02/06/2026
Handa na ba ang Kabataan ni Tata Tonio?!
Bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng ating mahal na patron, San Antonio de Padua, inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa Fiesta Palaro 2026! Isang umaga ng saya, kwentuhan, pagkakaisa, at sama-samang pagdiriwang bilang isang pamayanan.
Sa temang “Masayang Kabataan, Masiglang Pamayanan,” sama-sama nating buhayin ang diwa ng pista hindi lamang sa pamamagitan ng kasiyahan, kundi sa pagbuo ng mas matibay na samahan bilang kabataan at komunidad.
June 12, 2026
8:00 AM – 11:00 AM
La Purisima Chapel
Kaya tara na! Magsama ng tropa, magdala ng energy, at makisaya. Dahil mas masaya ang pista kapag sama-sama. Kita-kits!