22/08/2026
0️⃣8️⃣▪️2️⃣2️⃣▪️2️⃣0️⃣2️⃣6️⃣
Sabado na naman... kaya... nagkita-kita na naman ang BEC Kids & Juniors, kasama ang ating mga masisipag na katekista - Ate Melita Cruz at Ate Bhot Balansay 👏
At dahil ngayon ay ang Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria, sumulat ang mga bata ng kanilang mga natatanging panalangin para kay Mama Mary. Ilan sa mga ito ang proteksiyon sa araw-araw, masayang pamilya, makatapos ng pag-aaral, pagkain at paggabay. Nawa'y ibulong ng ating Mahal na Ina sa kanyang Anak na si Kuya Jesus ang mga ito. Bigyan nawa sila ng pusong tulad kay Maria na nagtitiwala at handang sumunod.🙏
Nais po naming pasalamatan si Ate Jean Taguinod ng Bukluran ng San Felipe sa kanyang pagpapahiram ng kanilang tahanan bilang kanlungan ng mga bata... God bless you 🙏