08/03/2026
Kahapon ay naging makabuluhan at puno ng pagninilay ang pagtitipon ng samahan sa MAS Brotherhood ng Ministry of Altar Servers ng San Antonio de Padua Parish.
Naging tampok sa programa ang seminar na may temang Servire Cum Humilitate โ isang paalala sa bawat sakristan na ang tunay na paglilingkod sa altar ay hindi nasusukat sa galing o sa dami ng nagagawa, kundi sa kababaang-loob ng pusong handang maglingkod.
Lubos naming ipinagpapasalamat ang pagbabahagi ng karunungan at karanasan ng ating bisitang tagapagsalita na si Greatian Lagunday Dela Cruz, na nagbigay-liwanag sa kahalagahan ng pagiging lingkod ng altar na may pananampalataya, disiplina, at pagpapakumbaba.
Sa bawat sakristan ni Tata Tonio, ang seminar na ito ay hindi lamang isang pagtitipon kundi isang paalala na ang paglilingkod sa simbahan ay isang bokasyonโisang pagtugon sa tawag ng Diyos. Nawaโy patuloy nating dalhin ang diwa ng Servire Cum Humilitate sa bawat Misa, sa bawat tungkulin, at sa bawat hakbang ng ating paglilingkod.