24/05/2026
Kaisa ng mga parokya sa Lungsod ng Marikina, malugod na nakiisa ang ating parokya kasama ang ating pintakasi na si San Isidro Labrador, Patron ng mga Magsasaka, sa ginanap na Panapos na Prusisyon bilang pagpupugay kay Nuestra Señora Delos Desamparados.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa buong komunidad ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de los Desamparados sa kanilang mainit na pagtanggap sa ating patron at sa lahat ng mga debotong nakiisa sa makabuluhang gawaing ito ng pananampalataya at pagkakaisa.
Viva La Virgen!!!!
Viva San Isidro!!!