17/02/2026
🌿 PANAHON NG KUWARESMA 🌿
Ano nga ba ang ito?
Ang Panahon ng Kuwaresma ay ang apatnapung (40) araw sa panahong liturhikal ng Sangka-Kristiyanuhan.
Ito ay nagsisimula sa Ash Wednesday hanggang sa bisperas ng Linggo ng Pagkabuhay. Sa pagbilang na ito ay hindi kasama ang mga araw ng Linggo.
Ang Kuwaresma ay panahon ng paggunita at pagbubulay ng mga mananampalataya sa naging buhay ni Jesus na nagpakita ng mabuting huwaran para sa lahat—ang pakikisalamuha sa lahat at pagbibigay ng pag-asa sa mga nangangailangan nito.
Tayo rin ay inaanyayahan na magsisi sa ating mga nagawang pagkakasala, at magbago ng buhay tungo sa kabutihan. Bahagi ng paggunitang ito ay ang biyaya ng kaligtasang kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakasakit, kamatayan, at pagkabuhay na mag-uli ni Cristo Jesus.
Sama-sama tayo bilang iglesya ng Diyos sa paggunita at pagbubulay sa gabay ng Espiritu ng Diyos.
“Gayunman,” sabi ni Yahweh “mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin; mag-ayuno kayo, manangis at magdalamhati. Magsisi kayo nang taos sa puso, at hindi pakitang-tao lamang. Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos! Siya'y mahabagin at mapagmahal, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig; laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa nagsisisi." Joel 2:12-13