Casa Niño de Padua

Casa Niño de Padua “The life of the body is the soul. The life of the soul is Christ.” - Saint Anthony of Padua

10/06/2024
10/06/2024

𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬

Road Closure along Bucal Road (From Advincula Private Road - Bucal 1 to Bucal 4-B) on June 11, 2024 - Tuesday due to Thanksgiving Mass Celebration of Rev. Fr. Erwin F. Arandia, S.J.

Please be guided accordingly!

10/06/2024

Congratulations on your Presbyteral Ordination,
Rev. Fr. Erwin F. Arandia, S.J., J.D.!

Ang buong bayan ng Maragondon ay nagagalak sa biyaya ng Diyos sa isang panibagong pari na nagmula sa ating bayan.

Samahan natin sa June 11, 2024 sa kaniyang Thanksgiving Mass na gaganapin sa San Antonio de Padua, Bucal 2 Maragondon, alas-5 ng hapon.



10/06/2024

𝐃𝐄𝐎 𝐆𝐑𝐀𝐓𝐈𝐀𝐒!

Malugod po namin kayong inaanyayahan sa MISA PASASALAMAT ni REV. FR. BOK F. ARANDIA, S.J. sa ating parokya kasama ang kanyang mga kapatid na Heswita na sina

REV. FR. JEPOY C. POCONG
REV. FR. RICHARD S. SUMERA, SJ
REV. FR. KENZLEE E. YBAÑEZ

ngayong ika-11 ng Hunyo 2024, Martes, 5:00 ng Hapon sa Parroquia de San Antonio de Padua, Bucal, Maragondon, Cavite

08/06/2024
08/06/2024
08/06/2024

𝟓 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆, 𝐓𝐄𝐍𝐀'𝐓 𝐌𝐀𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀!
𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐓𝐎𝐍𝐈𝐎 𝐃𝐄 𝐏𝐀𝐃𝐔𝐀!

Ngayong araw, ating alamin ang himalang ginawa ni San Antonio de Padua sa pananauli niya ng buhok ng isang babae!

𝙎𝘼𝙉 𝘼𝙉𝙏𝙊𝙉𝙄𝙊 𝘿𝙀 𝙋𝘼𝘿𝙐𝘼, 𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙏𝙍𝙊𝙉, 𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪







MGA PAALALA SA KARAKOL NG SAMBAYANANG BUCAL Ang 𝗞𝗮𝗿𝗮𝗸𝗼𝗹 ay isang sayaw o indayog ng mga pusong nagpapasalamat, nagpupuri...
07/06/2024

MGA PAALALA SA KARAKOL NG SAMBAYANANG BUCAL

Ang 𝗞𝗮𝗿𝗮𝗸𝗼𝗹 ay isang sayaw o indayog ng mga pusong nagpapasalamat, nagpupuri, at nananalangin sa Diyos. Maihahalintulad ito sa ginawang pagsasayaw ni Haring David sa harap ng Kaban ng Tipan dahil sa kagalakan at pagpupuri kay Yahweh (𝟐 𝐒𝐚𝐦𝐮𝐞𝐥: 𝟔:𝟏𝟐-𝟐𝟑).

Kung kaya sa ating pakikilahok sa Karakol ng Sambayanan sa Bucal 2024 alay sa karangalan ng SAN ANTONIO DE PADUA sa darating na MIYERKULES, JUNE 12 narito ang ilang mga bagay na 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻 upang maging masaya, makabuluhan, at banal ang ating pagdiriwang.

1. Ang KARAKOL ay isang sagrado at banal na gawain. Piliing magdasal kaysa gumawa ng gulo o hindi kaaya-ayang ingay na makapupukaw sa atensyon ng ibang mga sumasayaw.

2. HUWAG BIGYAN ng STEPS o MAKABAGONG ANYO ang Karakol. Sumayaw ayon sa kalooban ng puso sa saliw ng mga tugtuging pandangguhan.

3. HUWAG GUMAMIT ng mga MAKABAGONG TUGTUGIN tulad ng mga disco at party music upang mapanatili ang pagiging banayad ng pagsasayaw ng mga mananampalataya.

4. IWASAN din ang mga KILOS AT PANANALITA NA HINDI ANGKOP sa pagdiriwang bilang respeto sa Karakol ni Tata Tonio at sa iba pang mga deboto at mananampalataya.

5. Alalahaning isang banal na gawain ang Karakol kung kaya nararapat pa rin ang PAGSUSUOT NG KAAYA-AYANG KASUOTAN.

6. IPINAGBABAWAL din ang pagdalo ng mga NAKAINOM AT ANG PAG-AALOK NG MGA INUMING NAKALALASING habang nasa Karakol.

7. Gamitin ang Karakol bilang pagkakataon upang MAGPASALAMAT SA MGA BIYAYA AT UPANG IDULOG ANG ATING MGA PANALANGIN sa Diyos sa pamamagitan ni SAN ANTONIO DE PADUA.

Ang Karakol ay isang pamana at tanging yaman ng ating bayan na dapat panatilihing sagrado at gawin ng sambayanan sa paraang kalugod-lugod at ikaluluwalhati ng Diyos.

TARA NA'T SUMAYAW AT UMINDAK NA MAY KASAMANG PANALANGIN AT PASASALAMAT, VIVA SAN ANTONIO DE PADUA!

07/06/2024

𝟔 𝐍𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐀 𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆, 𝐓𝐄𝐍𝐀'𝐓 𝐌𝐀𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀!
𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐓𝐎𝐍𝐈𝐎 𝐃𝐄 𝐏𝐀𝐃𝐔𝐀!

Ngayong araw, ating alamin ang himalang ginawa ni San Antonio de Padua sa pagbuhay niya sa isang bangkay at nagsalitang walang sala ang ama ni San Antonio sa pagpatay sa kanya!

𝙎𝘼𝙉 𝘼𝙉𝙏𝙊𝙉𝙄𝙊 𝘿𝙀 𝙋𝘼𝘿𝙐𝘼, 𝘼𝙈𝙄𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙏𝙍𝙊𝙉, 𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪







Address

Bucal 2
Maragondon
4112

Opening Hours

Monday 9am - 10pm
Tuesday 9am - 3pm
7pm - 10pm
Wednesday 9am - 3pm
7pm - 10pm
Thursday 9am - 10pm
Friday 9am - 10pm
Saturday 9am - 9pm
Sunday 11am - 10pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Casa Niño de Padua posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Casa Niño de Padua:

Share