09/08/2026
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ang buwan ng Agosto ay pagkakataon upang kilalanin at pahalagahan ang mga kabataang patuloy na naglalaan ng oras at lakas sa paglilingkod sa dambana. Sa bawat pagdalo sa Banal na Misa at pagtulong sa mga gawain ng simbahan, naipapakita ng mga Sakristan ang kanilang pagiging handang maglingkod sa Diyos at sa kapwa.
Bilang bahagi ng pagdiriwang na ito, isinagawa ngayong araw ang Sakristan Seminar na may temang โTapat na Paglilingkod sa Dambana: Pagpapalalim ng Pananampalataya at Disiplina ng mga Sakristan,โ na pinangunahan ni Rev. Fr. Arman Casim. Naging pagkakataon ang seminar upang higit na maunawaan ang tungkulin ng isang Sakristan at ang kahalagahan ng maayos at responsableng paglilingkod sa dambana.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng donasyon at suporta para maisakatuparan ang seminar at ang pagpapagawa ng mga T-shirt para sa mga Sakristan. Malaki ang naging bahagi ng inyong kabutihang-loob upang maging posible ang gawaing ito.
Patuloy nawa ang paglilingkod ng mga Sakristan nang may pananampalataya, disiplina, at pusong handang maglingkod.