20/05/2026
Sama-sama sa Marikina Grand Lutrina! Tena sa natatanging pagtitipon ng karu-karuhan! 🥰
Ang bukod-tanging tradisyon ng mga bata sa Marikina ay magkakaroon ng kauna-unahang prusisyon na magkakasama ang mga grupo sa komunidad. Ito ay binubuo ng mga pangkat ng Lutrina Marikina, Batang Kubo Lutrina at San Roque Traditional Lutrina.
Halina sa May 30, Sabado, 6:00 PM. Magsisimula ito sa Banal na Misa sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de los Desamparados at susunduan ng prusisyon.
Bilang isang komunidad ng mga Katolikong Marikenyo, halina't ipagdiwang ang panata at tradisyon ng mga kabataang Marikenyo! ❤️