawag ng Panginoon nang may buong puso. Hindi upang maging dakila sa paningin ng mundo, kundi upang maging tapat sa paningin ng Diyos.
San Bartolome Apostol, ipanalangin mo kami.