16/04/2026
Sa pagdiriwang ng ika-396 na Araw ng Marikina, ating balikan ang mayamang kasaysayan, pananampalataya, at pagkakaisa ng ating lungsod.
Sa gitna ng pag-unlad at pagbabago, nananatiling gabay at sandigan ng mga Marikeño ang ating mahal na Ina—Nuestra Señora de los Desamparados, Birhen at Patrona ng Marikina—na patuloy na kumakalinga, nag-aaruga, at naglalapit sa atin sa Diyos.
Nawa’y patuloy Niya tayong pagpalain at gabayan sa bawat hakbang ng ating lungsod tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Viva Nuestra Señora de los Desamparados!
Maligayang Araw ng Marikina!