Mare de Déu, la Virgen de los Desamparados de Marikina

Mare de Déu, la Virgen de los Desamparados de Marikina Welcome to the official devotional page of Nuestra Señora de los Desamparados, the titular Patroness of Marikina City, Philippines.

For more stories, please follow us on our media channels: (Facebook) and (TikTok).

Sa mga koleksyon ng larawan ay magugunita ang pakikilahok ng imahen ng Patrona ng Marikina, Nuestra Señora de los Desamp...
10/07/2026

Sa mga koleksyon ng larawan ay magugunita ang pakikilahok ng imahen ng Patrona ng Marikina, Nuestra Señora de los Desamparados, sa paglalakbay ng mga mananampalataya ng Diyosesis ng Antipolo.

Ika-4 ng Hulyo 2026, sa pagtitipon ng kabataang-layko ng ating Bikaryato dito sa Marikina noong naganap ang Vicariate Youth Assembly, mabiyayang nadama ng mga kabataan ang presensya ng Dakilang Ina ng Diyos bilang ang tagapag-akay patungo sa Panginoon.

Ika-7 ng Hulyo 2026, kasama ang mga Patron ng mga Parokya sa Diyosesis ng Antipolo upang agapayan ang Birhen ng Antipolo, naging bahagi ang kanyang imahen sa Maringal na Prusisyon bilang pagwawakas ng "Pilgrimage Season" sa Katedral ng Antipolo.

Mula sa mga gawaing ito, matatagpuan ang sentro ng debosyong ito—na si Maria ay ating kalakbay patungo sa pagluhog sa kanyang Anak na si Hesus—ang Panginoong daluyan ng biyaya at awa.


Mabangong alay sa  ! 🙏🥀❤️
04/07/2026

Mabangong alay sa ! 🙏🥀❤️


04/07/2026

Tara na muli sa Antipolo!

Makiisa at samahan natin ang ating Mahal na Ina, ang Nuestra Señora de los Desamparados, sa Maringal na Prusisyon para sa pagtatapos ng Pilgrimage Season sa darating na Martes, Hulyo 7, 2026, sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, Antipolo City.

Magsisimula ang Banal na Misa sa ganap na 5:00 ng hapon, na susundan ng Maringal na Prusisyon sa 7:15 ng gabi.

Halina at magsama-sama tayong ipagpatuloy ang ating paglalakbay bilang mga deboto at mananampalataya. Ipagkatiwala natin sa ating Mahal na Ina ang ating mga panalangin, pasasalamat, at mga kahilingan, habang sabay-sabay nating ipinagdiriwang ang pagtatapos ng Panahon ng Pamamanata.

Kita-kits sa Antipolo! Viva La Virgen!





"Ampunin, O Mapanglunas, sa sakit naming dinaranas; kaluluwa ay maligtas, O Remedio na binibigkas!"  sa buwan ng Hunyo s...
28/06/2026

"Ampunin, O Mapanglunas, sa sakit naming dinaranas; kaluluwa ay maligtas, O Remedio na binibigkas!"

sa buwan ng Hunyo sa karangalan ng Nuestra Señora de los Desamparados—pinipintakasing Ina at Patrona ng Lungsod ng Marikina.


Mga kapatid, ating masdan ang mga handog sa Dakilang Patrona ng Lungsod ng Marikina! Makikita sa unang larawan ang malik...
27/06/2026

Mga kapatid, ating masdan ang mga handog sa Dakilang Patrona ng Lungsod ng Marikina!

Makikita sa unang larawan ang malikhaing DIY Craft ng Nuestra Señora de los Desamparados, mula sa gawa at dulot ng pagdedebosyon ni Heri Dizon ng Rodriguez, Rizal. Mula sa tulong ng mga elemento ng sining, nakakitaan ng biswal na representasyon ang Mahal na Birhen sa pamamagitan ng mga materyal na bagay.

Sa ikalawang larawan ay ating makikita ang "tabletop image" ng ating minamahal na Ina, na nasa pag-aari ni Jude Carlo Purisima ng Las Piñas City. Ito ay tumatayo sa taas na 10 pulgada at yari sa 'fiber-glass resin'—imahen na magiging bahagi ng debosyon ng kanyang pamilya sa ating masintahing Ina.

Handa na ang imahen ng Patrona ng Lungsod ng Marikina, Nuestra Señora de los Desamparados, para sa buwanang   sa buwan n...
27/06/2026

Handa na ang imahen ng Patrona ng Lungsod ng Marikina, Nuestra Señora de los Desamparados, para sa buwanang sa buwan ng Hunyo.

Sisimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Banal na Misa, dakong alas-kuwatro imedya ng hapon, na susundan ng Prusisyon sa karangalan ng Patrona.

  | Tayo ay mag-ukol ng sandali para sa pananalangin, sa pagsapit ng ating buwanang pamimintuho sa Patrona ng Lungsod ng...
27/06/2026

| Tayo ay mag-ukol ng sandali para sa pananalangin, sa pagsapit ng ating buwanang pamimintuho sa Patrona ng Lungsod ng Marikina!

Sa araw ng pagdedebosyong ito, inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa pagsamba sa Panginoong Hesukristo; sa Banal na Misa dakong alas-kwatro imedya ng hapon, na susundan ng Prusisyon sa karangalan ng Patrona. Sama-sama nating ipahayag ang pag-ibig ng Diyos, at Siya ay pasalamatan sa pagkakaloob sa atin kay Mariang Ina ni Hesukristo—ang maluwalhating Birhen ng Marikina.

Nuestra Señora de los Desamparados,
—ipanalangin mo kaming lagi kay Hesus!

Masdan sa mga kuhang larawan ang bagong replikang imahen ng Nuestra Señora de los Desamparados—ang Dakilang Ina ng Pangi...
26/06/2026

Masdan sa mga kuhang larawan ang bagong replikang imahen ng Nuestra Señora de los Desamparados—ang Dakilang Ina ng Panginoong Hesukristo—ang Reyna at Patrona ng Lungsod ng Marikina.

Ang imaheng ito na ikaapat na replika ng Birhen ng Marikina ay inihandog sa Simbahan ng magkakasamang grupo ng indibidwal sa pangunguna ng Kgg. Del R. de Guzman—Pangulo ng Hermandad de Seguidores de la Virgen de Marikina at ngayo'y Bise-Alkalde ng Lungsod ng Marikina. Kasama ng bago nitong andas, nakatakda itong gamitin para sa mga natatanging gawain ng debosyon lalo't partikular tuwing buwanang 4th Saturday Devotion.

Viva la Virgen de los Desamparados!


26/06/2026

Tuloy ang buwanang debosyon para sa ating Mahal na Ina, ang Nuestra Señora de los Desamparados.

Inaanyayahan po ang lahat ng mananampalataya na makibahagi sa 4th Saturday Devotion bilang pagpupugay at pagpaparangal sa ating mapagmahal na Ina ngayong June 27, 2026.

Magkakaroon ng Banal na Misa sa ganap na ika-4:30 ng hapon, na susundan ng prusisyon sa ganap na ika-5:30 ng hapon.

Halina at sama-sama nating ipagkatiwala sa Mahal na Birhen ang ating mga panalangin, pasasalamat, at mga hinaing.

Nuestra Señora de los Desamparados, ipanalangin mo kami!
Viva La Virgen!




Ngayong araw, matamis nating ipinagdiriwang at inaalala sa kasaysayan—43 taon ang makalipas, ang pagkakatatag ng Romano ...
25/06/2026

Ngayong araw, matamis nating ipinagdiriwang at inaalala sa kasaysayan—43 taon ang makalipas, ang pagkakatatag ng Romano Katolikong Diyosesis ng Antipolo noong ika-25 ng Hunyo 1983.

Ang ngayo'y ikatlong pinakamalaking Diyosesis ng bansa, at kinapapalooban ng 83 Parokya mula sa Lalawigan ng Rizal at Lungsod ng Marikina, ay naitatag bilang hiwalay na Diyosesis sa Arkidiyosesis ng Maynila sa bisa ng pasya ng Papa Juan Pablo II noong ika-24 ng Enero 1983. Sa kasalukuyan, mula sa limang Obispong Pastol nito at sampung Bikaryato, ito ay puspos na nagsisilbi para sa mahigit-kumulang 3 milyong Kristiyanong Katoliko sa bansa.

Sa loob ng apatnapu't tatlong taon, patuloy na ginagampanan ng Diyosesis ng Antipolo ang misyon ng ebanghelisasyon sa pamamagitan ng paglilingkod, pagkakawanggawa, at paggabay sa sambayanan ng Diyos sa landas ng kabanalan. Nawa'y patuloy na magpala ang Diyos sa ating Diyosesis upang lalo pa itong maging tanglaw at instrumento ng pananampalataya at pag-asa para sa mga susunod na salinlahi tungo sa mas malalim na pakikipag-isa kay Kristo, sa patnubay ng Mahal na Birheng Maria.

Mabuhay ang Diyosesis ng Antipolo!

📸: OLA SOCOM (2025)


Address

J. P. Rizal Street , Corner V. Gomez St. Brgy. Sta. Elena
Marikina City
1800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mare de Déu, la Virgen de los Desamparados de Marikina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share