IFI Maragondon

IFI Maragondon This is the official page of the Iglesia Filipina Independiente - Nuestra SeΓ±ora de la Asuncion Parish Church in Maragondon, Cavite

Paggunita kina Santa Maria Jacobe at Santa Maria Salome | Abril 24, 2026Ginugunita natin sa araw na ito sina Santa Maria...
24/04/2026

Paggunita kina Santa Maria Jacobe at Santa Maria Salome | Abril 24, 2026

Ginugunita natin sa araw na ito sina Santa Maria Salome at Santa Jacobe. Mga disipulo ng Panginoong Jesus. Sinasabing si Sta Maria Jacobe ay asawa ni Cleopas, siya rin ang Ina ni San Judas Tadeo at Santiagong Bata. Sa ilang tradisyon, sinasabing si Santa Maria Jacobe ay Ina ni Santa Salome. Sinasabi namang si Santa Maria Salome ang ina nina San Juan Evangelista at Santiago Mayor.

Kapwa nanatili ang dalawang babaeng banal sa paananan ng krus at mga unang saksi sa muling pagkabuhay ng Panginoon kasama ni Santa Maria Magdalena. Nawa, sa ating paggunita sa kanila ay ating matularan ang kanilang katapatan sa paglilingkod, kasama ang ating pamilya, sama-sama nating paglingkuran ang Panginoong Diyos.

Amen.

Santa Maria Jacobe at Santa Maria Salome,
Ipanalangin ninyo kami




17/04/2026
𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐒𝐧𝐠 π’πšπ₯𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐩𝐨, 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐫𝐨𝐀𝐲𝐚!Lubos ang pasasalamat ng ating Parokya sa lahat ng mga taong nag-alay ng kanilang sar...
08/04/2026

𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐒𝐧𝐠 π’πšπ₯𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐩𝐨, 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐫𝐨𝐀𝐲𝐚!

Lubos ang pasasalamat ng ating Parokya sa lahat ng mga taong nag-alay ng kanilang sarili, lakas, kakayahan, at talento upang ang pinaka-abalang yugto ng ating pananampalataya ay maging maayos, mapayapa, banal, at tunay na makahulugan bilang pag-aalaala sa pagpapakasakit at muling pagkabuhay ni Jesus. Dahil sa pagtutulungan ng bawat isa ay ating napagtagumpayan ang lahat ng gawain mula sa pitong mga prusisyon at sa karakol ng liwanag, hanggang sa mga pagdiriwang ng mga Banal na Misa lalo na sa Triduo Pascual at Muling Pagkabuhay.

Tayo ay nagpapasalamat sa mga sumusunod na Ministries at Organizations ng ating Parokya:

β€’ Lectors and Commentators Ministry
β€’ Ministry of Altar Servers
β€’ 12 Apostoles de Jesus
β€’ Coro de la Asuncion
β€’ Social Communications Ministry
β€’ Women of the Philippine Independent Church - Maragondon
β€’ Laymen of the Iglesia Filipina Independiente - Maragondon
β€’ Youth of Iglesia Filipina Independiente - Maragondon

Atin ding ipinapaabot ang pagkilala sa dedikasyon ng mga indibidwal, pamilya at angkang camarero sa paglalabas ng mga imahen mula sa 20 imaheng pang-Caru-caruhan ng Caru-caruhan de Maragondon, at 33 imaheng pang Mahal na Araw ng Cofradia de la Sagrada Pasion.

Lubos din ang ating pasasalamat at pagkilala sa ating butihing Kura Paroko, Msgr. Illeri M. Buenaventura, sa kanyang masigagsig at taus-pusong paglilingkod sa bawat gawain ng Parokya, sa kanyang pangunguna at pagsuporta sa mga gawain tungo sa lalong ikauunlad at ikalalago ng ating mga gawain at pagdiriwang, lalo na sa nagdaang Kuwaresma at Mahal na Araw.

Gayon din, sa Lokal na Pamahalaan, lalo’t higit sa ating Punongbayan, Kgg. Lawrence Arca, mga kawani ng LGU, at sa lahat ng mga Barangay at mga kasapi nito na ating nakatulong sa pagtitiyak ng kapayapaan at kaligtasan ng mga banal na gawaing ito.

At sa buong sambayanan ng Diyos na naging aktibong bahagi ng ating lahat ng gawain, Maraming Salamat po!

Sa Diyos ang higit na papuri, pasasalamat, at pagkilala, na Siyang nag-alay ng Kanyang bugtong na Anak, alang-alang sa ating kaligtasan.

Mabuhay po tayong lahat.




08/04/2026

Panoorin:

Huwebes at Biyernes Santo | Prusisyon ng Pasyon at Paglilibing Sa Panginoon 2026

Panoorin sa Video Highlights na ito ang paglabas ng 32 imahen ng ating Parokya ukol sa Pasyon ng Panginoon at ang mga banal na Santo na kabahagi ng kanyang pagpapakasakit at kamatayan sa krus sa nagdaang Huwebes at Biyernes Santo.

Tayo ay nagpapasalamat sa mga pamilyang camarero ng mga imahen sa patuloy na pagtataguyod ng natatanging debosyong ito. Nawa ay tunay na maikintal sa atin ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng katesismo ng kanyang pasyon sa ating mga banal na prusisyon.





Pagkakaisa sa iisang alay na Pag-ibigSa kabila ng abalang gawain ng Semana Santa sa ating bayan, taon-taon, sa tuwing du...
06/04/2026

Pagkakaisa sa iisang alay na Pag-ibig

Sa kabila ng abalang gawain ng Semana Santa sa ating bayan, taon-taon, sa tuwing dumadaan ang Prusisyon ng Paglilibing sa Panginoon ng Simbahang Romano Katoliko, ang dalawang kura ng Simbahang Aglipay at Romano Katoliko ay nagkakaroon ng mumunting pag-uusap, kamayan, at kumustahan. Sa halimbawang ito ay nakikita ang tunay na kahulugan ng pag-aalay ng buhay ng Panginoon, ito ay upang ang kanyang bayan ay tawagin sa pagkakaisa; upang maging isa sa pag-ibig, na sa kabila ng pagkakaiba ay binubuklod ng pagmamahal sa Diyos.

Mabuhay ang isang bayang nagpupuri sa Diyos. Mabuhay ang dalawang Simbahan ng Maragondon, sa halimbawa ng mga butihing kura na pastol ng ating sambayanan.




BIYERNES SANTO | Abril 3 2025Narito ang mga kuhang larawan sa prusisyon sa Maragondon sa araw ng Biyernes
05/04/2026

BIYERNES SANTO | Abril 3 2025

Narito ang mga kuhang larawan sa prusisyon sa Maragondon sa araw ng Biyernes


04/04/2026

LINGGO NG PAGKABUHAY

Abril 5 2026


04/04/2026
04/04/2026

LINGGO NG PAGKABUHAY

SALUBONG | Abril 5 2026


Address

137 Villafranca Street, Poblacion 2-A
Maragondon
4112

Opening Hours

Monday 9am - 11am
2pm - 5pm
Tuesday 9am - 11am
2pm - 5pm
Wednesday 9am - 11am
2pm - 5pm
Thursday 9am - 11am
2pm - 5pm
Friday 9am - 11am
2pm - 5pm
Saturday 9am - 11am
2pm - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IFI Maragondon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share