Immaculate Conception Parish Marikina

Call Directions Contact the place of worship

Immaculate Conception Parish  Marikina The Official Page of the Immaculate Conception Parish, Concepcion Uno, Marikina City. The parish is under the pastoral care of Rev. Fr. Joselito A. Santos.
(260)

The church is under the Vicariate of Our Lady of the Abandoned, Diocese of Antipolo.

[PAANYAYA] VENI SANCTE SPIRITUSNgayong darating na Disyembre 4, 2026, ang ating parokya ay magkakaloob ng Sakramento ng ...
01/10/2026

[PAANYAYA] VENI SANCTE SPIRITUS

Ngayong darating na Disyembre 4, 2026, ang ating parokya ay magkakaloob ng Sakramento ng Kumpil para sa taunang "Kumpilang Pamparokya", kung kaya't ang lahat ay inaanyayahan na tumanggap ng napakahalagang sakramentong ito bilang mga Katolikong Mananampalataya.

Ang mga Kinakailangan ay ang mga sumusunod:
•Ang Estudyante ay dapat Grade 6 pataas at nakatanggap na ng Banal na Komunyon
•Baptismal Certificate (Original) na may anotasyon na "FOR CONFIRMATION"
•First Communion Certificate

Ang lahat ng mga nagnanais magpalista at para sa iba pang mga impormasyon at katanungan, ang lahat po ay hinihikayat na MAGPUNTA LAMANG SA OPISINA NG PAROKYA.

Mahigpit na ipinapabatid na:
•Kailangan ang magulang ang magpaparehistro at makikipag-transaksiyon sa Opisina ng Parokya
•Kung wala ang magulang ay magtalaga ng "AUTHORIZED PERSON" kasama ang inyong Printed Authorization Letter at ID para sa pagrerehistro
•Kung may mga katanungan sa isipan, tanging sa Opisina lamang ito isangguni para maiwasan ang kalituhan sa impormasyon.

DEADLINE OF REGISTRATION: NOVEMBER 25, 2026

Halina at tanggapin natin sa ating buhay ang Banal na Espiritu ng Diyos at panahanin Siya sa ating mga puso!



28/09/2026

Pag-aalay ng Banal na Misa para sa Pagdating ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, Birhen ng Antipolo sa Diyosesis ng San Fernando. Ang punong tagapagdiwang ay si Lbhg-Kgg Daniel C. Presto, D.D. Obispo ng San Fernando, La Union.

For your Donation/ Mass Intention:
METROBANK PARANG-MARIKINA
RCABAN HOLY FAMILY PARISH FUND
382-7-382007669

[UPDATE] Dumating na ang ating Mahal na Birhen ng Antipolo, kasama ang mga delegado ng Bikaryato ng Mahal na Ina ng mga ...
28/09/2026

[UPDATE] Dumating na ang ating Mahal na Birhen ng Antipolo, kasama ang mga delegado ng Bikaryato ng Mahal na Ina ng mga Walang Mag Ampon sa La Union.




𝗞𝗮𝗯𝗹𝗮𝗮𝘄, 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶ó𝗻!Sa biyaya at pagpapala ng Diyos, ang mapaghimalang imahen ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting...
27/09/2026

𝗞𝗮𝗯𝗹𝗮𝗮𝘄, 𝗟𝗮 𝗨𝗻𝗶ó𝗻!

Sa biyaya at pagpapala ng Diyos, ang mapaghimalang imahen ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, Birhen ng Antipolo, ay maglalakbay patungo sa makasaysayang Diyosesis ng San Fernando, La Union para sa Viaje ng Birhen.

Halina’t buong pagmamahal nating samahan ang ating Mahal na Ina sa kanyang sa Setyembre 28, 29, at 30, sa pangunguna ng nagkakaisang Bikaryato ng Mahal na Ina ng mga Walang Mag-Ampon, Lungsod ng Marikina.

Sama-sama nating ipanalangin ang paglalakbay na ito bilang isang pagkakataon ng pananampalataya, pagkakaisa, at pag-aalay sa ating Mahal na Ina.

Viva la Virgen!

26/09/2026

LIVE: Opening Mass for the Celebration of the National Laity Week from the Nativity of Our Lady Parish, Marikina City, Diocese of Antipolo

Mass Presider: Most Rev. Ruperto C. Santos, D.D., Bishop of Antipolo

MALIGAYANG PAGDATING, MGA PEREGRINO!Sa darating na Sabado, Setyembre 26, 2026 ay maglalakbay ang mga minamahal na peregr...
24/09/2026

MALIGAYANG PAGDATING, MGA PEREGRINO!

Sa darating na Sabado, Setyembre 26, 2026 ay maglalakbay ang mga minamahal na peregrino—mga delegado ng National Council for the Laity Conference na nagmula sa iba’t ibang panig ng ating bansa.

Sa inyong paglalakbay para sa Jubilee Pilgrimage: Road of Hope, kagalakan naming buksan ang mga pintuan ng Parokya ng Immaculada Concepcion, bilang isa sa mga Jubilee Churches, upang maging tahanan ninyo sa pananalangin, pagninilay, pagkakapatiran, at pag-asa.

Tunay na napakaganda ng pagkakataong magsama-sama ang mga laykong naglilingkod sa Simbahan mula sa iba’t ibang lugar—nagkakaisa sa iisang pananampalataya, iisang misyon, at iisang pag-asa kay Kristo.

Mga kapatid na peregrino, maligayang pagdating sa aming parokya!
Nawa’y maging makabuluhan, masaya at mapagpala ang inyong paglalakbay. Sama-sama nating tahakin ang Road of Hope, dala ang liwanag ng pananampalataya at pag-asa sa ating kapwa.

Mabuhay ang mga Laykong Lingkod ng Simbahan!
Maligayang pagdating sa Parokya ng Immaculada Concepcion!






24/09/2026
[ANNOUNCEMENT] Schedule of Masses for the Feast of Saint Pio of Pietrelcina
22/09/2026

[ANNOUNCEMENT] Schedule of Masses for the Feast of Saint Pio of Pietrelcina

Address

Bayan-bayanan Avenue Concepcion Uno
Marikina City
1807

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Telephone

+63289414870

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Immaculate Conception Parish Marikina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Immaculate Conception Parish Marikina:

Shortcuts

Share