18/03/2026
𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐒𝐄, 𝐄𝐒𝐏𝐎𝐒𝐎 𝐍𝐈 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 | Marso 19
Ngayong araw ay ginugunita natin si San Jose, Esposo ni Maria, ating pinararangalan ang isang mapagkumbaba at masunuring lingkod ng Diyos na naging haligi ng Banal na Pamilya. Sa kanyang katahimikan, kasipagan, at matibay na pananampalataya, ipinakita niya ang tunay na kahulugan ng pagmamahal, pananagutan, at pagtitiwala sa kalooban ng Diyos.
Nawa’y tularan natin ang kanyang halimbawa bilang tagapangalaga ng pamilya at tapat na alagad ng Panginoon.
San Jose aming patron, ipanalangin mo kami!
𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐒𝐄, 𝐄𝐒𝐏𝐎𝐒𝐎 𝐍𝐈 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 | Marso 19
Ngayong araw ay ginugunita natin si San Jose Asawa ni Maria. Isang karpintero mula sa Nazareth, napili ng Diyos na maging ama ni Hesus at asawa ni Maria.
Siya ay kilalang patron ng mga manggagawa, ama, at pamilya.
Tinawag siyang “makatarungang tao” sa Bibliya dahil sa kanyang masunuring pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang kababaang-loob, pagmamahal kay Maria, at pag-aaruga kay Hesus, pinoprotektahan at ginabayan niya ang kanyang pamilya at nagtiwala sa plano ng Panginoon kahit walang kasiguraduhan. Nabuhay siya nang may tahimik na kabanalan, katapangan, at pagtitiwala sa Diyos.
Nawa’y tularan natin ang kanyang pasensya, pagiging responsable, at katapatan sa lahat ng ating ginagawa, sapagkat ang tunay na kabutihan ay hindi nasusukat sa pagkilala, kundi sa paglilingkod at pagmamahal.
San Jose, Esposo ni Maria, ipanalangin mo kami!
Hannah Mascarina | Ka-Manggagawa Publications