san jose barsabas justo lutrina marikina

san jose barsabas justo lutrina marikina Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from san jose barsabas justo lutrina marikina, Church, Marikina City.

Maligayang kaarawan san jose barsabas justo
20/07/2026

Maligayang kaarawan san jose barsabas justo

17/05/2026

Mula noon hanggang ngayon, ang Lutrina ay mayamang tradisyon ng kabataang Marikenyo.

Masdan ang article na ito noong 1982 na inilabas ng Times Journal. Tinawag nilang "Shoebox Santacruzan" dahil sa karu-karuhang gawa sa kahon ng sapatos. Tunay na isa sa mga core memories ng bawat batang Marikenyo.

Ang mga binanggit na resource persons ay sina (Lola) Romedios "Medy" Francisco at (Tita) Leticia Dizon. Sila ay mga naunang henerasyon ng Lutrina Marikina na mula sa angkan ng Kalampag ng baranggay San Roque. Ang kanilang tahanan sa kanto ng Dela Paz at Mendoza ang dako kung saan nagsisimula ang prusisyon.

Maliit man sa inyong paningin, ang Lutrina ay punong-puno ng pambatang damdamin. โค๏ธ


17/05/2026

Sama-sama sa Marikina Grand Lutrina! Tena sa natatanging pagtitipon ng karu-karuhan! ๐Ÿฅฐ

Ang bukod-tanging tradisyon ng mga bata sa Marikina ay magkakaroon ng kauna-unahang prusisyon na magkakasama ang mga grupo sa komunidad. Ito ay binubuo ng mga pangkat ng Lutrina Marikina, Batang Kubo Lutrina at San Roque Traditional Lutrina.

Halina sa May 30, Sabado, 6:00 PM. Magsisimula ito sa Banal na Misa sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Seรฑora de los Desamparados at susunduan ng prusisyon.

Bilang isang komunidad ng mga Katolikong Marikenyo, halina't ipagdiwang ang panata at tradisyon ng mga kabataang Marikenyo! โค๏ธ




03/05/2026
Tena sa lutrina marikina Ikaapat na taong labas ni san jose barsabas justo Day one
02/05/2026

Tena sa lutrina marikina

Ikaapat na taong labas ni san jose barsabas justo
Day one

Tara na, Lutrina Marikina na! Ang tradisyong karu-karuhan ng mga kabataan ay muling makikita sa taunang paglabas ng mga ...
14/04/2026

Tara na, Lutrina Marikina na! Ang tradisyong karu-karuhan ng mga kabataan ay muling makikita sa taunang paglabas ng mga maliliit na imahen at karosa.

Sama-sama tayo sa pagpapatuloy ng kulturang pamamanata ng mga batang Marikenyo.

Halina sa Lutrina Marikina! โค๏ธ


โ€œA season of prayer, fasting, and reflection begins.โ€Ash Wednesday +Ang Pag Sagip Ni Jesus Kay Apostol Pedro+Holy week 2...
17/02/2026

โ€œA season of prayer, fasting, and reflection begins.โ€
Ash Wednesday
+Ang Pag Sagip Ni Jesus Kay Apostol Pedro+
Holy week 2026
Ctto-nuestra senora de los desamparados de marikina

MIYERKULES NG ABO | Pebrero 18, 2026Sinasabi ngayon ng Panginoon: โ€œMataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin, kayoโ€™...
17/02/2026

MIYERKULES NG ABO | Pebrero 18, 2026

Sinasabi ngayon ng Panginoon: โ€œMataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin, kayoโ€™y mag-ayuno, manangis at magdalamhati.โ€ โ€“ Joel 2:12

Sa pagtatapos ng Karaniwang Panahon, pumapasok na tayo sa panahon ng Kuwaresma, isang panahon ng paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang panahong ito ay tatagal ng apatnapung araw, mula Miyerkules ng Abo hanggang Huwebes Santo.

Ngunit tanungin natin ang ating mga sarili: ano at bakit nga ba natin ginagawa ang Miyerkules ng Abo tuwing sasapit ang panahon ng Kuwaresma?

Ang Miyerkules ng Abo ay nagmula sa tradisyon ng pagbabalik-loob at pag-aayuno ng mga Hudyo. Kabilang sa pagsasanay na ito ang paglalagay ng abo sa ating noo, na sumisimbolo sa alabok kung saan tayo nilikha ng Diyos at sa ating pagbabalik-loob mula sa kasalanan.

Habang nilalagay ng pari ang abo, binibigkas niya ang mga salitang: โ€œAlalahanin mong abo ang iyong pinanggalingan at abo rin sa wakas ang iyong babalikan.โ€ o kaya โ€œMagbagong-buhay ka
at sa Mabuting Balita sumampalataya.โ€ Ginagawa ito dahil, sa kontekstong Kristiyano, ang alikabok ay sumisimbolo sa pagdadalamhati sa ating mga kasalanan na nagdulot ng paghihiwalay natin sa Diyos.

Sa ating pagdalo sa Banal na Misa, tandaan natin na ang paglalagay ng krus sa ating noo ay nangangahulugang gumagawa tayo ng pangako โ€” na isinasagawa natin ang panahon ng Kuwaresma bilang panahon ng panalangin, pagsisisi sa ating mga kasalanan, at pagtalikod sa ating mga makasariling hangarin.

Inilalarawan din nito ang ating kalagayan bilang mga Kristiyano โ€” na tayo ay sugatan at nangangailangan ng paggaling at kaligtasan mula sa Diyos. Kung kaya, bilang mga tagasunod ni Hesus, tayo ay inaanyayahan na buhatin ang ating mga krus.

Panalangin:
Ama naming nasa langit, ang liwanag ng Iyong katotohanan ay nagbibigay ng paningin sa gitna ng kadiliman. Nawaโ€™y ang panahong ito ay maging panahon kung saan nagsisisi kami sa aming mga kasalanan at magdulot sa amin ng Iyong kapatawaran at kaloob ng Iyong liwanag. Hinihiling ito sa amin sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Aceyork Amsterdam Mendoza | Desamparados de Marikina Social Communications Ministry




โ€œ๐Œ๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ค๐š๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐š๐ค๐ข๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ, ๐ฆ๐š๐ -๐š๐ฒ๐ฎ๐ง๐จ ๐ค๐š๐ฒ๐จ, ๐ฆ๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง, ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข.โ€ โ€” ๐‰๐จ๐ž๐ฅ ๐Ÿ:๐Ÿ๐ŸInaanyayahan ang buong ...
17/02/2026

โ€œ๐Œ๐š๐ ๐›๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐ฅ๐จ๐จ๐› ๐ค๐š๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐š๐ค๐ข๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ, ๐ฆ๐š๐ -๐š๐ฒ๐ฎ๐ง๐จ ๐ค๐š๐ฒ๐จ, ๐ฆ๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง, ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข.โ€ โ€” ๐‰๐จ๐ž๐ฅ ๐Ÿ:๐Ÿ๐Ÿ

Inaanyayahan ang buong pamayanan na makibahagi sa mga itinakdang gawain ng Kwaresma 2026 bilang paghahanda sa paggunita ng Paghihirap, Kamatayan, at Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon.

Nawaโ€™y ang bawat pagdiriwang ay magsilbing daan tungo sa mas malalim na pagninilay, pagsisisi, at paglago sa pananampalataya.

Address

Marikina City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when san jose barsabas justo lutrina marikina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category