Fearless Catholic

Directions Contact the place of worship

Fearless Catholic Our ultimate goal in this life is to be holy by being One with Christ. Come and join us by clicking like and follow!

EBANGHELYO NGAYONOktubre 2, 2026.Paggunita sa mga Banal na Anghel na TagatanodMABUTING BALITALucas 10, 13-16Ang Mabuting...
02/10/2026

EBANGHELYO NGAYON

Oktubre 2, 2026.

Paggunita sa mga Banal na Anghel na Tagatanod

MABUTING BALITA
Lucas 10, 13-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon sinabi ni Hesus, “Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, disin sana’y malaon na silang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo upang ipakilalang sila’y nagsisisi. Sa Araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa kaparusahan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum,
Ibig mong mataas hanggang sa langit?
Ibabagsak ka sa Hades!
“Ang nakikinig sa inyo’y nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyo’y nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Ang mga anghel natin ay isinugo ng Diyos upang tayo ay bantayan para makasunod sa kalooban ng Diyos. Ang pakay nila ay tayo ay maging banal. Ang pakay nila, tayo ay makabalik sa Ama. Dapat nating iayon ang pakay nila sa ating pakay dahil kung ang layunin natin ay sundin ang sariling kalooban, at hindi ang Diyos, hindi tayo matutulungan ng ating mga anghel. Hinding hindi tayo matutulungan ng anghel sa paggawa ng masama. Sapagkat lahat tayo ay may sariling kalayaan at konsensiya. Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan na pumili ng mabuti at masama. Ang magagawa lamang ng ating anghel ay payuhan tayo at laging paalalahanan ng tama at mali, kung tayo ay bukas sa kanilang inspirasyon. Magiging bukas lamang tayo sa kanilang inspirasyon kung tayo ay naniniwala at nagdarasal. Maniwala tayo sa kabutihan at pag-ibig ng Diyos na nagtalaga ng isang anghel para sa gabayan tayo tungo sa kaligtasan. Humiling din tayo ng kababaang-loob nang sa gayon ay makasunod tayo sa Diyos sa pamamagitan ng tulong ng ating mga anghel at makasama nila sa Langit. Simula ngayon, maging bukas nawa ang ating pusong makinig at sundin ang ating mga anghel na nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng mga mabubuting inspirasyon na nagbibigay ng tunay na kapayaapan sa puso. Dito malalaman ang kalooban ng Diyos. Amen. +

Pagninilay ni: FMMJ

Pagbasa: Awit at Papuri Communications

Guardian Angels—Memorial:
https://mycatholic.life/saints/saints-of-the-liturgical-year/guardian-angels/?_gl=1*1f3ey2n*_ga*MTE0NDI0NTc5Ni4xNzU0ODEwMjA1*_ga_3M3Z1T3KZ8*czE3OTA4NzY4NzYkbzUzMSRnMSR0MTc5MDg3Njg5NSRqNDEkbDAkaDA.

What Catholics Believe:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Examination of Conscience and Guide to Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website of a Catholic Convert from atheism (Saint Beluga) on God and Catholic Miracles:
https://www.saintbeluga.org/

5 Hours Investigating the Strongest Miracle Evidence for Catholicism (Ethan Muse - Former Atheist):
https://youtu.be/tp1ivUSSz2s?si=fyaT0PKJKZhb3wNx

EBANGHELYO NGAYONSetyembre 30, 2026.Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng SimbahanMABUTING BALITALucas 9, 57-62A...
30/09/2026

EBANGHELYO NGAYON

Setyembre 30, 2026.

Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan

MABUTING BALITA
Lucas 9, 57-62

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang naglalakad sina Hesus at ang kanyang mga alagad, may taong nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.” Sumagot si Hesus, “May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.” Sinabi ni Hesus sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot ang tao, “Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang aking ama.” Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.” Sinabi naman ng isa, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Ang pagsunod kay Hesus ay hindi madali. Nangangailangan ito ng sakripisyo at pag-iwan ng ibang mga bagay para unahin ang Diyos. Kaya nga kung masyadong maraming ibang laman ang ating puso, tila mabigat sumunod. Kailangan muna natin itong bitiwan. Kailangan muna nating malaman kung ano ang tunay na mahalaga sa atin para tayo ay makasunod kay Hesus. Ito ang sabi Niya sa ebanghelyo ngayon. “Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.” Marahil ang pag-iiwan ay isang proseso. Unti-unti ang pagbitaw ngunit payak at tuloy tuloy. Magsisimula ito sa pagsasantabi ng oras para mas makapanalangin at sa pagtatabi ng pera at kaunting pagkain para ibigay sa ibang nangangailangan. Maari nating bawasan ng unti-unti ang para sa sarili para mas makapagbigay sa iba. Maari tayong magbawas ng mga bagay sa buhay na ginagawa para sa sarili (kagaya ng FB o Tiktok) para mas makausap ang Diyos sa panalangin. Sa prosesong ito, darating din ang oras na mas batak tayo sa sakripisyo at mas sanay na tayo sa pinagdaraanang hirap. Mas sanay na tayong bitawan ang para sa sarili kung kailangang maglingkod at tumugon sa tawag ng Diyos na lalong mas mapalapit sa Kanya. Ang tawag ng Diyos ay hindi maiaalis sa bawat isa sa atin ngunit may paraan para tayo ay ihanda Niya. Maging bukas lamang tayo rito. Amen. +

Pagninilay ni: FMMJ

Pagbasa: Awit at Papuri Communications

Saint Jerome, Priest and Doctor—Memorial:
https://mycatholic.life/saints/saints-of-the-liturgical-year/september-30--st-jerome-doctor/?_gl=1*194w36z*_ga*MTE0NDI0NTc5Ni4xNzU0ODEwMjA1*_ga_3M3Z1T3KZ8*czE3OTA3NDE5MjEkbzUyNiRnMSR0MTc5MDc0MTkzMCRqNTEkbDAkaDA.

What Catholics Believe:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Examination of Conscience and Guide to Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website of a Catholic Convert from atheism (Saint Beluga) on God and Catholic Miracles:
https://www.saintbeluga.org/

5 Hours Investigating the Strongest Miracle Evidence for Catholicism (Ethan Muse - Former Atheist):
https://youtu.be/tp1ivUSSz2s?si=fyaT0PKJKZhb3wNx

EBANGHELYO NGAYONSetyembre 27, 2026.Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)MABUTING BALITAMateo 21, 28-32Ang Mabuting...
27/09/2026

EBANGHELYO NGAYON

Setyembre 27, 2026.

Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

MABUTING BALITA
Mateo 21, 28-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at mga matatanda ng bayan: “Ano ang palagay ninyo rito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, ‘Anak, lumabas ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.’ ‘Ayoko po.’ tugon niya. Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa ikalawa at gayun din ang kanyang sinabi. ‘Opo’ tugon nito, ngunit hindi naman naparoon. Sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?” “Ang nakatatanda po,” sagot nila. Sinabi sa kanila ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang mga publikano at masasamang babae’y mauuna pa sa inyong pasakop sa paghahari ng Diyos. Sapagkat naparito sa inyo si Juan at ipinakilala ang matuwid na pamumuhay, at hindi ninyo siya pinaniwalaan. Ngunit pinaniwalaan siya ng mga publikano at ng masasamang babae. Nakita ninyo ito, subalit hindi pa rin kayo nagsisi at naniwala sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Marahil mas madalas na nauuna ang ating paghuhusga sa mga tao. Mas natural sa atin na makita ang pagkakamali nila kaysa sa pagkakamali natin. Ito ay isang kahinaan na ang mapagmataas nating sarili ang nagtutulak sa atin upang isipin na tayo ang nakakaangat sa kanila. Ganito nga rin ang nangyari sa ebanghelyo ngayong araw. Ang mga saserdote o mga pari, at ang mga matatanda ng bayan ay hindi naniniwala kay Hesus. Sa halip, nauuna pa silang maghusga sa Kanya. Ang pagsama ni Hesus sa mga publikano (mga opisyal sa sangkot sa korapsyon) at masasamang babae ay isa sa dahilan ng kanilang matinding paghuhusga. Subalit ang mga makasalanang ito na hinuhusgahan nila ay naniwala kay Hesus at nagbago dahil sa grasya at awa ng Diyos. Hindi sila nanatiling makasalanan noong nakilala nila si Hesus. Sa halip, tinalikuran nila ang lahat upang sumunod sa Kanya. Hinayaan nilang baguhin ng Diyos ang kanilang buhay habang ang mga mapaghusga ay nananatiling mapagmataas at naghuhusga. Hindi nila pinapasok si Hesus sa kanilang buhay. Hindi nabago ang kanilang sarili at buhay.

Mga kapatid, isa itong paalala na ang kailangan nating gawin ay tingnan ang sariling pagkakamali upang mabago rin ng Diyos ang ating buhay. Kababang loob ang susi upang makamtan natin ang tunay na kaligayahan sa Langit. Lahat tayo ay mga makasalanan at kailangang talikuran ang ating mga kasalanan. Kung hindi natin ito makita, tayo ay bulag at kailangan ng grasya ng Diyos upang makakita. Ang lahat ng makakamtan natin dito sa mundo ay panandalian lamang. Palakpakan man tayo ng tao, ito ay lilipas din. Ang dapat nating makuha ay ang pag-apruba ng Diyos sa atin at sa ating buhay. Kung hindi natin kayang magpakababa, humingi tayo ng grasya mula sa Diyos nang sa gayon ay tuluyang magbago ang ating buhay dahil nakilala natin Siyang tunay sa pamamagitan ng Kanyang awa. Ang taong mapagmataas ay nananatiling sarado sa kanyang sarili at tila may hinahanap na hindi niya alam at makita. Ang taong nagpapakababa ay iaangat ng Diyos at ipagtatanggol Niya. Amen. +

Pagninilay ni: FMMJ

Pagbasa: Awit at Papuri Communications

What Catholics Believe:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

Ultimate Catholic Parents Guide:
https://youtube.com/watch?v=Ls6IcexZAls

Examination of Conscience and Guide to Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website of a Catholic Convert from atheism (Saint Beluga) on God and Catholic Miracles:
https://www.saintbeluga.org/

5 Hours Investigating the Strongest Miracle Evidence for Catholicism (Ethan Muse - Former Atheist):
https://youtu.be/tp1ivUSSz2s?si=fyaT0PKJKZhb3wNx

27/09/2026

PROPER DRESS CODE ATTIRE FOR MASS

Modern culture has done a lot to erode away many of our traditions as well as decency and reverence. Although the Catholic Church has no real dress code for proper attire when attending Mass, there is an unwritten dress code that demands we are properly dressed out of Respect, Honor, and Reverence for the Real Presence of Our Lord.

There are TWO main reasons one should dress modestly and decently for Mass:
1. Out of respect for God.
2. In Order not to be a distraction or stumbling block to our fellow parishioners.

It is also a wonderful way to teach our children respect, honor and reverence.
Here is what the Catechism of the Catholic Church has to say about dressing properly for Mass:
“To prepare for worthy reception of this sacrament, the faithful should observe the fast required in their Church. Bodily demeanor (gestures, clothing) ought to convey the respect, solemnity, and joy of this moment when Christ becomes our guest.” – CCC 1387

Generally, we should be guided by a combination of virtue, common sense, and piety when deciding what to wear to Mass.
Ministers including cantors, instrumentalists, choristers, lectors, extraordinary ministers and hospitality should be particularly mindful of how they dress for Mass. They should be examples for our Parish. It is highly disrespectful to administer Holy Communion to the faithful while dressed in something like shorts or spaghetti strap tops.
Men/boys should be mindful to remove all headwear before entering the Church.

© saintluketheevangelist.org

This is not mean to say a discrimination for those who are poor and are not really able. But for those who can wear clean clothes everyday and can also eat everyday, this is our responsibility to give to God what is due to Him which is our utmost respect and reverence to Him and in His presence in His Sanctuary where He is most present.

PS:
Kung nagagawa nga nating mag-effort sa maraming bagay iyon pa kayang sa Diyos pa? At hindi naman ito mahirap gawin. Minsan ayaw lang talaga natin.
Uulitin ko, hindi ito para sa mga tao sa lansangan na wala nang maisuot. Huwag ninyo silang gawing basehan dahil sila ay wala nang choice sa buhay. Pero tayo na mayroon pa, sana piliin natin ang tama.
Kaawaan nawa tayo ng Diyos at bigyan ng lakas na makasunod sa Kanyang kalooban. Amen.

EBANGHELYO NGAYONHunyo 14, 2026.Ika-11 Linggo sa Karaniwang PanahonMABUTING BALITAMateo 9, 36 – 10, 8Ang Mabuting Balita...
14/06/2026

EBANGHELYO NGAYON

Hunyo 14, 2026.

Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon

MABUTING BALITA
Mateo 9, 36 – 10, 8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang nakita ni Hesus ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol. Kaya’t sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Sagana ang anihin, ngunit kaunti ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng anihin na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin.”

Tinipon ni Hesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong makabayan at si Judas Iscariote, ang nagkanulo kay Hesus.

Ang labindalawang ito’y sinugo ni Hesus at kanyang pinagbilinan: “Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad magbigay naman kayo nang walang bayad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

“Ang labindalawang ito’y sinugo ni Hesus at kanyang pinagbilinan.” Ito ang tagpo sa Ebanghelyo ngayong Linggo. Ipinadala ang mga alagad sa iba’t ibang pook upang magpahayag ng Mabuting Balita, subalit hindi lang sila ang mga apostol. Tayo rin. Tayo ay isinugo rin ng Diyos upang magpahayag ng Mabuting Balita, gumawa ng mabuti at makiisa sa mga gawaing para sa Diyos. Hindi rin inaabangan ng Diyos na tayo ay perpekto na; tanggap Niya tayo kahit na tayo ay maraming kahinaan at nagkakasala. Kaya nga, kahit si Hudas Iskariote ay kasama sa Kanyang mga alagad. Hindi siya sumusuko sa pagpatawad at pagtulong sa tao. Ang tao ang sumusuko sa kanyang sarili.

Bilin pa Niya sa mga alagad, “Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin ninyo ang mga ketongin at palayasin ang mga demonyo.” Marahil sasabihin ng iba na para lang ito sa mga pari o relihiyoso, ngunit hindi lang sila ang anak ng Diyos; tayo rin. Bilang mga anak, may tawag tayong maglingkod sa Ama na pinanggagalingan ng lahat ng ating biyaya at grasya.

Ang Diyos ay madarama at makikita sa pamamagitan natin kung mabait tayo sa iba at mapagbigay nang walang kapalit. Ito ang pagpapahayag ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga buhay at sarili. Ngunit kung mas inuuna pa natin ang tsismis at kasiraan ng iba kaysa sa kabutihan sa salita at sa gawa, tayo ay lubhang nagkukulang sa Diyos at kapwa bilang mga Kristiyano. Hindi man tayo makakapagpagaling ng mga maysakit, maaari nating silang tulungan at ipagdasal. Maaari tayong dumalaw sa mga maysakit sa pamamagitan ng iba’t ibang grupo sa simbahan na gumagawa nito. Mapapalayas din ang demonyo na nanunukso at nais maghari sa mga pamilya sa pamamagitan ng taimtim at masugid na pagdarasal araw-araw kasama ang hangaring magbago. Maraming paraan upang maging tunay na alagad ng Diyos. Kung gugustuhin natin at kung alam natin na ito ang daan natin papuntang Langit, magagawa nating magsakripisyo at iwan ang dapat upang makapaglingkod sa Diyos. Amen. +

Pagninilay ni: FMMJ

Pagbasa: Awit at Papuri Communications

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

ATENEO,Let this be a wake-up call for you. This is not a time to be busy with PRIDE month as you always do every year. A...
13/06/2026

ATENEO,

Let this be a wake-up call for you. This is not a time to be busy with PRIDE month as you always do every year. As a university that is not only Catholic but also Jesuit, you must actually promote the SACRED HEART OF JESUS during this time. As a Catholic, you, of all the top private universities in the Philippines and a CATHOLIC at that, must have known that the month of June in the Holy Church is dedicated to the MOST SACRED HEART OF JESUS, not to PRIDE MONTH. Remember this! Remember who you are. The Sacred Heart of Jesus is a devotion that the Jesuits established. It was promulgated by Saint Claude Jean de la Colombiere, SJ, because of the visions of Saint Margaret Mary Alacoque. This is what you SHOULD promote, period.

Let this be a warning and a wake-up call for you. Do not waste your time in useless pursuits that turn you into a cold, heartless, un-Catholic institution that people are perceiving you to be right now. Go back to who you are. You are Catholic. You are a Jesuit institution. Promote the Sacred Heart NOW, instead of promoting ideologies that are against the Catholic teachings; do not be like other Catholic institutions that have turned from their faithful ways. Panindigan mo sarili mo na ikaw talaga ay isang Catholic at Jesuit university who must proclaim and form men and women for the greater glory of God and not for evil. Most importantly, from this authentic faith, dapat alam mo na taking accountability for your mistakes is part of it. Aminin mo ang mga pagkakamali mo at magbago ka ngayon na.

Disclaimer: We are not discriminating against persons with same-s*x attraction; that is a whole different topic. What is clear here is bakit kailangan yun ang i-promote? Between Jesus and tao, tao talaga ang pipiliin, na confusing pa ang teachings? Read about what the Catholic Church truly teaches about homos*xuality here [1]. No discrimination, just pure facts.

To cut the long story short, hindi automatically kasalanan ang may same s*x attraction if not acting on it, and if the person is striving to be chaste and pure in words, thoughts, and deeds, but if more than that, it could be a sin, especially since the s*xual acts are a mortal sin. Is this teaching clear sa pag promote ng PRIDE? NO. Instead, celebrate and encourage niyo pa sa events na yan instead of teaching them the truth with love. The Lord loves everyone but not sin. We can accept people but not sin. This teaching must be very clear, or else you are leading people to danger, and it’s no way to be a Catholic.

If you cannot accept these teachings, then you are not a real Catholic. You only believe what you want, or what you think is right, and not the full truth. The Catholic Church has already established the truth, and it is there, whether you like it or not. Do not confuse people or mistakenly lead them to possible sin. This is your warning.

~ En Maria

Reference:
[1] Homos*xuality | Catholic Answers Tract:
https://www.catholic.com/tract/homos*xuality

EBANGHELYO NGAYONMayo 03, 2026.Ika-5 Linggo ng Pasko ng Muling PagkabuhayMABUTING BALITAJuan 14, 1-12Ang Mabuting Balita...
03/05/2026

EBANGHELYO NGAYON

Mayo 03, 2026.

Ika-5 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

MABUTING BALITA
Juan 14, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.” Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?” Sumagot si Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung ako’y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.”

Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami.” Sumagot si Hesus, “Matagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyata’t hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: ako’y sumasa-Ama at ang Ama ay sumasaakin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Malapit nang bumalik si Hesus sa Ama sa pag-akyat sa Langit kaya ang nababasa natin sa ebanghelyo ngayon ay ang Kanyang huling habilin o pamamaalam. Sa mundo ngayon na napakaraming “distraction” o umaagaw ng pansin at atensyon natin, ang wika ni Hesus ay “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.” Maraming sikat ang nagtuturo ng daan na tila mabuti ngunit iisa lang ang daan - si Hesus. Siya rin ang magtuturo ng tunay na daan patungo sa Kanya, tungo sa kabutihan, katapatan, kasaganaan at lahat ng hinahanap natin. Kaya naman isa rin itong paanyaya sa atin na Diyos ang laging hanapin sa lahat ng bagay. Siguraduhin natin na ang mga sinusundan at pinapakinggan ay walang taliwas sa tinuturo Niya at ng Simbahan. Kung may hinahanap tayo, bakit hindi natin unang hanapin sa Diyos?

Kung may nais tayong makamit, bakit hindi natin unahing komunsulta sa Diyos? Ang mga pighati sa ating buhay ay sanhi ng dahil tayo ang nauuna at nakakalimutan nating maghintay sa Kanya. Minsan ito ay dahil naiisip natin na tayo ang daan o ang may alam ng daan. Ngunit kung iisipin nating Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat at ang tanging makakapaggabay sa atin, magiging mas maayos ang ating buhay sapagkat Diyos mismo ang mamamayani sa ating desisyon. Kung magpapatulong tayo sa Kanya ay tutulungan Niya tayo. Dahil nais Niyang hanapin natin Siya at hingiin ang Kanyang tulong, makakatagpo tayo ng napakaraming grasya na hindi natin matatagpuan kung tayo lang mag-isa at hindi dumudulog sa Kanya. Ang Diyos ay mapagbigay at lubos na mapagmahal sa sinumang umaasa sa Kanya at kung kulang ang ating pananalig ay humingi pa tayo at daragdagan Niya ito. Amen. +

Pagninilay ni: FMMJ

Pagbasa: Awit at Papuri Communications

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

15/03/2026

GOODNESS OF GOD: 03/15/25 (Fourth Sunday of Lent)

Gospel
John 9:1, 6-9, 13-17, 34-38

As Jesus passed by he saw a man blind from birth.
He spat on the ground and made clay with the saliva,
and smeared the clay on his eyes,
and said to him,
“Go wash in the Pool of Siloam” — which means Sent —.
So he went and washed, and came back able to see.

His neighbors and those who had seen him earlier as a beggar said,
“Isn’t this the one who used to sit and beg?”
Some said, “It is, “
but others said, “No, he just looks like him.”
He said, “I am.”

They brought the one who was once blind to the Pharisees.
Now Jesus had made clay and opened his eyes on a sabbath.
So then the Pharisees also asked him how he was able to see.
He said to them,
“He put clay on my eyes, and I washed, and now I can see.”
So some of the Pharisees said,
“This man is not from God,
because he does not keep the sabbath.”
But others said,
“How can a sinful man do such signs?”
And there was a division among them.
So they said to the blind man again,
“What do you have to say about him,
since he opened your eyes?”
He said, “He is a prophet.”

They answered and said to him,
“You were born totally in sin,
and are you trying to teach us?”
Then they threw him out.

When Jesus heard that they had thrown him out,
he found him and said, “Do you believe in the Son of Man?”
He answered and said,
“Who is he, sir, that I may believe in him?”
Jesus said to him,
“You have seen him, and
the one speaking with you is he.”
He said,
“I do believe, Lord,” and he worshiped him.

Reflection:

This Sunday is called 'Laetare Sunday,' which means 'Rejoice' in Latin. Easter is drawing near. How is our preparation? Have we been able to pray and reflect more? The season of Lent is a time for self-examination, to repent and turn away from sin. God is always waiting for us to approach Him with an open heart, even when we make mistakes.

In today’s Gospel, a miracle of healing the blind man is shown, which only made the Pharisees angrier at Jesus. Because of Jesus, the blind man could see, yet the Pharisees insisted that He was a sinner. Because of this, they became the truly blind ones. Blindness is not only physical; it can also be spiritual. This also happens to us when we no longer see the goodness of God in our lives. This happens if we harbor envy, hatred, vengeance, and selfishness in our hearts, just like the Pharisees. Because of this blindness, Jesus was right in front of them, yet they failed to see that He was the long-awaited Messiah.

Spiritual blindness hardens the heart. Even God is saddened when we do not see all the beautiful things He does, yet He continues to provide for us. This Lent, let us strive to be grateful. Let us count our blessings throughout the day before we go to sleep. Even upon waking up and throughout the day, let us look for things to thank God for, instead of things to complain about. Problems in life are inevitable, but we can always find good things to be grateful for because, despite the hardships, God’s goodness never ceases. Amen. +

Jesus, Mary, and Joseph, be with us always until the hour of our death.

Amen. +

May the Lord + bless us, protect us from all evil and bring us to everlasting life. Amen. +

Source:
https://bible.usccb.org/daily-bible-reading

Examination of Conscience and Guide to Sacrament of Confession:
https://mycatholic.life/catholic-prayers/examination-of-conscience/

Website on how to raise and guard children in their Catholic faith:
https://howtokeepyourkidscatholic.com/

EBANGHELYO NGAYONMarso 15, 2026.Ikaapat na Linggo ng Apatnapung Araw na PaghahandaMABUTING BALITAJuan 9, 1. 6-9. 13-17. ...
15/03/2026

EBANGHELYO NGAYON

Marso 15, 2026.

Ikaapat na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

MABUTING BALITA
Juan 9, 1. 6-9. 13-17. 34-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Sa paglalakad ni Hesus ay may nakita siyang isang lalaking ipinanganak na bulag. At si Hesus ay lumura sa lupa at gumawa ng putik. Ipinahid niya ito sa mata ng bulag. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pumunta ka sa deposito ng tubig sa Siloe.” (Ang kahulugan nito’y Sinugo.) “Maghilamos ka roon.” Gayon nga ang ginawa ng bulag at nang magbalik ay nakakita na.

Sinabi ng mga kapitbahay niya at ng mga nakakita sa kanya noong siya’y namamalimos pa, “Hindi ba iyan ang lalaking dating nagpapalimos?” Sumagot ang ilan, “Iyan nga!” “Hindi! Kamukha lang,” wika naman ng iba. At sumagot ang lalaki, “Ako nga po iyon.”

Dinala nila sa mga Pariseo ang dating bulag. Araw ng Pamamahinga nang gumawa si Hesus ng putik at padilatin ang bulag. Tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. Sinabi niya sa kanila, “Pinahiran niya ng putik ang aking mga mata, naghilamos ako pagkatapos, at ngayo’y nakakikita na ako.” Ang sabi ng ilan sa mga Pariseo, “Hindi mula sa Diyos ang taong iyan, sapagkat hindi niya ipinangingilin ang Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Paanong makagagawa ng ganitong kababalaghan ang isang makasalanan?” At hindi sila magkaisa ng palagay.

Kaya’t tinanong nila uli ang dating bulag, “Ikaw naman, yamang pinadilat ni Hesus ang iyong mga mata, ano naman ang masasabi mo tungkol sa kanya?” “Siya’y isang propeta!” sagot niya. Sumagot sila, “Ipinanganak kang makasalanan at ikaw pa ang magtuturo sa amin?” At siya’y itiniwalag nila.

Nabalitaan ni Hesus na ang lalaking pinagaling niya ay itiniwalag ng mga Pariseo. Kaya’t tinanong niya ang lalaki nang matagpuan niya ito, “Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?” Sumagot ang lalaki, “Sino po ba siya, Ginoo? Sabihin ninyo sa akin, upang ako’y manampalataya sa kanya.” “Siya’y nakita mo na. Siya ang nakikipag-usap sa iyo,” ani Hesus. “Sumasampalataya po ako, Panginoon!” sabi ng lalaki. At sinamba niya si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Ngayong Linggo ay tinatawag na “Laetare Sunday”, ibig sabihin nito ay “Magalak” sa wikang Latin. Malapit na ang Pasko ng Pagkabuhay. Kumusta kaya ang ating paghahanda? Tayo ba ay mas nakakapanalangin at mas nakakapagnilay? Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagsusuri ng sarili upang magsisi at tumalikod sa kasalanan. Ang Diyos ay lagi tayong hinihintay na dumulog sa Kanya nang may bukas na puso kahit tayo ay nagkakamali. Sa ebanghelyo ngayon ay ipinakita ang isang himala ng pagpapagaling sa bulag kung saan lalong nagalit ang mga Pariseo kay Hesus. Dahil kay Hesus, nakakita ang bulag ngunit pinagpipilitan pa rin ng mga Pariseo na Siya ay isang makasalanan. Dahil dito, sila ang naging tunay na bulag. Hindi lang pisikal ang pagkabulag. Maari rin itong maging espirituwal. Nangyayari rin ito sa atin kung hindi na natin nakikita ang kabutihan ng Diyos sa ating buhay. Nangyayari ito kung mayroon tayong inggit, p**t, paghihiganti at pagkamakasarili sa ating puso tulad ng mga Pariseo. Dahil sa pagkabulag na ito, nasa harapan na nila si Hesus ngunit hindi pa nila nakita na Siya ang pinakahihintay na Mesiyas. Ang pagkabulag sa espirituwal na paraan ay nakakatigas ng puso. Maging ang Diyos ay nalulungkot kapag hindi natin nakikita ang bawat magagandang ginagawa Niya, subalit patuloy pa rin Siyang nagbibigay sa atin. Ngayong Kuwaresma, sikapin nating maging mapagpasalamat. Bilangin natin ang ating biyaya sa buong araw bago tayo matulog. Kahit pagkagising pa lang at sa buong araw ay maghanap tayo ng ipagpapasalamat sa Diyos, sa halip na ikarereklamo. Hindi maiiwasan ang mga problema sa buhay ngunit lagi pa rin tayong makakahanap ng magagandang bagay na maipagpasalamat dahil sa kabila ng kahirapan, hindi pa rin tumitigil ang kabutihan ng Diyos. Amen. +

Pagninilay ni: FMMJ

Pagbasa: Awit at Papuri Communications

Summary and Defense of Catholic Teachings:
https://www.catholic.com/tract/pillar-of-fire-pillar-of-truth

Address

Marikina City

Opening Hours

Monday 10am - 7pm
Tuesday 10am - 7pm
Wednesday 10am - 7pm
Thursday 10am - 7pm
Friday 10am - 7pm
Saturday 10am - 7pm
Sunday 10am - 7pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Fearless Catholic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Fearless Catholic:

Shortcuts

Share