Parish Commission on Youth - St. Michael the Archangel Parish

Parish Commission on Youth - St. Michael the Archangel Parish Diocese of Malolos
Vicariate of Bocaue
SMAP - PCY Marilao
(Official FB Page)

01/07/2026

๐”๐๐€๐๐† ๐’๐€๐๐€๐ƒ๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ | Malugod na inaanyayahan ang lahat na dumalo sa buwanang Unang Sabadong Debosyon sa Mahal na Birheng Maria sa kanyang taguring Madre de la Divina Gracia na gaganapin sa ika-4 ng Hulyo 2026. Magsasagawa ng isang prusisyon sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria sa ganap na ika-5:00 ng madaling araw na susundan ng Banal na Misa sa ganap na ika-6:00 ng umaga.

Dalhin po natin ang ating mga kandila at mga rosaryo upang hilingin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina ang patuloy na paghahari ng kabutihan at kapayapaan sa daigdig.

Ave Maria Purisima, sin pecado concebida.




Sa ngalan ng buong sambayanan at Pamparokyang Komisyon ng Kabataan (PCY) ng Parokya ng San Miguel Arkhanghel de Marilao,...
21/06/2026

Sa ngalan ng buong sambayanan at Pamparokyang Komisyon ng Kabataan (PCY) ng Parokya ng San Miguel Arkhanghel de Marilao, aming ipinapaabot ang taos-pusong pagtanggap sa aming bagong Bikaryo Paroko Reberendo Padre RR Antoni C. Reyes.

Nawaโ€™y maging mabunga ang inyong paglilingkod at maging instrumento kayo ng pag-ibig, kapayapaan, at awa ng Panginoon.

Kasama ng Banal na Espiritu at sa patnubay ni San Miguel Arkhanghel at Madre de la Divina Gracia, kaisa ninyo kami sa paglalakbay sa pananampalataya.



21/06/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐ƒ๐€๐“๐ˆ๐๐†, ๐…๐‘. ๐‘๐‘!

Ang Sambayanan ng Diyos dito sa Parokya ng San Miguel Arkanghel ng Marilao ay bumabati sa pagdating ng ating bagong Bikaryo Paroko (Parochial Vicar), Rdo. P. RR Antoni Camorongan Reyes.

Isa si Fr. RR sa mga bagong pari na inordenan ng ating Obispo Dennis C. Villarojo, DD nitong ika-16 ng Hunyo 2026 sa Cathedral and Minor Basilica of the Immaculate Conception, Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Sa pagsisimula ng iyong ministeryo, idinadalangin namin na patnubayan ka ng Panginoong Hesukristo, ang Mabuting Pastol, kasama ng ating patrong si San Miguel Arkanghel at ng ating Mahal na Ina, Madre de la Divina Gracia de Marilao sa iyong bagong misyon bilang lingkod ng Inang Simbahan.


28/03/2026
27/03/2026
Sa nalalapit na Mahal na Araw, ang Parish Commission on Youth ay nag-aanyaya sa lahat na makiisa sa pagninilay at panana...
23/03/2026

Sa nalalapit na Mahal na Araw, ang Parish Commission on Youth ay nag-aanyaya sa lahat na makiisa sa pagninilay at pananampalataya sa pamamagitan ng pagsuporta sa pagbili ng Mga Mahal na Araw sa Marilao T-shirt.

Sa bawat pagbili, kayo ay nakikibahagi sa pagpapalago ng pananampalataya, pagkakaisa, at aktibong paglilingkod ng kabataan sa ating parokya.

Sa mga nais umorder, ito po mga detalye:

* Nagkakahalaga ng Php 250
Ito po ay strictly pay as you order. Ang pag order ay hanggang Marso 26 (Miyerkules).
Pwede po magbayad thru Gcash:
Ryan L. - 09353500353

* XS-5XL ang sizes (naka-base sa Blue Corner sizing)

Para sa iba pang katanungan maaari pong magmessage kay Sis. Reynalyn Joy Mercado.

Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa Kabataan ng Parokya!



๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—ฟ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ, ๐——๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น, ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐˜„๐—ถ๐˜ (๐—ฆ๐—”๐—ž๐——๐—”๐—ช๐—œ๐—ง)Marso 20, 2026Mother of Mercy Quasi - Parish, Loma de Gato, Marilao Kahapon ay gina...
20/03/2026

๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—ฟ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ, ๐——๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น, ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐˜„๐—ถ๐˜ (๐—ฆ๐—”๐—ž๐——๐—”๐—ช๐—œ๐—ง)
Marso 20, 2026
Mother of Mercy Quasi - Parish, Loma de Gato, Marilao

Kahapon ay ginanap ang Sakripisyo, Dasal, at Awit (SAKDAWIT) sa Inihahandang Parokya ng Mahal na Ina ng Awa. Ito ay programa ng Bikarya na may layuning mapayabong sa alab ang paglilingkod ng mga kabataan kay Kristo.

Nakiisa ang mga Kabataan ng Parokya ni San Miguel Arkanghel sa ganitong gawain upang mapalalim ang pananampalataya at kagustuhan ng mga lingkod Kabataan ng Inang Simbahan.

Ngayong Kuwaresma, inaanyahahan ang lahat na magnilay at manalangin upang lalo pang ituon ang pansin kay Kristo.



29/12/2025

Address

Poblacion
Marilao
3019

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Commission on Youth - St. Michael the Archangel Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share