Kapilya ni San Jose Esposo ng Mahal na Birheng Maria Tabing-Ilog

Kapilya ni San Jose Esposo ng Mahal na Birheng Maria Tabing-Ilog Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapilya ni San Jose Esposo ng Mahal na Birheng Maria Tabing-Ilog, Religious organisation, Tabing-ilog, Marilao.

Ang Official page ng Bisita ni San Jose, Tabing-Ilog SPPC
DIOCESE NG MALOLOS
PAROKYA NG SAN MIGUEL ARKANGHEL NG MARILAO
-Misa tuwing araw ng Sabado alas-6 ng Gabi

π€π†πŽπ’π“πŽ πŸ‘πŸ | πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π ππˆππ€ 𝐒𝐀𝐍 π‰πŽπ’π„ 𝐍𝐆 π€π‘πˆπŒπ€π“π„π€ 𝐚𝐭 𝐒𝐀𝐍 ππˆπ‚πŽπƒπ„πŒπŽSan Nicodemo       Siya ang lihim na alagad ng Panginoon...
31/08/2026

π€π†πŽπ’π“πŽ πŸ‘πŸ | πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π ππˆππ€ 𝐒𝐀𝐍 π‰πŽπ’π„ 𝐍𝐆 π€π‘πˆπŒπ€π“π„π€ 𝐚𝐭 𝐒𝐀𝐍 ππˆπ‚πŽπƒπ„πŒπŽ

San Nicodemo
Siya ang lihim na alagad ng Panginoon. Sa kanya inihayag ni Hesus ang tunay na kahulugan ng muling ipinanganak o "Born Again" . Naghanda siya ng 100 libras na panglanggas sa banal na bangkay ni Hesus at kasama ang butihing si Jose ng Arimatea at Juan Ebanghelista. Sila ang nagbaba ng bangkay ni Hesus mula sa Krus.

San Jose ng Arimatea
Nasasaad na ang mayamang si San Jose ng Arimatea ay nagmamay-ari ng yungib na pinaglibingan ng walang buhay na katawan ni Hesus. Siya rin ang nakiusap kay Pilato upang makuha ang katawan ni Hesus upang mailibing ito agad-agad sa yungib na pagmamay-ari nya.

Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo,
Kaparanang sa unang-una, ngayon at magpakailanman, magpasawalang hanggan, Amen.

San Nicodemo, ipanalangin mo kami.
San Jose ng Arimatea, ipanalangin mo kami.


πŽπ‘π€π“πˆπŽ πˆπŒππ„π‘π€π“π€ππšπ§πšπ₯𝐚𝐧𝐠𝐒𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐒𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐝𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚π₯𝐚𝐦𝐒𝐝𝐚𝐝Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa lyo ang aming mga pusong ...
29/08/2026

πŽπ‘π€π“πˆπŽ πˆπŒππ„π‘π€π“π€
𝐏𝐚𝐧𝐚π₯𝐚𝐧𝐠𝐒𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐒𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐝𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚π₯𝐚𝐦𝐒𝐝𝐚𝐝

Amang Makapangyarihan, Itinataas namin sa lyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng lyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan mong gumagabay sa takbo ng daigdig.

Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa lyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "global warming" ay laganap na. Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan, paglindol at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta. Lumalapit kami sa lyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.

Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari-arian at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.
Iniluluhog namin gawin kaming mapanagutang katiwala ng lyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan.
Dalangin namin ito Sa Pangalan ni Hesus. Amen.

San Miguel Arcangel de Marilao, ipagtanggol mo kami.
Madre de la Divina Gracia de Marilao, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.


ANNOUNCEMENT:Kanselado po ang ating Misa ngayong araw, August 29, 2026. Manatiling ligtas, mag-ingat, at patuloy na mana...
29/08/2026

ANNOUNCEMENT:

Kanselado po ang ating Misa ngayong araw, August 29, 2026. Manatiling ligtas, mag-ingat, at patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa.

San Jose, ipanalangin mo kami.

π€π†πŽπ’π“πŽ πŸπŸ“ | πƒπ€πŠπˆπ‹π€ππ† πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-π€π€πŠπ˜π€π“ 𝐒𝐀 π‹π€ππ†πˆπ“ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† πŒπ€π‘πˆπ€Pagkatapos ng misyon ni Maria sa mundon...
15/08/2026

π€π†πŽπ’π“πŽ πŸπŸ“ | πƒπ€πŠπˆπ‹π€ππ† πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-π€π€πŠπ˜π€π“ 𝐒𝐀 π‹π€ππ†πˆπ“ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† πŒπ€π‘πˆπ€

Pagkatapos ng misyon ni Maria sa mundong ibabaw siya ay nahimlay at hinatid na sa hantungan ng mga Apostol ni Hesus, dahil sa kanila itinagubilin ang kanyang Mahal na Ina na si Maria bago ito mamatay sa Krus kay Apostol San Juan, si Maria ay iniakyat sa Langit ng Panginoong Diyos kaluluwa at katawan hindi ito hinayaang mabulok ang katawan niyang ito kasabay ng halimuyak ng bulaklak ng rosas.

O Inang Mariang Inakyat sa langit, ipanalangin mo kami.


π€π†πŽπ’π“πŽ 𝟏𝟏 | ππ€π†π†π”ππˆπ“π€ πŠπ€π˜ 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐂𝐋𝐀𝐑𝐀 𝐃𝐄 π€π’π’πˆπ’πˆSi Santa Clara, maningning sa pangalan at lalo na sa kabanalan, ay si Cla...
11/08/2026

π€π†πŽπ’π“πŽ 𝟏𝟏 | ππ€π†π†π”ππˆπ“π€ πŠπ€π˜ 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐂𝐋𝐀𝐑𝐀 𝐃𝐄 π€π’π’πˆπ’πˆ

Si Santa Clara, maningning sa pangalan at lalo na sa kabanalan, ay si Clara Scifi, anak nina Favorino at Ortolana de Fiumi. Sa bayang sinilangan niya noong 1193, sa Assisi, ay minsang nangaral si San Francisco, at ang pangaral ng santo ay tumimong mabuti sa malinis at murang isipan ni Clara. Dahil diya’y nagpasya siyang mamuhay nang alinsunod sa aral ng Panginoon. Nang gabing iyon, si Clara ay nagtanan sa kumbento ni San Francisco. Doon niya itinakwil ang lahat ng bagay sa daigdig, sinuotan siya ng makapal na abito ng mga Pransiskano at pinutulan ng buhok.

Sa kumbento ng San Angelo ay sinimulan ni Santa Clara ang tinatawag na Orden ng mga Madreng Clarisa sa ilalim ng pamunuan ni San Francisco ng Assisi. Ang labing-anim na unang mga Clarisa ay nabuhay na tigib ng karukhaan, kababaang-loob at pagpapakasakitβ€”hindi sila kumakain ng karne, natutulog sa sahig, walang sapin ang paa at hindi nagsasalita maliban kung kailangang-kailangan lamang.

Ang kumbentong iyon ng mga monghang Clarisa ay pinamunuan ni Santa Clara sa loob ng apatnapung taon. Ang kanyang kapatid na si Ines at ang kanyang ina ay pumasok din sa samahang iyon.

Nang minsang magkasakit si Santa Clara ay nilusob ng mga Saraseno ang kanilang kumbento. Itinaas niya ang Santisimo Sakramento at ipinakita sa mga tampalasan. Biglang nagsialis ang mga Saraseno. Namatay si Santa Clara noong taong 1253, sa gulang na animnapung taon.

Santa Clara ng Assisi, ipanalangin mo kami!


π€π†πŽπ’π“πŽ πŸ– | πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐈 π’π€ππ“πŽ πƒπŽπŒπˆππ†πŽ 𝐃𝐄 π†π”π™πŒπ€πSanto Domingo de GuzmΓ‘n ay isang Espanyol na pari at tagapagtatag ng Ord...
08/08/2026

π€π†πŽπ’π“πŽ πŸ– | πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐈 π’π€ππ“πŽ πƒπŽπŒπˆππ†πŽ 𝐃𝐄 π†π”π™πŒπ€π

Santo Domingo de GuzmΓ‘n ay isang Espanyol na pari at tagapagtatag ng Orden de Predicadores o mas kilala bilang Order of Preachers (Dominican Order). Siya ay kinikilala bilang isa sa mga dakilang santo ng Simbahang Katolika at patron ng mga tagapangaral.

Ating ginugunita ang kanyang buhay na inialay sa pagtatanggol ng katotohanan, masigasig na pangangaral, at taos-pusong pananalangin. Bilang tagapagtatag ng Orden ng mga Dominikano, itinuro niya ang kahalagahan ng pag-aaral, kababaang-loob, at debosyon sa Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng Banal na Rosaryo. Nawa’y tularan natin ang kanyang halimbawa at maging matatag na saksi ng Ebanghelyo sa gitna ng ating makabagong panahon. Santo Domingo de GuzmΓ‘n, ipanalangin mo kami.

Sancte Dominice de GuzmΓ‘n, ora pro nobis.

Pagbati sa Bisita ng Santo Domingo de Guzman Sppc ng Villa Consuelo, bilang pagdiriwang ng Kapistahan ng kanilang parton na si Santo Domingo.


π€π†πŽπ’π“πŽ πŸ” | πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆπ–π€ππ€π† 𝐒𝐀 ππ€π†πŽππ† π€ππ˜πŽ 𝐍𝐆 ππ€ππ†πˆππŽπŽπIsinama ni Hesus, si Pedro at mga kapatid na Santiago a...
06/08/2026

π€π†πŽπ’π“πŽ πŸ” | πŠπ€ππˆπ’π“π€π‡π€π 𝐍𝐆 ππ€π†π‹πˆπ‹πˆπ–π€ππ€π† 𝐒𝐀 ππ€π†πŽππ† π€ππ˜πŽ 𝐍𝐆 ππ€ππ†πˆππŽπŽπ

Isinama ni Hesus, si Pedro at mga kapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang mataas na bundok. Habang sila’y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Hesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit, at nakita ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Hesus. Sinabi ni Pedro kay Hesus, "Panginoon mabuti't naririto kami, kung gusto ninyo magtatayo ako ng tatlong tolda; isa sa Inyo, isa kay Moises, at isa kay Elias."

Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo, Kaparanang sa unang-una, ngayon at magpakailanman, magpasawalang hanggan, Amen.

O Kristong Nagbagong Anyo sa Bundok ng Tabor, maawa ka sa amin.


MALIGAYANG ARAW NG MGA PARI | Kaisa sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan Maria Vianney, ang Pintakasi ng mga Pari, a...
04/08/2026

MALIGAYANG ARAW NG MGA PARI | Kaisa sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan Maria Vianney, ang Pintakasi ng mga Pari, ang buong sambayanan ng Parokya ng San Miguel Arkanghel ng Marilao at Bisita ni San Jose ay nagpapahatid ng taos-pusong pagpupugay at pasasalamat sa ating mga minamahal na pastol na patuloy na nag-aalay ng kanilang buhay para sa Diyos at sa Kawan:

Rdo. P. Ronald C. Ortega, Kura Paroko
Rdo. P. RR Antoni C. Reyes, Bikaryo Paroko
Rdo. Mons. Dioscoro DR. Layug, Panauhing Pari

Maraming salamat po sa inyong walang-pagod na paggabay, tapat na paglilingkod, at sa pagbabahagi ng Mabuting Balita sa lahat. Dalangin po namin na patuloy kayong biyayaan ng Panginoon ng malakas na pangangatawan, karunungan, at nag-aalab na espiritu upang mapagtagumpayan ang banal na misyong iniatang sa inyo.

Ipanalangin po natin ang ating mga pari, upang sa bawat araw ay higit silang maging mabubuting pastol na kawangis ng Puso ni Kristo.

San Juan Maria Vianney, ipanalangin mo kami at ang aming mga pari!

San Miguel Arcangel, ipagtanggol mo kami.

Madre de la Divina Gracia, ipanalangin mo kami. Amen.

San Jose, ipanalangin mo kami



MALIGAYANG ARAW NG MGA PARI | Kaisa sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Juan Maria Vianney, ang Pintakasi ng mga Pari, ang buong sambayanan ng Parokya ng San Miguel Arkanghel ng Marilao ay nagpapahatid ng taos-pusong pagpupugay at pasasalamat sa ating mga minamahal na pastol na patuloy na nag-aalay ng kanilang buhay para sa Diyos at sa Kawan:

Rdo. P. Ronald Ortega
Kura Paroko

Rdo. P. RR Antoni Reyes
Bikaryo ng Parokya

Rdo. Mons. Dioscoro Layug
Panauhing Pari

Maraming salamat po sa inyong walang-pagod na paggabay, tapat na paglilingkod, at sa pagbabahagi ng Mabuting Balita sa lahat. Dalangin po namin na patuloy kayong biyayaan ng Panginoon ng malakas na pangangatawan, karunungan, at nag-aalab na espiritu upang mapagtagumpayan ang banal na misyong iniatang sa inyo.

Ipanalangin po natin ang ating mga pari, upang sa bawat araw ay higit silang maging mabubuting pastol na kawangis ng Puso ni Kristo.

San Juan Maria Vianney, ipanalangin mo kami at ang aming mga pari!

San Miguel Arcangel, ipagtanggol mo kami.

Madre de la Divina Gracia, ipanalangin mo kami. Amen.



HULYO 29 | PAGGUNITA KILA SAN LAZARO, SANTA MARIA, AT SANTA MARTA NG BETANIAAng magkakapatid ay malalapit na kaibigan ng...
29/07/2026

HULYO 29 | PAGGUNITA KILA SAN LAZARO, SANTA MARIA, AT SANTA MARTA NG BETANIA

Ang magkakapatid ay malalapit na kaibigan ng ating Panginoon. Ayon sa salaysay ng ebanghelistang si Juan, sila'y naninirahan sa bayan ng Betania malapit sa Jerusalem. Sa ebanghelyo naman ni Lukas ay mababasa ang pagdalaw ni Hesus sa magkapatid na Maria at Marta, sa tagpong ito'y makikitang aligaga si Martha habang si Maria'y umupo sa paanan ni Hesus at nakinig sa kanyang mga aral. Hindi lamang ito ang kanilang interaksyon na nakatala sa Biblia. Sa ebanghelyo ni Juan ay mababasa ang pagbuhay kay Lazaro. Si Lazaro'y nagkasakit at sinubukan nila Maria at Marta na kunin ang tulong ni Hesus ngunit kaniyang binalewala ito at dumating sa Betania noong si Lazaro'y namayapa na. Sa pagdating niya ay sinabi ni Martha kay Hesus na kung siya'y dumating ng mas maaga ay sana'y buhay pa ang kaniyang kapatid. Sumagot si Hesus ng ganito "Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay; at sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba dito?" Pinatotohanan ni Marta na siya'y naniniwala at sumagot "Opo, Panginoon! Naniniwala po akong kayo ang Kristo, ang Anak ng Diyos na inaasahang darating sa sanlibutan." Iniyakan ni Hesus ang pangyayaring ito sapagkat sila'y tunay na malapit sa isa't isa, Binuhay niya si Lazaro't pinatunayan na siya nga ang Mesias. Matapos ang pangyayaring ito ay nakisalo si Hesus sa tahanan ng magkakapatid anim na araw bago mag pista ng paskuwa. Dito ay binuhusan ni Maria na kapatid ni Lazaro't Marta ng mamahaling Pabango galing sa dalisay na Nardo ang paanan ni Hesus at pinunasan ito ng kaniyang buhok, simbolo ng nalalapit na pagpapasakit at paglilibing sa kanya. Dito pa lamang ay makikita na kung gaano kalapit ang magkakapatid sa Panginoon.

Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo,
Kaparanang sa unang-una, ngayon at magpakailanman, magpasawalang hanggan, Amen.

San Lazaro, Santa Maria, Santa Marta ng Betania, ipanalangin ninyo kami.


Address

Tabing-ilog
Marilao

Telephone

+639778152059

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapilya ni San Jose Esposo ng Mahal na Birheng Maria Tabing-Ilog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share