02/06/2026
Nagtatalo ang langaw at ang bubuyog.
Sabi ng langaw, "Mas masarap ang tae."
Sabi naman ng bubuyog, "Mas masarap ang pulot."
Pareho silang nagsasalita ayon sa kanilang nakasanayan at hinahanap. Ang langaw ay naghahanap ng marumi, kaya doon siya naaakit. Ang bubuyog naman ay naghahanap ng nektar ng bulaklak, kaya pulot ang kanyang nalilikha.
Ganyan din sa buhay. Kung ano ang laman ng puso at hinahanap ng tao, iyon ang kanyang pinapansin at pinahahalagahan. Ang iba ay laging nakatuon sa mali at negatibo, samantalang ang iba ay naghahanap ng mabuti at kapaki-pakinabang.
"Anuman ang mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kapuri-puri... ang mga bagay na ito ang isipin ninyo." Philippians 4:8.
By Ptr Joseph Veneracion