IFI Jesus dela Peña

IFI Jesus dela Peña Ang Misyon ng San Isidro Labrador itinayo noong 1957 Daang A. Flores St., Barangay Jesus dela Peña sa ilalim ng Parokya ng Santo Niño de Marikina, Sto.

Niño, Lungsod ng Marikina.

Sutana check? Surplice check? Puso't isip... i-check na rin ba?Sabi nga sa Mateo 28, bago ibigay ni Kristo ang Kanyang G...
15/08/2026

Sutana check? Surplice check? Puso't isip... i-check na rin ba?

Sabi nga sa Mateo 28, bago ibigay ni Kristo ang Kanyang Great Commission, ipinaalala muna Niya: “Kasama natin Siya palagi!” Kaya ang MISYON ay hindi lang basta paghawak ng kandila o pagpapatunog ng kampana sa altar—ito ay pagiging ILAW sa dilim, pag-aakay sa kapuwa, at pag-iingat sa buhay ng isa’t isa!

Kaya naman… Heto na ang pinaka-inaabangang araw ng bonding, pagkakatuto, at kapatiran! Kitakits sa Marikina Cluster Sakristan Fellowship 2026!

Mapakikinggan natin si Bro. Maui de Jesus para sa kan’yang pagninilay sa ating tema: “Itinalaga sa Misyon ni Kristo”! Alalamin natin kung paanong ang simpleng paglilingkod sa dambana ay nagiging tunay na grace-giver sa ating pang-araw-araw na buhay.

Makakasama rin natin ang Children’s Rehabilitation Center dahil para maging epektibong servant, dapat healthy rin ang isip at damdamin! Tuturuan tayo ng CRC ng mahahalagang life skills tulad ng: Stress Management: Paano i-handle ang schoolwork, ministry, at life drama? At Pag-iwas sa Suicidal Thoughts/Tendencies: Paano maging totoong sandigan at magdala ng pag-asa sa kapwa?

Plus! Dadaloy rin ang super masaya at pambihirang Fellowship & Team Building Games! Oras na para magkakilala ang iba't ibang parokya at magkaalaman kung sino ang totoong malakas sa laro!

Mark your calendars!
📅 Agosto 22, 2026 (Sabado)
📍 Cesna Covered Court, Marikina City

Sama na! Kita-kits tayo do’n ah? God Bless! Keep Safe!

TAPAT NA MAMUMUNO, MAUNLAD NA KABATAAN!Hindi lang tayo maghihintay sa bukas, tayo ang huhubog nito ngayon! Sa gabay ng t...
13/08/2026

TAPAT NA MAMUMUNO, MAUNLAD NA KABATAAN!
Hindi lang tayo maghihintay sa bukas, tayo ang huhubog nito ngayon! Sa gabay ng tapat at makatarungang pamamahala, sama-sama nating patutunayan na ang boses at aksyon ng kabataan ang tunay na lakas ng ating bayan. Hindi sapat ang pangarap lamang; kailangan natin ng pamamahala na may katotohanan at katarungan. Tayo ang pag-asa, tayo ang pagbabago!

, , ,

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐈𝐠𝐥𝐞𝐬𝐢𝐚 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐝𝐞𝐩𝐞𝐧𝐝𝐢𝐞𝐧𝐭𝐞!Sa paggunita sa pagkakatatag ng ating Simbahan, nawa'y...
03/08/2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐧𝐠 𝐈𝐠𝐥𝐞𝐬𝐢𝐚 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐝𝐞𝐩𝐞𝐧𝐝𝐢𝐞𝐧𝐭𝐞!

Sa paggunita sa pagkakatatag ng ating Simbahan, nawa'y patuloy tayong maging tapat sa ating pananampalataya, matatag sa paglilingkod, at nagkakaisa sa pagsusulong ng katotohanan, katarungan, at pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

Pagpalain nawa ng Diyos ang Iglesia Filipina Independiente at ang bawat mananampalataya. Mabuhay ang IFI!



𝑷𝒂𝒏𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏 𝒔𝒂 𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒕𝒓𝒐𝒏, 𝑺𝒂𝒏 𝑰𝒔𝒊𝒅𝒓𝒐 𝑳𝒂𝒃𝒓𝒂𝒅𝒐𝒓Ama naming makapangyarihan, Ikaw ang may-ari sa tanang kinapal at ikaw...
24/07/2026

𝑷𝒂𝒏𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏 𝒔𝒂 𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒕𝒓𝒐𝒏, 𝑺𝒂𝒏 𝑰𝒔𝒊𝒅𝒓𝒐 𝑳𝒂𝒃𝒓𝒂𝒅𝒐𝒓

Ama naming makapangyarihan, Ikaw ang may-ari sa tanang kinapal at ikaw ang tumawag sa aming paglilingkod para pangasiwaan ang tanang umiiral sa Sansinukob. Ang may kababaang-loob at maaasahang paganap ni San Isidro sa kanyang pagsasaka ay amin nawang matularan sa lahat ng aming pasisikap na magkaroon ng makakain ang lahat sa masaganang hapag ng buhay at maglingkod sa kapakanan ng aming kapwa tao ipahintulot mo na ang aming gawain sa araw-araw at maging panalangin ng papuri sa iyong karangalan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan, AMEN

San Isidro Labrador, Ipanalangin mo kami.



25/06/2026
Ating balikan ang ilang mga larawan sa naganap na Vacation Church School, kung saan manilaw na makikita ang biyaya ng Pa...
11/06/2026

Ating balikan ang ilang mga larawan sa naganap na Vacation Church School, kung saan manilaw na makikita ang biyaya ng Panginoon sa pamamagitan ng mga ngiti at paglago sa pananamapalataya ng mga kabataan.

Mula sa mga bukirin ng ating kasaysayan hanggang sa pintuan ng ating banal na tahanan, narito ang mga larawan ng maringa...
21/05/2026

Mula sa mga bukirin ng ating kasaysayan hanggang sa pintuan ng ating banal na tahanan, narito ang mga larawan ng maringal na prusisyon sa karangalan ni San Isidro Labrador. Tayo ay nag-aalay ng bawat hakbang bilang pasasalamat sa Panginoon para sa masaganang ani at biyayang ipinagkakaloob sa ating mga hapag-kainan.

Masdan po natin ang ating mahal na patron, ang huwaran ng sipag at pananampalataya. Tulad ni San Isidro, nawa’y matutunan nating pagtagpuin ang gawa at dalangin na sa bawat pagbubungkal natin ng lupa at paghahanapbuhay, ay hindi natin nalilimutang itingala ang ating mga mata sa Langit.

17/05/2026

Inaanyayahan ang mga kabataan na may edad na 5 hanggang 12 taong gulang na maki-bahagi sa gaganaping Vacation Church School. Layunin ng programang ito na ituro ang mabuting balita sa pamamagitan ng mga malikhaing aktibidad.

Petsa: Mayo 18 hanggang 24, 2026

Oras: Ika-2:00 ng hapon

Para sa pagpapatala o mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan kay Bb. Priya Santiago o pumunta sa pumunta sa ating simbahan.

Address

A. Flores
Marikina City

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm
Saturday 8am - 4pm
Sunday 7am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IFI Jesus dela Peña posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to IFI Jesus dela Peña:

Shortcuts

Share

Category