Santa Marta De Betania - IFI Sto. Niño de Marikina

Santa Marta De Betania - IFI Sto. Niño de Marikina Ito ang opisyal na page ng Santa Marta De Betania ng Iglesia Filipina Independiente, Parokya ng Santo Niño de Marikina.

Sa pangangalaga ng Pamilya Rivera o Angkan ng Kalapati. Ang kaunaunahang Santa Marta De Betania sa lungsod ng Marikina.

Maligayang Kapistahan ni San Simon Makabayan!Isa sa labindalawang apostol ni Hesus, si San Simon ay kilala sa kanyang ma...
27/10/2025

Maligayang Kapistahan ni San Simon Makabayan!
Isa sa labindalawang apostol ni Hesus, si San Simon ay kilala sa kanyang masidhing pagmamahal sa Diyos at sa kanyang bayan.
Nawa’y tularan natin ang kanyang sigla ng pananampalataya, katapatan sa misyon ni Kristo, at puso ng tunay na paglilingkod.

Panalangin kay San Simon ang Taga-Sigasig (San Simon Makabayan)

Aming mapagmahal na Diyos,
ipinagkaloob Mo kay San Simon ang alab ng pananampalataya at ang tapang upang ipahayag ang Mabuting Balita.
Tulungan Mo kaming tularan ang kanyang sigasig sa paglilingkod at katapatan sa Iyo, kahit sa gitna ng mga pagsubok.

San Simon Makabayan, apostol ni Kristo, ipanalangin mo kami upang maging matatag sa pananampalataya,
masigasig sa paggawa ng kabutihan, at tapat sa aming pagtugon sa tawag ng Diyos.

Nawa’y ang iyong halimbawa ay magbigay-inspirasyon sa amin na mahalin ang Diyos nang buong puso,
at maglingkod sa kapwa nang may kababaang-loob at malasakit.

San Simon Makabayan, ipanalangin mo kami.
Amen.

Larawan mula sa Prusisyon ng Linggo ng Muling Pagkabuhay 2025:
Sa pangangalaga nila Gng. Kalayaan Suarez at Pamilya Cruz

Ang mga tao sa likod ng maayos na paglabas ng Santa Marta De Betania - IFI Sto. Niño de Marikina
29/07/2025

Ang mga tao sa likod ng maayos na paglabas ng Santa Marta De Betania - IFI Sto. Niño de Marikina

Ngayong araw ay ginugunita natin si Santa Marta, matalik na kaibigan ni Hesus at kapatid nina Maria at Lazaro. Isang huw...
28/07/2025

Ngayong araw ay ginugunita natin si Santa Marta, matalik na kaibigan ni Hesus at kapatid nina Maria at Lazaro. Isang huwaran ng pananampalataya, paglingap, at pagtulong, si Marta ay paalala sa atin ng kahalagahan ng paglilingkod na may pagmamahal.

“Opo, Panginoon,” sagot niya, “ako’y sumasampalatayang ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na paririto sa sanlibutan.” – Juan 11:27

Bilang patrona ng mga maybahay, kusinera, at lahat ng naglilingkod, nawa’y tularan natin ang kanyang tapang at pananalig sa Diyos, lalo na sa panahon ng pagsubok.

Santa Marta de betania, ipanalangin mo kami!

📷DC Photography PH
Dan Rafael Cruz

Address

7 Rodriguez Avenue
Marikina City
1800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Marta De Betania - IFI Sto. Niño de Marikina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share