Oyayi ni San Jose Youth Choir

Oyayi ni San Jose Youth Choir Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Oyayi ni San Jose Youth Choir, Catholic Church, Chorillo, Barangka, Marikina City.

"Kami ang Oyayi ni San Jose Youth Choir ng San Jose Manggagawa Parish, Barangka Marikina City, itinatag noong 2009, na naglilingkod sa Diyos at sa pamayanan sa pamamagitan ng musika at awit bilang pagpupuri kay San Jose at Mahal na Birheng Maria."

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 EJay! πŸ₯³Nawa’y hindi ka magsawa sa paglilingkod sa ating Panginoon.Gabayan ka nawa palagi ng ating Ma...
09/04/2026

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 EJay! πŸ₯³

Nawa’y hindi ka magsawa sa paglilingkod sa ating Panginoon.
Gabayan ka nawa palagi ng ating Mahal na Ina, at patuloy kang basbasan ni San Jose sa lahat ng iyong ginagawa. πŸ™πŸ’™

Mula sa Oyayi ni San Jose Youth Choir Family, isang masaya at pinagpalang kaarawan sayo! πŸŽΆπŸŽ‚




𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, Kahlil! πŸ₯³Bagaman nag-iba man ang iyong landas, nawa’y hindi ka kailanman magsawa sa paglilingkod at...
05/04/2026

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧, Kahlil! πŸ₯³

Bagaman nag-iba man ang iyong landas, nawa’y hindi ka kailanman magsawa sa paglilingkod at pagpupuri sa ating Panginoon sa anumang paraan. Dalangin namin na gabayan ka palagi ng ating Mahal na Ina, at patuloy kang basbasan ni San Jose sa lahat ng iyong mga bagong mithiin at ginagawa.

Mananatili kang bahagi ng aming himig at kuwento. πŸ™πŸ’™

Mula sa Oyayi ni San Jose Youth Choir Family, isang masaya at pinagpalang kaarawan sa iyo! πŸŽ‚βœ¨




ππ€π€ππ˜π€π˜π€ | Sa pagsisimula ng Banal na Triduo, ating ginugunita bukas, Huwebes Santo, ang Huling Hapunan ng Panginoon, an...
01/04/2026

ππ€π€ππ˜π€π˜π€ | Sa pagsisimula ng Banal na Triduo, ating ginugunita bukas, Huwebes Santo, ang Huling Hapunan ng Panginoon, ang makabuluhang sandali kung saan itinatag ang Banal na Eukaristiya at ang paglilingkod bilang tanda ng Kanyang pagmamahal.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga banal na gawain:
4:30 PM – Banal na Misa
6:00 PM – Pagtatanod sa Banal na Eukaristiya

Halina’t sama-sama tayong magnilay at makibahagi sa dakilang misteryo ng pagmamahal at sakripisyo ng ating Panginoon.

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring i-follow ang page ng San Jose Manggagawa Parish Marikina:
https://www.facebook.com/SJMPMarikina




ππ€π€ππ˜π€π˜π€ | Unti-unti nang nalalapit ang pinakahihintay na araw ng pagdiriwang ng ika-17 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng O...
31/03/2026

ππ€π€ππ˜π€π˜π€ | Unti-unti nang nalalapit ang pinakahihintay na araw ng pagdiriwang ng ika-17 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Oyayi ni San Jose Youth Choir na gaganapin sa darating na Abril 10, 2026.

Sa bawat araw na lumilipas, lalo nating inaabangan ang makabuluhang selebrasyon na magsisilbing paggunita sa 17 taon ng pag-awit, paglilingkod, at pagkakaisa ng mga kabataang Oyayi. Maraming alaala, karanasan, at tagumpay ang nabuo sa paglipas ng panahon na patuloy nating pinapahalagahan bilang isang pamilya sa musika at pananampalataya.

Samahan ninyo kami habang unti-unti nating binibilang ang mga araw patungo sa espesyal na pagdiriwang na itoβ€”isang pagkakataon upang magpasalamat, magbalik-tanaw, at ipagpatuloy ang ating misyon ng pag-awit para sa Diyos at kay Tata Jose.




ππ€π€ππ˜π€π˜π€ | Bukas, Mapagpalang Miyerkules Santo, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa banal na pagdiriwang bilang pagpapa...
31/03/2026

ππ€π€ππ˜π€π˜π€ | Bukas, Mapagpalang Miyerkules Santo, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa banal na pagdiriwang bilang pagpapatuloy ng ating pagninilay sa gitna ng Mahal na Araw.

Magkakaroon ng Banal na Misa sa ganap na:
7:00 AM

Halina’t sama-sama tayong magnilay at manalangin bilang paghahanda sa mga darating na mahalagang araw ng ating pananampalataya.

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring i-follow ang page ng San Jose Manggagawa Parish Marikina:
https://www.facebook.com/SJMPMarikina




On Maundy Thursday, April 2, 2026, the faithful are invited to gather at the International Shrine of Our Lady of Peace a...
30/03/2026

On Maundy Thursday, April 2, 2026, the faithful are invited to gather at the International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, the Antipolo Cathedral, for the Chrism Mass. At 7:00 AM, the Most Rev. Ruperto C. Santos, D.D., will solemnly bless the holy oilsβ€”sacred signs of healing, strength, and consecrationβ€”that will be used throughout the year in the sacraments of the Church. This liturgy stands as a profound moment of grace and unity, as priests renew their vows of service and the people lift their prayers for the sanctification of the Church.

Come and be part of this holy celebration, where Christ’s love is poured out like oil, binding us together in faith, mission, and communion. Let us join hearts and voices in this sacred gathering, to witness the outpouring of God’s grace and to be strengthened in our call to serve and proclaim His kingdom.

ππ€π€ππ˜π€π˜π€ | Bukas, Martes Santo, patuloy nating ginugunita ang Pagpapakasakit ng Panginoon bilang bahagi ng ating paglala...
30/03/2026

ππ€π€ππ˜π€π˜π€ | Bukas, Martes Santo, patuloy nating ginugunita ang Pagpapakasakit ng Panginoon bilang bahagi ng ating paglalakbay sa Mahal na Araw. Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga banal na gawain bilang pagninilay at pagpapalalim ng ating pananampalataya.

Narito ang mga gawain
4:30 PM – Banal na Misa
6:00 PM – Prusisyon

Halina’t sama-sama tayong makibahagi sa mga gawaing ito bilang pag-alala sa sakripisyo ng ating Panginoon para sa ating kaligtasan.

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring i-follow ang page ng San Jose Manggagawa Parish Marikina:
https://www.facebook.com/SJMPMarikina




Address

Chorillo, Barangka
Marikina City
1830

Opening Hours

Monday 6am - 12:15pm
1:30pm - 8:15pm
Tuesday 6am - 12:15pm
1:30pm - 8:15pm
Wednesday 6am - 12:15pm
1:30pm - 8:15pm
Thursday 6am - 12:15pm
1:30pm - 8:15pm
Friday 6am - 12:15pm
1:30pm - 8:15pm
Saturday 6am - 12:15pm
1:30pm - 8:15pm
Sunday 6am - 12:15pm
1:30pm - 8:15pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Oyayi ni San Jose Youth Choir posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share