Deboto Ni Tata Tonio

Deboto Ni Tata Tonio Ang Deboto ni Tata Tonio ay binubuo Ng buong Sambayanan Ng Kalumpang. Nabuo ito noong Panahon ni Bishop Noly Buco na Siya Ang kura Paroko ng ating Parokya.

Ang Samahan Ang nag aasikaso sa Imahen at sa karo ni Tata Tonio sa tuwing kasama Siya sa prusisyon.

Bilang pakikiisa sa ating mahal na patron na si Tata Tonio at sa ating Mahal na Birhen ng Nuestra Señora de los Desampar...
22/05/2026

Bilang pakikiisa sa ating mahal na patron na si Tata Tonio at sa ating Mahal na Birhen ng Nuestra Señora de los Desamparados, buong puso naming inaanyayahan ang lahat ng mga deboto na makiisa sa gaganaping Grand Solemn Procession. Ito ay bilang pagdiriwang ng 4th Saturday Devotion ng Nuestra Señora de los Desamparados.

Muli nating tunghayan ang muling pagsibol ng tradisyong nagbigay kulay sa ating kasaysayan ang sunduan nina Tata Tonio a...
15/05/2026

Muli nating tunghayan ang muling pagsibol ng tradisyong nagbigay kulay sa ating kasaysayan ang sunduan nina Tata Tonio at Tata Roque. Isang itong banal na gawi na nakaukit na sa ating kamalayan at nagsisilbing kaluluwa ng ating pistang bayan.

Itinakda ang mahalagang tagpong ito sa ikadalawampu’t tatlo ng Mayo sa kahabaan ng kalye Mabini. Ang banal na pagpapatuloy ng sunduan ay magtutungo sa Dambana at Parokya ng Nuestra Señora de los Desamparados, kung saan magsisimula ang dakila at solemne na Grand Solemn Procession.

Viva, Tata Tonio!
Viva, Tata Roque!

Maligayang Kapistahan po sa Mahal na Birhen, ang Nuestra Señora de los Desamparados!Mula sa samahan ng Deboto Ni Tata To...
12/05/2026

Maligayang Kapistahan po sa Mahal na Birhen, ang Nuestra Señora de los Desamparados!

Mula sa samahan ng Deboto Ni Tata Tonio, taus-puso po naming ipinapaabot ang aming pagbati at pakikiisa sa pagdiriwang para kay Nuestra Señora de los Desamparados, ang mapagmahal na Birhen at mapagkalingang Ina ng Marikina.

Nawa’y patuloy niyang pagpalain, gabayan, at ingatan ang bawat pamilya at mamamayan ng Marikina sa ilalim ng kanyang mapag-arugang kamay. Sa panahon ng pagsubok at pangangailangan, manatili sanang matatag ang pananampalataya at pagkakaisa ng sambayanan sa tulong ng ating Mahal na Ina.

Viva Nuestra Señora de los Desamparados!
Mabuhay ang pananampalataya at debosyon ng sambayanang Marikenyo!

𝐓𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟓Monday, Last Week in Ordinary Time𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟐𝟏, 𝟏-𝟒+ 𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖...
24/11/2025

𝐓𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Monday, Last Week in Ordinary Time

𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟐𝟏, 𝟏-𝟒

+ 𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑘𝑎𝑦 𝑆𝑎𝑛 𝐿𝑢𝑐𝑎𝑠

Noong panahong iyon, nang tumingin si Hesus, nakita niya ang mayayamang naghuhulog ng kanilang kaloob sa lalagyan nito sa templo. Nakita rin niya ang isang dukhang babaing balo na naghulog ng dalawang kusing. Ang wika ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit kaysa kanilang lahat. Sapagkat bahagi lang ng di na nila kailangan ang kanilang ipinagkaloob, ngunit ibinigay ng balong iyon na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”

𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.



𝐓𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟓Saturday, Memorial of St. Cecilia𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟐𝟎, 𝟐𝟕-𝟒𝟎+ 𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙...
22/11/2025

𝐓𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Saturday, Memorial of St. Cecilia

𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟐𝟎, 𝟐𝟕-𝟒𝟎

+ 𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑘𝑎𝑦 𝑆𝑎𝑛 𝐿𝑢𝑐𝑎𝑠

Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo’y hindi naniniwala na muling bubuhayin ang mga patay. “Guro,” anila, “naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay. Gayun din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito: isa-isang napangasawa ng babae at pawang namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay naman ang babae. Sa muling pagkabuhay, sino po sa pito ang kikilalaning asawa niya yamang napangasawa niya silang lahat?”

Sumagot si Hesus, “Sa buhay na ito, ang lalaki at mga babae’y nag-aasawa, ngunit ang lalaki’t babaing karapat-dapat na muling buhayin para sa kabilang buhay ay hindi na mag-aasawa. Hindi na sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. At sila’y mga anak ng Diyos yamang muli silang binuhay. Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan hinggil sa nagliliyab na mababang punongkahoy, ang Panginoon ay tinawag niyang ‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay – sa kanya’y buhay ang lahat.” Sinabi ng ilan sa mga eskriba, “Magaling ang sagot ninyo, Guro!” At wala nang nangahas na magtanong sa kanya ng anuman.

𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.



𝐓𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓Friday, Thirty-third Week in Ordinary Time𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟏𝟗, 𝟒𝟓-𝟒𝟖+ 𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏...
21/11/2025

𝐓𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Friday, Thirty-third Week in Ordinary Time

𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟏𝟗, 𝟒𝟓-𝟒𝟖

+ 𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑘𝑎𝑦 𝑆𝑎𝑛 𝐿𝑢𝑐𝑎𝑠

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa templo at kanyang ipinagtabuyan ang mga nagtitinda. Sinabi niya sa mga ito, “Nasusulat: ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan.’ Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga magnanakaw.’”

Araw-araw, si Hesus ay nagtuturo sa loob ng templo. Pinagsikapan ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng mga pangunahin ng bayan na siya’y ipapatay. Subalit wala silang makitang paraan upang maisagawa ito, sapagkat taimtim na nakikinig sa kanya ang buong bayan.

𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.



𝐓𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟓Thursday, Thirty-third Week in Ordinary Time𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟏𝟗, 𝟒𝟏-𝟒𝟒+ 𝐴𝑛𝑔 𝑀...
20/11/2025

𝐓𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Thursday, Thirty-third Week in Ordinary Time

𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟏𝟗, 𝟒𝟏-𝟒𝟒

+ 𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑘𝑎𝑦 𝑆𝑎𝑛 𝐿𝑢𝑐𝑎𝑠

Noong panahong iyon, nang malapit na si Hesus sa Jerusalem at matanaw niya ang lungsod, ito’y kanyang tinangisan. Sinabi niya, “Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makapagdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit lingid ito ngayon sa iyong paningin. Sapagkat darating ang mga araw na paliligiran ka ng kuta ng iyong mga kaaway, kukubkubin at gigipitin sa magkabi-kabila. Wawasakin ka nila, at lilipulin ang mga anak mo sa loob ng iyong muog. At ni isang bato’y wala silang iiwan sa ibabaw ng kapwa bato, sapagkat hindi mo pinansin ang pagdating ng Diyos upang iligtas ka.”

𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.



19/11/2025

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | Narito ang ruta ng prusisyon sa 𝐍𝐨𝐛𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝟎𝟐:𝟑𝟎𝐏𝐌 para para sa pagdiriwang ng 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐡𝐚𝐫𝐢 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐬𝐮𝐤𝐫𝐢𝐬𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐥𝐢𝐛𝐮𝐭𝐚𝐧. Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makibahagi.

Hinihikayat po ang bawat sambahayan na lumuhod kapag dumaan ito sa inyong mga tahanan bilang tanda ng ating pananampalataya at pagkilala sa presensya ng Panginoon.

Ang lahat po ay hinihikayat na maglagay ng larawan ng Kristong Hari sa kanilang mga tahanan.




𝐓𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟓Wednesday, Thirty-third Week in Ordinary Time𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟏𝟗, 𝟏𝟏-𝟐𝟖+ 𝐴𝑛𝑔 ...
19/11/2025

𝐓𝐈𝐍𝐀𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐇𝐀𝐘 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Wednesday, Thirty-third Week in Ordinary Time

𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 | 𝐋𝐮𝐜𝐚𝐬 𝟏𝟗, 𝟏𝟏-𝟐𝟖

+ 𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑘𝑎𝑦 𝑆𝑎𝑛 𝐿𝑢𝑐𝑎𝑠

Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus ang isang talinghaga sa mga nakarinig ng una niyang pangungusap. Ginawa niya ito sapagkat malapit na siya sa Jerusalem, at ang akala ng mga tao ay itatatag na ang kaharian ng Diyos. Sabi niya: “May isang mahal na taong nagtungo sa malayong lupain upang gawing hari at magbalik pagkatapos niyon. Bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin. Binigyan niya ang mga ito ng tig-iisang salaping ginto at sinabihan sila, ‘Ipangalakal ninyo iyan hanggang sa pagbabalik ko.’ P**t na p**t naman sa kanya ang kanyang mga kababayan, kaya’t pagkaalis niya, nagsugo sila ng mga kinatawan upang sabihin sa kinauukulan: ‘Ayaw naming maging hari ang taong ito!’

“Ngunit ginawa ring hari ang taong iyon. Umuwi siya pagkatapos, at ipinatawag ang mga aliping binigyan niya ng salaping ginto, upang malaman kung gaano ang tinubo ng bawat isa. Lumapit sa kanya ang una at ang sabi, ‘Panginoon, ang salapi ninyong ginto ay nagtubo ng sampu.’ ‘Magaling,’ sagot niya. ‘Mabuting alipin! Yamang naging matapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa sampung bayan.’ Lumapit ang ikalawa at ang sinabi, ‘Panginoon, ang inyong salaping ginto ay nagtubo ng lima.’ At sinabi niya sa kanya, ‘Mamamahala ka sa limang bayan.’ Lumapit ang isa pang alipin at nagsabi, ‘Panginoon, heto po ang inyong salaping ginto. Binalot ko po sa panyo at itinago. Natatakot po ako sa inyo, sapagkat napakahigpit ninyo; kinukuha ninyo ang hindi sa inyo, at inaani ang hindi ninyo inihasik.’ Sinagot siya ng kanyang panginoon, ‘Masamang alipin! Sa salita mong iyan kita hahatulan. Alam mo palang ako’y mahigpit. Sinabi mo, kinukuha ko ang hindi sa akin at inaani ko ang hindi ko inihasik. Bakit hindi mo inilagay sa bangko ang aking salapi? Pagbabalik ko, sana’y may tinubo ang puhunang ito.’ At sinabi niya sa mga naroroon, ‘Kunin ninyo sa kanya ang salaping ginto, at ibigay sa may sampu.’ ‘Panginoon, siya po’y mayroon nang sampung salaping ginto!’ wika nila. ‘Sinasabi ko sa inyo: ang bawat mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Tungkol naman sa mga kaaway kong aayaw na ako’y maghari sa kanila – dalhin ninyo dito at patayin sa harapan ko!’”

Pagkasabi nito, nagpauna si Hesus patungong Jerusalem.

𝐴𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.



𝐓𝐑𝐈𝐕𝐈𝐀 𝐎𝐍 𝐅𝐀𝐈𝐓𝐇 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟓𝑨𝑳𝑨𝑴 𝑴𝑶 𝑩𝑨? Si San Antonio ng Padua ay isinilang sa Lisbon, Portugal, at tinawag na "...
18/11/2025

𝐓𝐑𝐈𝐕𝐈𝐀 𝐎𝐍 𝐅𝐀𝐈𝐓𝐇 | 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟓

𝑨𝑳𝑨𝑴 𝑴𝑶 𝑩𝑨? Si San Antonio ng Padua ay isinilang sa Lisbon, Portugal, at tinawag na "Santo ng Padua" dahil ginugol niya ang karamihan sa kanyang huling buhay at namatay doon. Ipinanganak siyang Fernando Martins de Bulhões noong 1195 sa isang mayamang pamilya sa Lisbon, at kalaunan ay sumali sa Franciscan Order, kaya naman malakas siyang nauugnay sa Italya.



Address

San Antonio De Padua Parish, Calumpang
Marikina City
1801

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deboto Ni Tata Tonio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share