Parroquia de Nuestra Señora de la Asuncion de Maragondon

Parroquia de Nuestra Señora de la Asuncion de Maragondon Ang Opisyal na Pahina ng Parroquia de Nuestra Senora de la Asuncion, Maragondon, Cavite. Ito ay nasa administrasyon ng Ministri ng Pananaliksik at Komunikasyon.

  sa Bikarya ng Mahal na Birhen ng Candelaria HULYO 14, 2026Sinalubong   ng mainit na pagtanggap sa kaniyang pagdalaw sa...
25/08/2026

sa Bikarya ng Mahal na Birhen ng Candelaria

HULYO 14, 2026
Sinalubong ng mainit na pagtanggap sa kaniyang pagdalaw sa kanyang muling pagdalaw sa Simbahan ng Silang Diyosesanong Dambana at Parokya ng Mahal na Birhen ng Candelaria. Sinalubong ang imahen at pinarangalan sa pangunguna ni Rdo. P. Luisito Gatdula.

Hindi mapagkakaila ang lalim ng pananampalataya at pananabik ng mga deboto na masilayan ang Mahal na Birhen. Ang bawat pagindak sa karakol, paghipo sa imahen at taimtim na pananalangin ay patotoo na buhay na buhay ang pag-ibig at debosyon sa ating Mahal na Ina.

Maraming salamat sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Candelaria at sa buong Bikaryato nito, sa pagbubukas ng inyong mga puso at parokya!

Viva Virgen de la Asuncion! 🩵💛🤍

  sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng CandelariaIkaanim na dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang mga debot...
25/08/2026

sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng Candelaria

Ikaanim na dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang mga deboto sa San Antonio De Padua Parish - Pooc, Silang noong Hulyo 14, 2026.

Muli po maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap kay Mariang taga-Maragondon!

  sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng CandelariaIkalimang dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang mga deboto...
25/08/2026

sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng Candelaria

Ikalimang dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang mga deboto sa Parokya ni San Juan Maria Vianney noong Hulyo 14, 2026. Ang pagpaparangal sa Birhen ay pinangunahan ni Rdo. P. Christian B. Borabo

Muli po maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap kay Mariang taga-Maragondon!

  sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng CandelariaIkaapat na dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang mga debot...
25/08/2026

sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng Candelaria

Ikaapat na dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang mga deboto sa Parokya ng San Juan Bautista - Diyosesis ng Imus sa Silang noong Hulyo 14, 2026. Ang pagpaparangal sa Birhen ay pinangunahan ni Rdo. P. Michael P. Dulnuan

Muli po maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap kay Mariang taga-Maragondon!

  sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng CandelariaIkatlong dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang mga deboto ...
25/08/2026

sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng Candelaria

Ikatlong dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang mga deboto sa Divine Mercy Parish Biluso, Silang Cavite noong Hulyo 14, 2026. Ang pagpaparangal sa Birhen ay pinangunahan ni Rdo. P. Eric M. Orcullo.

Muli po maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap kay Mariang taga-Maragondon!

  sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng CandelariaIkalawang dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang Pambansang...
25/08/2026

sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng Candelaria

Ikalawang dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang Pambansang Dambanan ng Mahal na Birhen ng La Salette sa Silang noong Hulyo 14, 2026. Kung saan ang Mahal na Patrona ay pinarangalan ng mga Missionaries of Our Lady of La Salette.

Muli po maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap kay Mariang taga-Maragondon!

  sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng CandelariaUnang dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang mga mananamapa...
25/08/2026

sa Bikaryato ng Mahal na Birhen ng Candelaria

Unang dinalaw ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Asuncion ang mga mananamapalataya sa The Risen Christ Parish-Bulihan, Silang noong Hulyo 14, 2026, kung saan sinalubong siya ng mga deboto at pinarangalan sa pangunguna ni Rdo. P. Lordencio D. Honrada.

Muli po maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap kay Mariang taga-Maragondon!

25/08/2026

𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋𝐔𝐒
𝐴𝑛𝑔 𝑂𝑟𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛

℣. 𝘈𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘨𝘩𝘦𝘭 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘢.
℟. At siya'y naglihî lalang ng Espíritu Santo.

℣. 𝘈𝘣𝘢́ 𝘎𝘪𝘯𝘰𝘰́𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘳𝘪́𝘢, 𝘯𝘢𝘱𝘶𝘱𝘶𝘯𝘰̂ 𝘬𝘢 𝘯𝘨 𝘨𝘳𝘢𝘴𝘺𝘢, 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰́𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘴𝘶𝘮𝘢́𝘴𝘢𝘪𝘺𝘰́. 𝘉𝘶𝘬𝘰́𝘥 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢̀ 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵, 𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢̀ 𝘯𝘢𝘮𝘢́𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰́𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘏𝘦𝘴𝘶́𝘴.
℟. Santa María, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kamí'y mamámatay. Amen.

℣. 𝘕𝘢́𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰́𝘯.
℟. Maganáp nawâ sa akin ayon sa wikà mo.

℣. 𝘈𝘣𝘢́ 𝘎𝘪𝘯𝘰𝘰́𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘳𝘪́𝘢, 𝘯𝘢𝘱𝘶𝘱𝘶𝘯𝘰̂ 𝘬𝘢 𝘯𝘨 𝘨𝘳𝘢𝘴𝘺𝘢, 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰́𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘴𝘶𝘮𝘢́𝘴𝘢𝘪𝘺𝘰́. 𝘉𝘶𝘬𝘰́𝘥 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢̀ 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵, 𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢̀ 𝘯𝘢𝘮𝘢́𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰́𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘏𝘦𝘴𝘶́𝘴.
℟. Santa María, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kamí'y mamámatay. Amen.

℣. 𝘈𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢́𝘯𝘨-𝘵𝘢𝘰,
℟. At nakipamayan sa atin.

℣. 𝘈𝘣𝘢́ 𝘎𝘪𝘯𝘰𝘰́𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘳𝘪́𝘢, 𝘯𝘢𝘱𝘶𝘱𝘶𝘯𝘰̂ 𝘬𝘢 𝘯𝘨 𝘨𝘳𝘢𝘴𝘺𝘢, 𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰́𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴 𝘢𝘺 𝘴𝘶𝘮𝘢́𝘴𝘢𝘪𝘺𝘰́. 𝘉𝘶𝘬𝘰́𝘥 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢̀ 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵, 𝘢𝘵 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢̀ 𝘯𝘢𝘮𝘢́𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘺𝘰́𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘏𝘦𝘴𝘶́𝘴.
℟. Santa María, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kamí'y mamámatay. Amen.

℣. 𝘐𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪́, 𝘖 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘐𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘺𝘰𝘴,
℟. Nang kamí’y magíng dapat na makinabang sa mga pangakò ni Kristo.

℣. 𝘔𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘵𝘢𝘺𝘰.
Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa ng iyong mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng angel ay nakilala namin ang pagkakatawang tao ni Hesukristong Anak mo, pakundangan sa mahal na pasakit at pagkamatay niya sa Krus papakinabangan mo kami ng kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kadakilaan sa langit. Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.
℟. Amen.

℣. 𝘓𝘶𝘸𝘢𝘭𝘩𝘢𝘵𝘪̀ 𝘴𝘢 𝘈𝘮𝘢́, 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘈𝘯𝘢𝘬, 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘌𝘴𝘱𝘪́𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘰,
℟. Kapara nang sa unang-una, ngayon at magpakailamán, at mágpasawaláng hanggán. Amen.

23/08/2026

𝟭𝟲𝟴 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗜 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗢𝗦𝗘 | 𝗔𝗟𝗔𝗠 𝗠𝗢 𝗕𝗔? 💡

Sa likod ng 168 taon ng kasaysayan ng Parokya ng San Jose-Bailen, may isang parokyang nagsilbing pinagmulan nito:ang Parroquia de Nuestra Señora de la Asunción de Maragondon, ang kinikilalang Inang Parokya ng Bailen.

Bago naging ganap na sariling parokya ang Bailen noong 1858, bahagi muna ito ng Maragondon.

Halina’t balikan natin ang mga kuwentong nag-uugnay sa ating parokya sa mayamang kasaysayan ng Maragondon!

-

𝗧𝗥𝗜𝗩𝗜𝗔 #𝟮

𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗿𝗼𝗾𝘂𝗶𝗮 𝗱𝗲 𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗮 𝗦𝗲ñ𝗼𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗹𝗮 𝗔𝘀𝘂𝗻𝗰𝗶ó𝗻 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗿𝗮𝗴𝗼𝗻𝗱𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗸𝗶𝗻𝗶𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗲-𝗕𝗮𝗶𝗹𝗲𝗻?

Ang kasaysayan ng Parokya ng San Jose-Bailen ay malalim na nakaugnay sa Parroquia de Nuestra Señora de la Asuncion de Maragondon, na nagsilbing Inang Parokya bago tuluyang maitatag ang Bailen bilang isang bukod na parokya.

Noong 1858, ang 𝗕𝗮𝗶𝗹𝗲𝗻 𝗮𝘆 𝘁𝘂𝗹𝘂𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝗵𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮𝘆 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗮𝗴𝗼𝗻𝗱𝗼𝗻 at 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝗿𝗼𝗻𝗮𝘁𝗼 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗲. Ang paghihiwalay na ito ang naging mahalagang hakbang sa pagbuo ng sariling pamayanang panrelihiyon ng Bailen, habang nananatili ang makasaysayang ugnayan nito sa dating kinabibilangang parokya.

Maging sa mga sumunod na panahon ay makikita ang patuloy na ugnayang ito. Ilan sa mga paring nagmula sa Maragondon ay pansamantalang naglingkod sa Parokya ng San Jose-Bailen, kabilang sina 𝗥𝗱𝗼. 𝗣. 𝗖𝗲𝗹𝗲𝘀𝘁𝗶𝗻𝗼 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗰𝗵𝗼 at 𝗥𝗱𝗼. 𝗣. 𝗠𝗮𝗻𝘂𝗲𝗹 𝗝𝗶𝗺𝗲𝗻𝗲𝘇 bilang mga Kura Paroko, at sina 𝗥𝗱𝗼. 𝗣. 𝗗𝗮𝗻𝗶𝗲𝗹 𝗔𝗱𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼, 𝗥𝗱𝗼. 𝗣. 𝗥𝗼𝗺𝗮𝗻 𝗦𝘁𝗮. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮, 𝗥𝗱𝗼. 𝗣. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁𝗶𝗻 𝗖𝘂𝗲𝗻𝗰𝗮, 𝗥𝗱𝗼. 𝗣. 𝗝𝗼𝘀𝗲 𝗖𝘂𝗮𝗷𝘂𝗻𝗰𝗼, at 𝗥𝗱𝗼. 𝗣. 𝗕𝗮𝗹𝗱𝗼𝗺𝗲𝗿𝗼 𝗘𝘂𝗴𝗲𝗻𝗶𝗼 𝗱𝗲 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 bilang mga Katuwang na Pari.

Sa gayon, ang kasaysayan ng San Jose-Bailen ay hindi maihihiwalay sa kasaysayan ng Maragondon; ang parokyang pinagmulan nito at kinikilalang Inang Parokya ng ating pamayanang panrelihiyon.

𝘚𝘢𝘯𝘨𝘨𝘶𝘯𝘪𝘢𝘯: 𝘐𝘒𝘈-136 𝘛𝘈𝘖𝘕𝘎 𝘈𝘕𝘐𝘉𝘌𝘙𝘚𝘈𝘙𝘠𝘖 𝘕𝘎 𝘗𝘈𝘙𝘖𝘒𝘠𝘈 𝘕𝘎 𝘚𝘈𝘕 𝘑𝘖𝘚𝘌 𝘎𝘌𝘕. 𝘌. 𝘈𝘎𝘜𝘐𝘕𝘈𝘓𝘋𝘖 (𝘉𝘈𝘐𝘓𝘌𝘕), 𝘊𝘈𝘝𝘐𝘛𝘌. (1994)., Parroquia de Maragondon: Sa Pahina ng Kasaysayan ni Fr. Leoben O. Perigrino

-

𝟭𝟲𝟴 𝗧𝗔𝗢𝗡. 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔. 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡.
𝗦𝗮𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗲, 𝗶𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶!





-

𝘗𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢: 𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘮𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘵𝘳𝘪𝘷𝘪𝘢 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘣𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘵𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘯𝘨𝘨𝘶𝘯𝘪𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭𝘶𝘬𝘶𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘭𝘪𝘬𝘴𝘪𝘬 𝘢𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘶𝘴𝘶𝘳𝘪. 𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘮𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯, 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘯𝘢𝘸, 𝘰 𝘴𝘢𝘯𝘨𝘨𝘶𝘯𝘪𝘢𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘬𝘭𝘢𝘵 𝘢𝘵 𝘪𝘣𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘭𝘪𝘬𝘴𝘪𝘬, 𝘮𝘢𝘭𝘶𝘨𝘰𝘥 𝘱𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘥𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨 𝘰 𝘮𝘢𝘪𝘵𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘯𝘢 𝘵𝘳𝘪𝘷𝘪𝘢.

22/08/2026


FIESTA REGALIA 2026
Ang kasuotan ng Mahal na Ina at Patrona, Nuestra Señora de la Asuncion, Birheng Nakaupo para sa Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa kanya sa Langit - handog nina G. Alex at Dr. Leni Diones Mariñas at Pamilya

Address

Maragondon
4112

Opening Hours

Tuesday 8am - 11:30am
1:30pm - 5pm
Wednesday 8am - 11:30am
2:30pm - 5pm
Thursday 8am - 11:30am
1:30pm - 5pm
Friday 8am - 11:30am
1:30pm - 5pm
Saturday 8am - 11:30am
Sunday 8am - 11am

Telephone

+63464831200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parroquia de Nuestra Señora de la Asuncion de Maragondon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parroquia de Nuestra Señora de la Asuncion de Maragondon:

Shortcuts

Share