Santo Rosaryo Chapel - Bucal 1

Santo Rosaryo Chapel - Bucal 1 SUNDAY MASS
4:00 PM

06/09/2022

Mga kapatid, halina't makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria sa Setyembre 8, 2022.

Narito ang mga gawain para sa pagdiriwang:

3:30 PM - Santo Rosaryo at Nobena kay San Judas Tadeo
4:00 PM - Banal na Misa
5:00 PM - Prusisyon

Ruta ng Prusisyon:
Bucal 4 - Bucal 1 - Parokya

SAMA-SAMA TAYONG MAGLAKBAY KASAMA SI MARIANG INA NATIN PATUNGO SA KAHARIAN NG DIYOS!

31/10/2021

Ang Unang Araw ng Nobyembre ay isang espesyal na okasyon sapagkat ating ipinagdiriwang ang Lahat ng mga Banal, kapwang mga kilala at ‘di kilalang santo. Ang titulo na “santo” ay may katumbas na kahulugang “banal”. Ito’y sapagkat habang sila’y nabubuhay sa daigdig, namuhay sila sa kabanalan ng Diyos sa kanilang kababang-loob na pagkatao. At matapos ang kanilang mga pinagdaanan sa sangkalupaan, natagumpayan nila ang korona ng buhay na walang hanggan sa kalangitan.

Mga kapatid, narito po ang iskedyul ng mga Banal Na Misa sa Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal (All Saints Day) ngayong Nobyembre 1, 2021

7:00 ng Umaga (Nakalive)
5:00 ng Hapon

Maaari rin natin itong masubaybayan sa pamamagitan ng Facebook Live sa ating Opisyal na page

LAHAT KAYONG MGA BANAL SA LANGIT
Ipanalangin niyo kami!









25/10/2021

“Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.” - Mga Hebreo 5:6

Mga kapatid, sa darting pong Oktubre 27, 2021 sa ganap na ika-4 ng Hapon ay pormal nang itatalaga ang ating Kura Paroko, Reb. Pd. Dennis B. Beltran, SThL, MAT sa ating parokya! Kasabay po nito ay ang pagbabasbas ng ating Adoration Chapel.

Ang lahat ng mga mananampalataya at mga lingkod layko ng ating parokya ay malugod naming inaanyayahan sa pagdiriwang na ito. Ang mga hindi po makakapunta sa gawaing ito ng pisikal ay maaari pong sumubaybay sa ating Facebook Live.

Ang pagdiriwang na ito ay pangungunahan ng Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, OFS, D.D. ang obispo ng Diyosesis ng Imus kasama ang ilang kaparian.

SAN ANTONIO DE PADUA, IPANALANGIN MO KAMI!







16/10/2021

SAMBAYANAN NI SAN ANTONIO!

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng ating Adoration Chapel, kayo po ay malugod naming iniimbitahan sa Seminar and Formation na pinamagatang "Laus Deo: A Webinar on Adoration and Adoration Chapel" na gagawin ngayong Lunes, Oktubre 18, 2021 sa ganap na ika-8 ng Gabi.

Para po makasali sa Webinar na ito, narito po ang link ng Google Meet. Para po makasali kayo sa ating webinar, pindutin lamang po ang link na nasa ibaba:
Video call link: https://meet.google.com/rhi-dbtp-cdq

Mapapanood rin po ito ng LIVE sa ating Opisyal na page.

Maraming salamat po!







14/10/2021

Excited ka na ba sa ating ikatlong kabanata ng ating online KABISIG 2021?

Ito na! Muli tayong magsama-samang manood at makilahok sa darating na Oktubre 23, 2021!

"Animnapu, Atin Na Po: Ang Diyosesis at ang Kabataan"

Kitakits tayo. Kabataang Kabitenyo! KABISIG!

09/09/2021
01/09/2021

Mga kapatid, sama - sama tayong makiisa sa Pagbubukas ng ika-12 Taon ng Paglikha ngayong araw, Setyembre 1, 2021 na gagawin sa pamamagitan ng Banal na Misa mamayang 5:00 PM sa ating parokya. Mapapanood po ito ng LIVE sa ating Opisyal na Pahina.

SAMA-SAMA NATING PANGALAGAAN ANG ATING INANG KALIKASAN!








22/06/2021
21/06/2021

Sambayanan ni San Antonio de Padua!

Nabanggit ng ating Mahal na Santo Papa Francisco sa Kanyang catechesis - Wednesday General Audience noong Oktubre 23, 2019 na ang Simbahan ay ang bahay ng ating Ama na laging bukas sa mga mananampalataya. Dagdag pa rito, kanya ring nabangiit na ang isang tanda ng pagiging bukas ng Simbahan ay ang palagiang bukas ang pintuan nito na kapag ang isang mananampalataya ay tinawag ng Espiritu Santo upang hanapin ang Diyos, hindi siya makakasumpong ng isang saradong simbahan.

Kaya naman bilang tugon sa pahayag na ito ng Santo Papa, ang atin pong simbahan ay bukas araw-araw simula alas - singko ng Umaga hanggang alas nueve ng Gabi.
Sa mga panahong kayo po ay tinatawag ng Diyos upang magdasal at isamo ang inyong mga problema at suliranin sa buhay, asahan niyo pong laging bukas ang ating simbahan.

Lagi pong nakikinig ang Diyos sa ating lahat!







01/06/2021

Magsaya, magalak at magbunyi!

Sa kabila ng pandemyang ating nararanasan ay patuloy pa rin tayong magpasalamat sa Poong Maykapal sa pagkakataong tayo'y nagdiriwang sa Kapistahan ng ating parokya!

Mga kapatid, narito po ang programa at aktibdades sa Kapistahan ni San Antonio de Padua ngayong taong 2021

Deklarasyon Bilang Parroquia de San Antonio de Padua
Hunyo 3, 2021

7:30 ng Umaga
Unang Araw ng Novena

9:00 ng Umaga
Misa Concelebrada
Deklarasyon ng pagiging Parokya
Pagtatalaga sa Unang Kura-Paroko

Lub. Kgg. Reynaldo G. Evangelista, OFS, D.D.
Obispo ng Diyosesis ng Imus
Punong Tagapagdiwang

Kasama ang Kaparian ng Diyosesis ng Imus

Programa sa Kapistahan ni San Antonio de Padua

Hunyo 4 - 5, 2021
Ikalawa at Ikatlong Araw ng Novena
4:00 ng Hapon - Novena | 5:00 ng Hapon - Banal na Misa

Hunyo 6, 2021
Ikaapat na Araw ng Novena
7:30 ng Umaga - Novena | 8:00 ng Umaga - Banal na Misa

Hunyo 7-11, 2021
Ikalima hanggang Ikasiyam na Araw ng Novena
4:00 ng Hapon - Novena | 5:00 ng Hapon - Banal na Misa

Hunyo 12, 2021
Bisperas ng Kapistahan
2:00 ng Hapon - Banal na Misa | 3:00 ng Hapon - Motorcade

Hunyo 13, 2021
Araw ng Kapistahan
Mga Banal na Misa:
6:30 at 9:30 ng Umaga, 4:00 ng Hapon
5:30 ng Hapon - Motorcade

VIVA SAN ANTONIO DE PADUA DE BUCAL!






01/06/2021

Sambayanang Bukalenyo!

Magsaya tayo't magbunyi sa dakilang biyaya na ipinagkaloob sa atin ng Panginoon! Ang ating sambayanan ay magiging ganap nang isang Parroquia de San Antonio de Padua!

Halina't sama-samang ipagdiwang ang biyayang ito sa darating na Hunyo 3, 2021, sa ganap na ika-9 ng Umaga sa ating Centro. Limitado lamang po ang maaaring makadalo sa pagdiriwang sa mismong simbahan kaya naman po inaabisuhan po namin ang mga hindi makakapunta sa simbahan na dumalo sa pamamagitan ng Livestreaming.

Sa mga makakadalo po ng pagdiriwang na ito ay inaabisuhan po naming sundin ang minimum health protocols bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ang pagdiriwang na ito ay pangungunahan ng ating Obispo, Lub. Kgg. Reynaldo Gonda Evangelista, OFS, D.D. kasama ng kaparian ng Diyosesis ng Imus

VIVA SAN ANTONIO DE PADUA!





Address

Maragondon
4112

Telephone

+639061895415

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santo Rosaryo Chapel - Bucal 1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share