04/10/2026
MILOY SUNDAY REFLECTIONS:
Oktubre 4, 2026.
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
MABUTING BALITA
Mateo 21, 33-43
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: โPakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at itoโy binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siyaโy nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayun din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-hulihaโy pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. โIgagalang nila ang aking anak,โ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, silaโy nag-usap-usap: โIto ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin. Kayaโt siyaโy sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.
โPagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamang iyon?โ Sumagot sila, โLilipunin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.โ Tinanong sila ni Hesus, โHindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?
โAng batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
at itoโy kahanga-hanga!โ
Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pagninilay:
Si Hesus ay itinanggi ng mga tao noong unang panahon. Hindi Siya itinuring na propeta ng iba at sa halip ay kinutya pa. Hanggang ngayon ay itinatanggi pa rin Siya ng mga taong ang nais lamang ay mabuhay ayon sa sariling kagustuhan. Tuwing pinipili natin ang sarili at hindi ang Salita ng Diyos bilang sentro ng ating buhay, itinatakwil din natin ang Diyos. Madalas nga lang ay hindi ito nalalaman ng tao dahil mas madali sumunod sa sarili kaysa sa Diyos na nangangailangan ng sakripisyo. Sa kabila nito, ang paglilingkod sa Kanya ng tapat ay may kaakibat na gantimpala. Hindi man dito ngunit sa buhay na walang hanggan. Marahil, hindi natin agad nakikita ang mga bunga ng ating pagsasakripisyo at mabubuting gawa para sa Diyos at kapwa. Hindi agad pinapapurihan at pinapalakpakan ang bawat ginagawa nating tama, ngunit ang Diyos ay nagmamatyag at mayroon Siyang tamang panahon para sa mga bagay. Tinatawag Niya tayong maging tulad Niya - iyong taong handang tiisin ang lahat para sa pagtatanggol sa Kanya at sa pananalig na totoo. Ngunit paano pa tayo makakapagtanggol ng tama kung tayo mismo ay naliligaw na at hindi na alam o tinatanggap man lamang ang katuruan ng Simbahan? Aralin, tanggapin at isabuhay natin ito. Nang sa gayon, malaman natin paano magtanggol ng pananampalataya. Sa paninindigan lamang na ito tayo magiging tulad ni Hesus na isang propeta ngunit itinakwil. Kung tayo ay nagdurusa ngayon, tiyak na tayo ay babangon at makakaahon din kasama ng Diyos na ating sinusundan. Mayroon tayong gantimpala sa Langit na aasahan mula sa Kanya. Amen. +
______________________
DARE TO CARE
Be a Camillian Brother or Priest.
If You Are:
-a grade 10 completer;
-a senior high school graduate;
-a college undergraduate;
-a college graduate or a professional
Contact now:
The Vocation Team
St. Camillus Seminary
105 B. Gonzales St., Varsity Hills, Loyola Heights,
1108 Quezon City, Philippines
Email: [email protected]
Mobile No: 0976 454 2832 (Globe)
0962 608 6325 (Smart)