19/11/2019
❝Hayatan Tayyibah❞
By Okhti Fillah
Mula ng tayo ay isilang sa mundong ito
Nakatadhana na ang ating qadar.
Sana ang ating qadar ay Hayatan tayyibah.
Ang aking mga magulang mula ng ako ay Sanggol pa ako'y kanilang inalagaan at minahal.
Nagdu-doa sila sa Allah na nawa'y ipagkaloob sa akin ang hayatan tayyibah.
Hanggang sa lumalaki na ako nagkakaroon ng pangarap sa buhay.
Pinag aral ako sa paaralan at Madrasah.
Napapaisip ako anong hangarin ng pagkabuhay at pagkatapos ng buhay sa mundong ito may kasunod pa nga Kabilang buhay.
Napag aralan ko sa Madrasah at narinig sa mga Islamic Seminar.
Narinig ko sa mga Olama at mga Ustadz.
Nabasa ko sa mga Kitab na aking binabasa.
Ang mga nananampalataya Kay Allah at gumagawa ng mabuti ay bibiyayaan niya ng Hayatan tayyibah.
Biyayang ipagkakaloob ng Allah sa kanya sa kanyang buhay mundong ito at sa pagkabuhay muli sa kabilang buhay.
Pananampalataya, Paggawa ng mabuti, at Jannah ang napapaloob sa matagumpay na buhay, magiging mabuhay matagumpay masaya ka niyan.
Iyan po ang hayatan tayyibah.
May pagmamahalan, pagkakaisa, kaunlaran, Kapayapaan at tagumpay, ang ninanais ng bawat isa.
Iyan po ang hayatan tayyibah.
Sana ito ay ating makamtan.
Sa pagkakaroon ng malinis na puso, may malasakit sa kapwa, mabuting Pag uugali, matatamasa ang Hayatan tayyibah.
Sa pamamagitan ng edukasyon, kabuhayan, kalusugan, pagkakaisa
Sana makamit natin ang hayatan tayyibah.
Entry