LIFE PLAN Chapel

LIFE PLAN Chapel NAWAY BAWAT PAMILYA MAY ST. PETER PLAN..

15/05/2023

Good morning ๐ŸŒžโ˜€๏ธ๐Ÿ˜ƒ

12/05/2023
08/10/2022

Do not depend on single source of income ๐Ÿ’ฏ

08/10/2022

โ€œBIG QUESTION: AYAW MO NA SA WORK MO NGAYON?โ€

Tuwing kailan tayo nagtatanong kung ano ba ang purpose natin?

Diba kapag ayaw natin kung nasaan tayo ngayon? LIke kapag parang walang nangyayari, or parang wala nang sense or trapped sa iisang routine na ginagawa mo sa araw-araw na parang walang meaning.

Nawawalan tayo ng sense of purpose kapag para sa atin wala nang meaning yung araw-araw na ginagawa natin. Lalo na kapag meron talaga tayong ibang gustong gawin.

Big deal sa akin ito kasi for a looong time Iโ€™ve been searching for meaning sa work ko ngayon at kung bakit pa ako nandito ngayon.

But today, nagpaalala si Lord na yung โ€œmeaningโ€, sa Kanya pala manggagaling. At ako ang part ko is to do my best not for myself, not for the company but for Him. To glorify Him.

(SOUNDS SIMPLE. But It is that simple kasi talaga kung pakikinggan.)

Lalo na nung ang binabasa ko kanina ay yung story ni Joseph at yungmga naging trabaho niya (Genesis 39),

Kung saan naging alipin siya, dahil binenta ng mga kuya niya
hanggang sa naging manager sa bahay ng master niya,
papunta sa time na nakulong na siya dahil sa kasalananang di naman niya ginawa at naging manager ng lahat ng prisoner sa lahat ng nasa kulungan na yun.

Kung ako si Joseph dun pa lang sa naging alipin ako, magtatampo na ako kay Lord e.

Pero hindi, BECAUSE THE LORD WAS WITH HIM, He succeeded in everything he did.
Yes kahit bilang alipin ginawa niya yung best niya.
Nung naging katulong ginawa niya yung best niya.
Nung napromote at naging manager ng lahat ng ari-arian ng boss niya ginawa niya pa rin yung best niya.
At nung dumating yung asawa nung boss niya na inaakit siya, sabi niya it would be a sin against GOD kaya di niya ginawa at tumakbo na lang palayo. (The best way to reject a temptation by the way)
At nung kahit na nakulong na siya, ginawa niya pa rin best niya at naging manager pa, kahit sa kulungan.

Si God ang ino-honor ni Joseph all the time, He is working for the Lord not for a man, and yung favor ni Lord sa kanya natural na lang na nagfo-flow kasi nga di lumayo si Joseph kay Lord kahit malayo sa pangarap niya yung ginagawa niya nung time na yun.

Naging isa itong Paalala sa akin na,

Kay God galing ang meaning sa kung ano mang ginagawa natin.
Kay God manggagaling ang promotion kahit ano pang pakitang gilas natin sa mga boss natin.
Kay God manggagaling yung go-signal kung kailang ka niya iaalis at kung kailangan mo pang magstay sa season mo ngayon.
Ang kailangan lang natin gawin ay ang mag-submit, mag-obey at gawin ang best para sa Kanya, kahit ano pa ang ginagawa.

Basta maglorify si GOD yan yung meaning. Kung totoong sinurrender na natin kay Lord yung career life natin, ipagkakatiwala natin sa Kanya kahit saan pa Niya tayo dalhin.

Remember ALWAYS that He is the vine, we are just the branches, kapag patuloy tayong nakaattach kay Lord, we will bear fruit kahit sa desert pa tayo naka tanim. Once na magsarili tayo, we can do nothing.

Huling paalala, galing naman ito sa tatay ko.
โ€œWhere God guides, He provides.โ€
โ€”-
For more Paalalas, Read your Bible.

08/10/2022

10 Financial Advice from Chinkee Tan

1. Huwag kang bumili nang mamahaling cellphone. Dahil laging may bagong lalabas na new model na mas higit pa sa nabili mo. ๐Ÿ“ฑ

2. Huwag kang mangungutang para lang may maipagyabang. Kung mangungutang ka man, gamitin mong puhunan sa negosyo para lumago ๐Ÿ’ผ

3. Huwag kang masilaw sa mga naka-sale o free delivery. Kahit gaano pa kamura yan, sayang lang kung itatambak mo at hindi mo magagamit.

4. Huwag kang bumili ng bagay na hindi mo pa afford. Pag-ipunan mo ito hanggang sa kaya mo nang bayaran in cash. Sayang ang interes kung ipapangutang mo lang ๐Ÿ‘”

5. Ipunin mo ang pera kahit pabarya-barya. Kapag pinagsama-sama mo yan malaki ang maiipon mo kaysa wala. Tandaan na walang isang libo kung kulang ng piso. โŒš

6. Huwag kang mamasyal kung ipapangutang mo lang. Pag-ipunan mo muna ang travel fund. Mahirap mamasyal nang may inaalalang utang dahil hindi ka mag-eenjoy. ๐Ÿ‘™

7. Huwag ka munang bibili ng kotse kung hindi mo ito pagkakakitaan. Lalo na kung wala kang parking space. Tandaan na nagde-depreciate ang value nito pagtagal๐Ÿš—

8. Huwag kang bibili nang bahay kung hindi mo pa afford bayaran. Dapat ay may budget ka pa rin sa mga appliances at iba pang expenses. Maraming bayarin bukod sa bahay ๐Ÿซ

9. Needs = Mga bagay na kailangan mo para mabuhay nang maayos. Wants = Mga bagay na kahit wala ang mga ito ay mabubuhay ka naman. Kaya laging unahin ang needs over wants.

10. Tandaan na hindi masama kung ikaw ay maging Kuripot dahil ang pera mo ay hindi pinupulot ๐Ÿ—‚๏ธ

GET YOUR FREE PISO PLANNER!: https://chinkshop.com/collections/promos-and-bundles/products/best-selling-book-bundle

08/10/2022

Ang pinakamasarap na parte ng success mo ay yung success stories ng ibang tao dahil sayo. May kasabihan nga, na success without a successor is a complete failure. Kaya kailangan ipapasa mo yung success mo, hindi pwedeng ikaw lang. Dapat may kasunod! ๐Ÿ˜‰

Address

NEW FARMERS 1 MAIS Street
Marikina City
1800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LIFE PLAN Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share