Holy Family Parish-Ministry on Social & Human Development

Holy Family Parish-Ministry on Social & Human Development Volunteering and Community Action.

Nagkaroon ng makabuluhang *BibliaRasal* sa BJMP Marikina City Jail Male Dormitory sa pangunguna ng Holy Family Parish – ...
24/04/2026

Nagkaroon ng makabuluhang *BibliaRasal* sa BJMP Marikina City Jail Male Dormitory sa pangunguna ng Holy Family Parish – Commission on Prison Apostolate (HFP-COPA), sa gabay ni Sis. Gigie Lagamia, BEC Leader, at ng ating parish coordinators, Bro. Lorenzo Mata at Sis. Beverly Flores.

Sa simpleng pagtitipon, naibahagi ang Salita ng Diyos at naipadama ang malasakit sa ating mga kapatid na PDL, na sinundan ng pamamahagi ng munting meryenda bilang tanda ng pagmamahal at pagkalinga.

group photo and simple snack distribution after the Holy Mass.
09/04/2026

group photo and simple snack distribution after the Holy Mass.

Ngayong Abril, naghatid ng pag-asa at pananampalataya ang Parish Commission on Prison Apostolate sa mga kapatid nating P...
09/04/2026

Ngayong Abril, naghatid ng pag-asa at pananampalataya ang Parish Commission on Prison Apostolate sa mga kapatid nating PDL sa Marikina City Jail sa pamamagitan ng Banal na Misa sa Male Dormitory, kasama si Rev. Fr.Raymart Barcobero, CRSP, HFP Lectors, EMHC Lay Ministers, at mga official coordinators ng ating Parish MSAHDC at DACOPA.

Sa simpleng pagdiriwang na ito, muling pinaalalahanan ang mga PDL na sila ay hindi nag-iisa—may pag-asa at pagkakataon para sa panibagong simula. 🙏

SAMA SAMANG PAGLILINIS NG LABAS AT LOOB NG SIMBAHAN.Ngayong Sabado de Gloria nagsagawa ng pagliligpit at paglilinis sa l...
04/04/2026

SAMA SAMANG PAGLILINIS NG LABAS AT LOOB NG SIMBAHAN.
Ngayong Sabado de Gloria nagsagawa ng pagliligpit at paglilinis sa labas at loob ng simbahan ang mga kapatid na BEC at MBG members upang mapanatili ang maaliwalas at malinis na kapaligiran sa parokya.

02/04/2026

Maligayang Araw ng mga Pari, Fr. Fhyrdz Cornejo!

Sa araw na ito ng muling pagtatalaga ng inyong pangakong pagpapari sa Misa ng Krisma, taus-puso kaming nagpapasalamat sa inyong tapat na paglilingkod, paggabay, at pagmamahal sa aming parokya. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng lakas, karunungan, at biyaya sa inyong bokasyon.

“Ikaw ay Pari magpakailanman.”

BIGAS NG PAG-ASA HANDOG PARA SA MGA KAPATID NATING NAMAMASADA ♥️🩵💚✨Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, hi...
26/03/2026

BIGAS NG PAG-ASA HANDOG PARA SA MGA KAPATID NATING NAMAMASADA ♥️🩵💚✨

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, hindi pinabayaan ang ating mga jeepney driver na araw-araw na nagsusumikap para sa kanilang pamilya. Nagpamahagi ang Holy Family Parish ng tig-5 kilong bigas bilang dagdag-suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. 🚍💛

Sa simpleng handog na ito, naipapakita ang tunay na diwa ng malasakit, bayanihan, at pagkakaisa—isang yakap ng pag-asa para sa ating mga kapatid na namamasada. 🙏🌾

03/01/2026
Diocesan Post Christmas Party for Parish Volunteers of Ministry on Social Action & Human Development-Caritas
03/01/2026

Diocesan Post Christmas Party for Parish Volunteers of Ministry on Social Action & Human Development-Caritas

"BIGAS NG PAG-ASA : Pamaskong Handog para sa Pamilya."Kaninang umaga ay naipamahagi na ang mga bigas para sa mga natatan...
30/12/2025

"BIGAS NG PAG-ASA : Pamaskong Handog para sa Pamilya."
Kaninang umaga ay naipamahagi na ang mga bigas para sa mga natatanging kaparokyang pamilya at manggagawa, pagkatapos ng Misa para sa Dakilang Kapistahan ng Taunang Pag gunita sanpagtatalaga ng simbahan ng Parokya ng Banal na Mag-Anak.

Maraming salamat sa mga tumugon at tutugon pa sa proyektong "BIGAS NG PAG-ASA-PAMASKONG HANDOG PARA SA PAMILYA"...Maari ...
26/12/2025

Maraming salamat sa mga tumugon at tutugon pa sa proyektong "BIGAS NG PAG-ASA-PAMASKONG HANDOG PARA SA PAMILYA"...Maari pa mag-alay ng 5kg bigas sa Banal na Misa o iabot sa opisina ng parokya hanggang Dec.28, 2025. 🙏❤️

12/12/2025

Ngayong paparating na Pasko at Bagong Taon, inaanyayahan namin ang bawat pamilya na maging biyaya sa ating mga kapatid na kapos-palad. Sa pamamagitan ng "Bigas ng Pag-Asa: Pamaskong Handog para sa Pamilya", maaari kayong maghandog ng 5kg bigas na ihahandog sa Banal na Misa o ihahatid sa Opisina ng Parokya.

Ang inyong munting tulong ay magbibigay ng higit na pag-asa at kalinga sa mga pamilyang nangangailangan. Sama-sama tayong maging daluyan ng pagmamahal at pagkakawang-gawa ngayong kapaskuhan.

Address

Holy Family Parish, Parang
Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Holy Family Parish-Ministry on Social & Human Development posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share