Parish Office of Nuestra Señora de los Desamparados de Marikina

Parish Office of Nuestra Señora de los Desamparados de Marikina This is the official page of the PARISH OFFICE of the Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de los Desamparados, Marikina City.
(1)

This serves as an agent for concerns about wedding, baptismal, funeral, certificates and other liturgical services.

16/04/2026

Sa pagdiriwang ng ika-396 na Araw ng Marikina, ating balikan ang mayamang kasaysayan, pananampalataya, at pagkakaisa ng ating lungsod.

Sa gitna ng pag-unlad at pagbabago, nananatiling gabay at sandigan ng mga Marikeño ang ating mahal na Ina—Nuestra Señora de los Desamparados, Birhen at Patrona ng Marikina—na patuloy na kumakalinga, nag-aaruga, at naglalapit sa atin sa Diyos.

Nawa’y patuloy Niya tayong pagpalain at gabayan sa bawat hakbang ng ating lungsod tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Viva Nuestra Señora de los Desamparados!
Maligayang Araw ng Marikina!




12/04/2026

“𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐡𝐚𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧.”

Sa paglipas ng mga taon, sa bawat luha at galak, nananatili Kang kanlungan ng mga naaapi at ina ng mga walang masandalan.

Sa loob ng mahigit tatlong siglo, patuloy Mong niyayakap ang Iyong bayan—hindi napapagod, hindi nagsasawang magmahal.

Ngayon, muli kaming nagbabalik-loob sa Iyong kandungan…
may pusong puno ng pananabik at pasasalamat.

30 araw na lamang bago ang dakilang pagdiriwang ng
ika-235 na Kapistahan ng Nuestra Señora de los Desamparados
at ika-335 Anibersaryo ng ating Parokya.

Halina’t sama-sama nating ipagdiwang ang pag-ibig ng isang Ina
na kailanma’y hindi tayo iniiwan.

Viva La Virgen de los Desamparados!




02/04/2026

Sa paggunita ng Biyernes Santo, inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa mga banal na gawain sa ating simbahan, bilang pagninilay sa pagpapakasakit at pagkamatay ng ating Panginoong Hesukristo—ang sukdulang handog ng Kanyang pag-ibig para sa ating kaligtasan.

Narito ang mga gawain ng ating Parokya para sa darating na Biyernes Santo

Halina at samahan nating pagnilayan ang misteryo ng Kanyang pagpapakasakit at kamatayan sa Krus—ang sukdulang pagpapahayag ng Kanyang pag-ibig at pagliligtas para sa sangkatauhan.







02/04/2026

𝐋𝐈𝐕𝐄 | 𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐓𝐑𝐈𝐃𝐔𝐎 | Pagmimisa sa Huling Paghahapunan ng Panginoon mula sa Pandiyoses na Dambana at Parokya ng Nuestra Señora De Los Desamparados, Lungsod ng Marikina - Huwebes Santo, Abril 02, 2026 - 4:00 PM

Paring Tagapagdiwang: Rdo. P. Lamberto S. Ramos









29/03/2026

𝗩𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗜𝗴𝗹𝗲𝘀𝗶𝗮 𝗚𝘂𝗶𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗽: 𝟭𝟮 𝗦𝗶𝗺𝗯𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗸𝗶𝗻𝗮 🙏⛪

Ngayong Semana Santa, samahan natin ang isa’t isa sa isang makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya.

Narito ang gabay sa 12 simbahan sa Marikina na maaari ninyong bisitahin para sa panalangin, pagninilay, at pasasalamat:

• Our Lady of Guadalupe Parish
• San Jose Manggagawa Parish
• Immaculate Conception Parish Church (Provident Villages)
• San Isidro Labrador Chapel
• Nativity of Our Lady Parish Church
• San Antonio de Padua Parish Church
• Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de los Desamparados
• San Isidro Labrador Parish
• Holy Family Parish Church
• St. Gabriel of Our Lady of Sorrows Parish Church
• Minor Basilica and Diocesan Shrine of St. Paul of the Cross
• Immaculate Conception Parish Church (Concepcion Uno)

📍 I-check ang mapa para sa kumpletong lokasyon ng bawat simbahan.

Nawa’y maging mapayapa, makabuluhan, at puno ng biyaya ang inyong Visita Iglesia. 🙏✨

06/03/2026
02/03/2026
01/03/2026

𝐋𝐈𝐕𝐄 | Misa Pamamaalam para sa Pagdalaw ng Mahal na Poong Jesus Nazareno ng Quiapo, mula sa Dambana at Parokya ng Ina ng mga walang Mag-ampon - Marso 01, 2026 - 6:30 PM

"Dapat Siyang Tumaas at Ako nama'y Bumaba" - Juan 3:30







01/03/2026

𝐋𝐈𝐕𝐄 | Blessing of Religious Articles, from the Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de los Desamparados - March 01, 2026 - 2:45 PM





Address

Sta. Elena, Marikina
Marikina City
1810

Opening Hours

Tuesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm
2pm - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Office of Nuestra Señora de los Desamparados de Marikina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parish Office of Nuestra Señora de los Desamparados de Marikina:

Share