Kapilya de San Antonio de Padua- Pantihan 1, Kanluran

Kapilya de San Antonio de Padua- Pantihan 1, Kanluran Ang mga litrato ng bawat ganap sa simbahan ay dito makikita

Taong 1994, itinatag ang kapilya sa Pnatihan 1, Kanluran, na siyang naging bahay dalanginan at takbuhan ng mga mamamayan sa lugar pag mayroong mga pangangailangan at dapat ipagpasalamat.

01/04/2026
Happy fiesta!!
07/03/2026

Happy fiesta!!

25/02/2026

Viva! San Juan de Dios! 🎉🙏

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Juan de Dios ngayong Marso 8, 2026 sa Capilla de San Juan de Dios, Pantihan I – Kanluran Community. Isang araw ng pananampalataya, debosyon, at pagkakaisa ang ating pagsasaluhan bilang isang komunidad.

Magsisimula ang programa sa Seminar sa ika-12:00 ng tanghali, susundan ng Banal na Misa at Binyag sa ika-1:00 ng hapon, Karakol sa ika-3:30 ng hapon, at magtatapos sa Prusisyon sa ika-6:30 ng gabi.

Sama-sama nating gunitain ang halimbawa ni San Juan de Dios bilang huwaran ng malasakit at paglilingkod sa kapwa. Halina’t makiisa at magpasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa atin.

Viva! San Juan de Dios! ✨
Viva! San Antonio de Padua ✨

ika-32 taong pagdiriwang ng pista sa ating bario! 😇

18/02/2026

Ngayong Ash Wednesday, inaanyayahan ang bawat isa na maglaan ng oras para sa panalangin at pagninilay. Sa tanda ng abo sa ating noo, pinaaalalahanan tayo na ang buhay ay pansamantala, ngunit ang pagmamahal at awa ng Diyos ay walang hanggan.

Ito ang simula ng ating paglalakbay sa Kuwaresma—panahon ng pagbabalik-loob, pagpapatawad, at tunay na pagbabago ng puso. Isang pagkakataon upang mas mapalalim ang ating pananampalataya at mas mapalapit sa Panginoon.
Halina at makiisa sa banal na pagdiriwang ngayong Ash Wednesday. Sama-sama tayong magsimula muli, may pusong mapagkumbaba at handang magbago.

Genesis 3:19
“For dust you are and to dust you shall return.”
(Sapagkat ikaw ay alabok, at sa alabok ka rin babalik.)

11/01/2026

Address

Maragondon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapilya de San Antonio de Padua- Pantihan 1, Kanluran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share