04/09/2025
Isang malungkot na katotohanan. Kapag nagpopost at nagvvlog ka ng patungkol sa Diyos at sa Gospel, walang pumapansin, pero kapag ang kini content mo ay puro kalokohan, katatawanan at puro kabastusan, napapansin ka at minsan pa nga sineshare pa nila yung content mo. Mas mabuti pa na walang pumapansin sayo, sa ginagawa mo para sa Panginoon, walang pumapalakpak sayo. Dahil ang pinaka masarap ay yung mismong Diyos ang pumapalakpak sayo dahil sa ginagawa mo para sa kanya , na kahit walang pumapansin sa ginagawa mo patungkol sa Diyos ay hindi mawawalan ito ng kabuluhan. Dahil totoo nga ang sinasabi ng salita Niya na mas gusto ng mga tao ang papuri galing sa kapwa nila kaysa ang papurihan ang may likha sa kanila.
John 12:43
-Mas ginusto nilang parangalan sila ng tao kaysa parangalan ng Diyos.