12/01/2024
Bilang bahagi pa rin ng ating pagdiriwang ng 9TH Sambayaw Festival alay sa Dakilang Kapistahan ng ating Mahal na Patron, Señor Santo Niño de Marikina, ating isasagawa ang KALINGA NI SANTO NIÑO. Ito ay ang taunang pagpapaabot ng tulong sa mga kapatid nating nasa lansangan. Sinasalamin ng proyektong ito ang pagkapantay-pantay natin bilang isang sambayanan ng Diyos.
Sa mga nais magpaabot ng tulong at donasyon, magtungo lamang sa Opisina ng ating Parokya o 'di kaya'y tumawag sa numerong: (02) 8234 5837.